Isang linggo na ang nakalipas matapos sabihin ni Jana sa'kin ang buong pagkatao nila, kung ano sila.. at kung ano ako.
Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng 'to. Isa ba talaga akong taong lobo? Or, maybe Jana was just bluffing about it, about them. Pero paano kung totoo nga? Hindi naman siguro sinungaling si Jana, diba? Pero paano kung nagsinungaling nga siya? I don't even know her! She's a stranger and I'm a stranger, we are stranger to each other. So, how would I know kung totoo nga isa akong gano'n.. na they're werewolves, that I'm a werewolf? Naguguluhan na ako. Jana kasi e!
“Knock! Knock!”
Speaking of Jana, she's here. Ano na naman kaya ang gagawin niya dito.
Umawang ang pinto at sumungaw ang ulo niya. “May I come in?” Tanong niya
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Wala sana akong balak na mang entertain ng kahit na sino ngayon dahil pagod ako, ay wala akong magawa. I know Jana at alam ko kung gaano siya ka mapilit kahit na hindi-an at ayawan mo 'yan, you still don't have a choice but to let her be.
“Balak mo bang maging caveman? You have been inside this room ever since na dumating ka rito.” Agaran niyang saad pagkapasok.
I glance at her. “Hindi naman.” Maikli kong sagot sa tanong niya.
“Hindi? Pero parang papunta kana sa pagiging caveman dahil sa hindi mo paglabas ng kwartong 'to. Kahit sa almusal, tanghalian at hapunan kailangan pang hatiran ka rito just because ayaw mong lumabas. Really, Selene? Yun ba ang 'hindi naman' mo?”
Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya bago binaba ang hawak kong libro. Marahan kong sinara ang libro at tumingin sa labas ng bintana.
“See?”
Lumingon akong muli sa kanya at bumuntong hininga. Wala ata akong kawala ngayon.
“Jana, alam mo naman kung bakit ayaw kong lumabas diba? I am still unsure of living here. Kung ikaw gusto mo na nandito ako, but me. I don't know.”
“Ouch! Ang sakit naman no'n. So, ayaw mo dito? Ayaw mo sakin? Na nandito ako.”
Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Na misinterpret niya ata ang sinabi ko.
“No. That is not what I meant. I mean, I don't know. I don't know about myself anymore. I don't know about this whole werewolf thing-”
She cutted me off. “Hindi tayo 'thing' lang, Selene.""
I nodded. “Okay. Hindi ko alam kung totoo ba talaga na isa akong lobo. I don't know kung maniniwala ba ako sa lahat ng ito o hindi. Everything was so untrue. So hard to believe.” I heaved a sigh at yumuko.
“Selene,” tawag niya kaya napatingin ako sakanya. “Pati ako. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang mga dapat sabihin at ipakita sayo para maniwala ka lang.. mapatunayan ko lang na ang lahat ng ito ay totoo. I'm not telling lies or bluffing in here dahil ito ang totoo. You may not believe it right now, but in time. Wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. You'll accept, someday. You don't have a choice but to accept it, Selene. Accept what you really are.”
Accept what I am? Pero paano?
Paano ko gagawin kung ngayon ko lang nalaman na ganito ako? Paano ko tatanggapin ang lahat ng ito kung sa simula palang ay ang hirap ng intindihin at unawain? I heaved a breath at kinamot ang aking kilay, out of frustration.
BINABASA MO ANG
Selene
WerewolfIn order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end. #1 Werewolf 10/13/2022