Dumating ang araw ng seremonya. Busy ang lahat ng manggagawa ng malaking bahay dahil sa gaganapin. Hindi lamang ang acceptance ceremony ko ang mangyayari kundi pati narin ang pagselebrar ng asul na buwan. Blue moon represents birth of werewolves. Sa gabing lumabas daw ang asul na buwan ay siyang pagtanyag ng kauna unahang taong lobo. The Moon goddess itself created them and now they are going to celebrate. My ceremony is just a bonus as i'm gonna be part of them.
Sa mga araw ding 'yun wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Nakakalabas lang ako kapag pinupuntahan ako ni Jana. May mga araw rin na halos kaladkarin niya ako para lumabas at may mga araw rin na hindi niya ako nagawang palabasin. I'm not into trolling when I know i'm still not one of their pack. Feeling ko kasi wala akong karapatan na magliwaliw sa lugar kung hindi naman ako kasapi. And I know some of them doesn't like me. Even him.
“My god, Selene! Araw araw nalang ba tayong ganito, ang pupuntahan kapa para ayain lumabas? Hindi ka man lang ba nainip?” Dinig kong tanong niya.
“Hi, Jana.” Bati ko.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya at mariin na pumikit. She's too stressed for over my concerns. Can't she see i'm fine here in my little space? Hindi naman siguro masama ang mamalagi sa isang espasyong alam mong ligtas ka. At hindi ko naman siguro obligado ang lumabas sa bahay na 'to.
“Can you atleast put some emotion on when you greet me. Para kasing ayaw mo na nandito ako like.. Hi Jana.”
Natawa ako sa kanya ng ginaya niya ang pagbati ko.
“Sorry. Kinakabahan lang kasi ako. All the pack members are there to witness my ceremony. Natatakot ako na baka ayaw nila sakin at hindi nila ako matanggap. I'm afraid of rejections, Jana. Ever since my foster mother died I have been recieving hate and rejections kaya hindi ko maiwasang matakot.”
“Rejections are inevitable Selene.” Tumitig siya sa mga mata ko. “Alam mo, ang buhay napupuno iyan ng rejection. Sa pag-ibig man 'yan, pamilya, kaibigan o kaya sa kakilala natin at kahit nga sa 'di natin kakilala. We can still be rejected. We can't do anything to avoid it. The least thing we can do is accept it. Hindi man agad agad pero dadating din ang panahon na matatanggap mo iyon. Just learn to embrace.”
Pero masakit. Memories of my mother and father rushes to my mind, mga tawa at ngiti nila. Then suddenly memories of my father holding a knife came back to me. Pumikit ako ng mariin at umiling. No. Hindi ko magawa ang sinasabi mo Jana. I just can't.
“Susubukan ko.” Nasabi ko nalang.
“Anyways. Kaya nga pala ako nandito dahil ako ang tutulong sayo mag-ayos and you can't refuse, utos ng Alpha. Now, get up. Procceed to the bathroom.”
Nanghihina akong tumayo at sumunod sa utos niya. It's nearly eight in the evening kaya half bath lang ang ginawa ko. After 10 minutes, i'm done.
Lumabas akong nakatapis lang dahil wala akong damit na dala. Sabi rin kasi ni Jana na mamimili pa siya sa mga pinamili niya which is ang dami, para lang sa gabing 'to.
“Bakit ang dami naman ata ng damit na dinala mo?” Di ko na napigilang itanong sa kanya.
She has like five to six bags of clothes and eight box of shoes na ngayon ko lang napansin kasi wala naman iyon nang dumating siya. Lahat ng iyon ay bago. Anong nakain nito at ang daming damit na pinamili?
“Well. As you can see, bago ka pa lang dito and today is your special day and you are my bestfriend. I want to do something special for you. Gusto ko gawing memorable ang araw na ito dahil sabi mo nga noon na you've never had a party or a celebration na para talaga sayo... kaya ito. Since magiging parte ka na rin ng pack, I atleast welcome you with these.”
Nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Ngumiti ako ng matamis. Marahan ko siyang niyakap at nagpasalamat.
“Salamat.”
“Don't be.” Gumanti siya ng yakap at tinapik ang likod ko bago bumitaw. “So, let's get you dressed up. We're taking too much time. Ayaw naman siguro natin silang paghintayin.”
Tumango ako. Kinuha niya ang isang puting damit at binigay sakin. Nalaglag ang aking panga nang makita. Isang backless dress na umaabot sa gitnang bahagi ng likuran at above the knee ang haba. It's simple on the front but daring at back.
“Here. I picked your dress already. I know it'll look good on you and I hope you wont get mad.”
“No, it's ok. Suotin ko lang.”
Pumasok akong muli sa banyo bitbit ang damit. Hinid ko naiwasang ngumiwi. Kaya ko bang suotin to? Masyadong mahalay tignan.
Sa huli wala akong nagawa kundi ang suotin. Kailangan kong magmadali. Maraming oras na ang nasayang. Wolves are hot headed creature at baka ano pa ang mangyari kapag nagtagal pa ako.
Lumabas na ako. Mabilis naman akong hinatak ni jana at pinaupo sa stool habang nakatalikod sa salamin. Isang mabilisang kilos ang ginawa niya na hindi umabot ng limang minuto siyang natapos.
“Tapos na. Let's go.”
Sabay kaming lumabas sa kwarto at nagtungo sa venue. It was a simple venue. May mga mesa, upuan, pagkain at iba pang palamuti na nagpapaganda ng lugar. Ang kaibahan nga lang ay ang platapormang nasa harapan mismo ng mga nakahelerang mesa. It's like a mini stage.
I turn to Jana who's also busy looking at the venue. Kinalabit ko siya.
“Jan, para saan 'yan?” Sabay turo ko sa mini stage.
“That's our mini stage when there's occassion that is needed a speech. Lalong lalo na kapag pack meeting. And that's where you stand when the ceremony starts. Dyan ka tatayo para makita ng buong pack ang buong proseso at makita ka ng maayos.”
Pagkatapos sahihin ni Jana iyon parang nanigas ang katawan ko. I could feel my body grow cold. As in lahat? Patay! Pwedeng magback out?
“N-nice.” Nautal kong sabi.
Kinakabahan ako sa mangyayari. Bukod sa pagiging isa sa kanila may nararamdaman akong kakaiba. Parang may mangyayari. Why am I feeling this? Why am I feeling scared all of a sudden? No. Wala naman sigurong mangyayari, i'm just nervous. Kinakabahan ka lang Selene.
BINABASA MO ANG
Selene
WerewolfIn order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end. #1 Werewolf 10/13/2022