Hi! Im back😁 pasencia na talaga, busy po talaga ako.
Ang hirap pala mag pakasal daming achuchu, pero tapos na ang sigwa kaya makakapag sulat na ulit ako 😉 salamat sa pag unawa.
Enjoy reading 😊
------------------------------------
MABILIS ang mga hakbang ni Fire papasok ng kanyang studio, alam niyang nakasunod sa kanya si Puma kaya mas lalo pa niyang binilisan ang pag lalakad.
“Hey, slow down, madadapa ka sa ginagawa mo” narinig niyang komento ng lalaki pero hindi niya ito pinansin, kailangan niyang makalayo dito sa lalong madaling panahon. Goodness! wala pang 1 week simula ng makauwi siya ng Pinas pero nag kakasala na agad siya kay Xi, this is wrong in all level! may kasintahan na siya at si Xi iyon, pero simula ng makita niya ulit ang lalaki ay tila nakalimutan na niyang meron siyang kasintahan na darating din ng bansa bukas. Why did she let him kiss her anyway? And worst tinugon pa niya. Malandi! Malandi kang babae ka! Haliparot, hindi kana nahiya sa kasintahan mo. Panenermon niya sa sarili.
“Hey! I said slow down” muling sabi ng lalaki sa kanya sabay hawak sa kanyang siko para patigilin siya.
“Bitawan mo nga ako” mataray niyang turan dito, imbes na sundin siya ay tinawanan lang siya ng tinamaan ng magaling.
“Pinag tatawanan mo ba ako Puma?” nanliliit ang mga matang tanong niya dito, mag kamali lang talaga ito ng sagot may sapak talaga sa kanya ang Puma na to.
“No! of course not, nakakatuwa ka lang kasi” sagot nito sa kanya
“Anong nakakatuwa sakin?” tanong ulit niya sa lalaki.
“Bakit kasi hindi mo nalang aminin na may gusto ka parin talaga sakin” confident nitong turan na ikinalaki ng mata niya.
“Ang kapal ng mukha mo! hindi mo manlang ba naisip na namiss ko lang ang kasintahan ko kaya tinugon ko ang halik mo, na-imagine ko kasing siya ang kahalikan ko” basta nalang niyang turan ng hindi pinag iisipan, hindi nga niya alam kung may logic ba yong sinabi niya pero parang effective naman dahil nag dilim ang mukha ng lalaki. Hmp serves you right, yabang mo kasi masyado kang feeling. Sabi niya sa sarili bago ito tinalikuran at nag lakad papunta sa kanyang studio. Ipinag pasalamat niya na hindi na sumunod pa ang lalaki, mabuti naman dahil nagiging makasalanan siya kapag nasa malapit lang ito.
Pagka pasok niya ng kanyang studio ay biglang umingay ang kanina ay tahimik na paligid dahil nag tititili si Dom ng makita siya nito, hindi kasi nito alam na papasok siya today kaya ganun nalang ang gulat ng bakla ng makita siya, naluhaluha pa ito ng yakapin siya.
“Na miss kita madam friend!” madamdamin nitong turan habang mahigpit siyang yakap.
“Wag ka nang umiyak, may pasalubong ako sayo” nakangiti niyang turan sa kaibigan na agad namang tumahan at hinanap kung nasaan ang pasalubng niya, dahilan para mag tawanan ang iba pa niyang staff na nandoon din ng mga oras na iyon. Naging mainit ang pag tanggap sa kanya ng lahat, halatang namiss din siya ng mga staff niya kaya nakipag kwentuhan muna siya sa mga ito, matapos ang kanilang kumustahan ay pumasok na siya sa kanyang office, namiss niya ang lugar na iyon, ni hindi niya naisip noon na aalis siya ng bansa, pero dumating siya sa point na kinailangan niyang lumayo ng literal na layo upang muling buohin ang kanyang sarili and she was blessed that Xiron was with her habang pinag dadaanan niya ang masakit na bahaging iyon ng kanyang nakaraan.
BE MY GIRLFRIEND FIRE sabi nito sa kanya habang matiim na nakatitig sa kanyan mga mata, gusto niyan malunod sa emosyong nakikita sa mga mata ng kaibigan, kulang ang salitang shock para i-describe ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. All this time she believed that Xiron Walker is a gay, tapos ngayon bigla siya nitong aalukin na maging girlfriend nito?
“You need a pretend girlfriend in front of your parents?” tanong niya dito dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit bigla siya nitong inaalok na maging kasintahan nito. Ilang buwan narin sila sa Sweden, doon niya napiling pumunta ng gustuhin niyang lumayo ng pilipinas, Xi was with her dahil hindi siya nito pinayagan na umalis mag isa kasi baka mapano daw siya, isa pa, pinayagan lang siya ng mga magulang dahil alam ng mga ito na kasama niya ang lalaki.
“No, I don’t need a pretend girlfriend” sabi nito habang tuwid na nakatitig sa kanyang mga mata, may nakikita siya doong determinasyon, pag-aalinlangan at pagkatakot.
“W-what do you mean? Bakit ganyan ka makatingin?” hindi makatingin at naiilang niyang tanong sa kaibigan, hindi siya sanay na ganun ito, oo sweet at sobrang maalaga at maalalahanin ang pag kakakilala niya kay Xi pero hindi siya sanay sa paraan nito ng pag titig sa kanya ngayon, hindi ito ang Xiron na kilala niya.
“Fire, look at me please!” sabi nito sa tinig na nag susumamo, huminga muna siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago niya ginawa ang pakiusap ng kaibigan.
“I’m asking you to be my girlfriend not because I need a pretend one, but because I really want you to be my girlfriend, I’d been dreaming of you ever since I laid my eyes on you, you captured my heart in an instant and I can no longer stop my self from loving you!” madamdamin nitong turan habang tuwid na nakatingin sa kanyang mga mata, masuyo nitong ginagap ang kanyang dalawang kamay saka siya malungkot na nginitian.
“I love you Fire, not just a friend but as a woman, matagal na! gusto gutso kitang lapitan at kausapin noong pero natatakot ako na ma-reject mo, kaya ng lapitan mo ako dahil inakala mo na bakla ako ay sinakyan ko agad, hoping na baka iyon ang maging daan para mapalapit ako sayo at makapasok ako diyan sa puso mo, hindi naman ako nag kamali. I’m sorry I have to pretend in front of you, I never intend to lie, I just want to be near you and that time that’s the only way to get near you, wala ka kasing pakiaalam sa paligid mo at piling mga tao lang ang talagang nakakapasok sa mundo mo, I don’t know how to approach you”.
“Natakot ako na baka matulad ako sa mga manliligaw mo na hindi nabigyan ng pag kakataong makalapit ng tuluyan sayo kaya nag panggap akong bakla, I know it was cowardice and lame reason to deceive you but I don’t have any intention of hurting you, binalak kong mag sabi sayo ng totoo maraming beses na pero everytime na gustuhin kong mag sabi sayo ay natatakot akong magalit ka at iwasan mo ako, hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin kaya ipinag patuloy ko ang pag tago sa likod ng mali mong pag aakala, pero hindi ko na kaya Fire, pagod na pagod na akong maging bestfriend lang at panoorin ka habang nasasaktan dahil sa lalaking mahal mo. Alam kong wala akong laban kay Puma diyan sa puso mo, you been loving him longer than me loving you, if it was hard for me to forget about you I know that it was harder for you to forget him. Pero nag desisyon kana diba? gusto mo na siyang kalimutan. Kaya pwede bang” saglit itong tumigil sa pag sasalita at hinalikan ang kanyang mga kamay saka masuyong hinaplos ang luhang hindi niya napansing tumulo mula sa mga mata niya.
“Pwede bang ako naman? Ako naman ang bigyan mo ng pag kakataong mahalin ka, pangako magiging mabuting boyfriend ako sayo, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, hindi kita sasaktan, hindi ako gagawa ng ikasasakit mo, bigyan mo lang ako ng pag kakataong makapasok sa puso mo” tila nakikiusap nitong turan. Hindi siya makapag salita it’s hard to absorb na ang matalik niyang kaibigan na buong buhay niyang pinaniwalaang bakla ay hindi naman pala bakla, idagdag pa ang ipinag tapat nito na mahal siya nito.
“I don’t know what to say” tangi niyang nasabi.
“It’s okay, I know your shock right now, I understand, maiintindihan ko rin kung magagalit ka sakin, pero sana wag mo akong pag sarhan ng pinto, ginawa ko lang naman ang lahat ng iyon dahil desperado ako at gutso kong mapalapit sa nag iisang babaeng bumihag sa puso ko ng walang kahirap hirap, I will give you time to recollect your thoughts, sana bigyan mo ako ng pag kakataong patunayan ang pag ibig ko sayo Fire” sabi nito saka siya nginitian at tahimik na umalis sa kanyang harapan.
BUONG mag damag siyang hindi pinatulog ng ipinag tapat sa kanya ni Xi, hindi talaga siya makapaniwala na habang pinapangarap niya si Puma ay lihim din pala siyang pinapangarap ng matalik na kaibigan, alam niyang dapat ay magalit siya dito dahil nag sinungaling ito sa kanya, niloko siya ng lalaki, ilang ulit siyang halos mag hubad na sa harap nito dahil sa pag aakalang hindi sila talo yon pala ay nag bibilad siya ng katawan sa harap ng isang tunay na lalaki na may gusto pa sa kanya, bilib din siya sa haba ng pasensya ng lalaki, sa kabila ng mga pinag gagawa niya sa harap nito ay ni hindi manlang siya nito tinangkang gawan ng masama sa halip ay inirespito siya nito at iningatan, gayon pa man ay hindi yon sapat para takpan ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Pero ang ipinag tataka niya ay wala siyang maramdaman na kahit kaunting galit para sa lalaki, pilit niyang pinakikiramdaman ang sarili pero wala talaga siyang makapang galit, sa halip ay parang mas nasasaktan siya para sa kaibigan. if his been in love with her all this time, ibig sabihin lang nun ay nasasaktan ito sa bawat pag kakataon na mag kasama sila dahil palaging si Puma ang bukang bibig niya, pero imbes na lumayo at pinili nitong manatili sa tabi niya para alagaan at mahalin ng lihim.
Dahil hindi makatulog ay pinili nalang niyang bumangon ng mag umaga na, mag luluto sana siya ng agahan pero pag pasok niya sa kusina ay nag hahain na si Xiron ng pag kain nilang dalawa.
“O gising kana pala, upo kana, nag luto na ako” nakangiti nitong turan, naiilang man ay naupo siya sa upuang hinila nito para sa kanya at nag simulang kumain, sanay naman siyang kasama si Xi, she even spent countless night’s sleep beside him before, pero ngayon ay nakakaramdam siya ng matinding pagkailang sa lalaki.
“Uhm, naiilang kanaba sakin?” basag nito sa katahimikan
“I’m sorry, I don’t know how to act in front of you after your confession” pag sasabi niya ng totoong naraamdaman dito.
“Don’t say sorry, it’s not your fault, its me who should say sorry, nakadagdag pa ata ako sa mga isipin mo, wag mo nalang isipin yong mga sinabi ko, masaya na ako na sa wakas ay nasabi ko rin sayo ang totoo, magaan sa loob na wala akong itinatago sa taong mahalaga sakin” nanatili siyang tahimik.
“Uhm, gusto mo bang umalis muna ako? Kung talagang naiilang ka na nandito ako pwede naman akong umalis muna para makakain ka ng maayos” sabi ulit ng lalaki. Hindi niya alam pero lalo lang siyang nasasaktan para sa kaibigan, alam niyang nahihirapan din ito sa sitwasyon nilang dalawa ngayon pero mas iniisip pa talaga nito ang kapakanan niya” aktong tatayo na sana ang lalaki ng hawakan niya to sa kamay.
“Don’t leave, just stay” tangi niyang sabi bago tumulo ang kanyang mga luha.
“Hey, why are you crying? if you don’t want me here, I’m willing to leave, you don’t need to force you self I understand” sabi nito habang pinupunasan ang kanyang pisngi.
“Xi, please! Stop being nice, stop acting like you’re not hurting, I know you’re in pain too after what you told me last night”
“Yes! I’m hurting Fire, but I’m okay, sanay na ako, ang mas mahalaga sakin ay maging maayos ka dahil mas nasasaktan ako pag nakikita kitang nahihirapan.”
“Xi, I’m sorry” hingi niya ng patawad sa lalaki kasabay ng kanyang pag hikbi, hindi na niya kayang pigilin ang naguumapaw na damdamin sa kanyang puso, pakiramdam niya ay napakasama niyang kaibigan, kahit hindi niya alam at hindi niya sinasadya na saktan ito, pakiramdamdam niya ay kasalanan niya kung bakit hindi man lang niya nahalata noon na may lihim itong pag tingin sa kanya.
“I’m so sorry, hindi ko alam, I’m sorry for being insensitive” patuloy niyang pag hingi ng sorry sa kaibigan
“Sssssshhhhh, Fire look at me, look at me” sabi nito na sinunod naman niya kahit wala paring ampat ang pag patak ng kanyang mga luha.
“I did not confess my feeling for you to make you feel guilty, wala kang kasalanan, hindi ko gustong marinig ang sorry mo, mas gusto kong marinig ang decision mo, alam ko si Puma parin ang nariyan sa puso mo, pero sana mabigyan mo ako ng pag kakataong patunayan ang sarili ko.
“But, I don’t want to use you” umiiling niyang sagot dito “Tama ka, until now si Puma parin at hindi ko alam kung hanggang kalian ko to mararamdaman, kaya hindi ko sasamantalahin ang alok mo, Xi, you deserve someone else who will love you whole heartedly, hindi katulad ko na may ibang mahal, hindi ko yon gagawin sa taong walang ibang ipinakita sakin kundi pag mamahal at pag papahalaga, hindi kita gagamtin para lang makalimot sa sakit, I wont do it to you”
“I’m willing to be a rebound Fire, you can use me till your hearts content”
“Per—”
“No but’s Fire, If you were thinking na ginagamit mo ako o gagamitin mo ako ay nag kakamali ka, sa katunayan ay ako ang gumagamit ng sitwasyon mo, I’m using your pain para makapasok ako diyan sa puso mo, I’m trying to manipulate you into agreeing to what I want, so wag mong isipin na nag sasakripisyo ako dahil ang totoo niyan ay nagiging makasarili ako ngayon at sinasamantal ako ang kahinaan mo”
“Xi” nanghihina niyang tawag sa pangalan nito, sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.
“Kung ako ang inaalala mo, sinisigurado ko sayong ako ang magiging pinaka masayang lalaki sa balat ng lupa sa oras na pumayag ka sa alok ko, makakatulong din ito sayo, baka mas mabilis mo ciang makalimutan, habang ginagawa mo akong rebound gagawin ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako, kaya please naman Fire, sana pumayag ka sa alok ko” nag mamakaawa nitong turan na lalong nag papalito sa kanya.
“Pwede ko bang pag isipan?” tangi niyang nasabi sa kaibigan.
“Okay, sapat na muna sakin na pag iisipan mo ang alok ko” nakangiti nitong sagot sa kanya.
At yon nga ang ginawa niya, pinag isipan niya ng maigi ang kanilang sitwasyon, wala namang mawawala sa kanya at malinaw naman dito ang sitwasyon niya kaya hindi narin siguro masama kung susubukan niyang mag mahal ng iba, it’s high time na palitan si Puma sa puso niya, kaya naman kahit may pag aalinlangan ay pinili niyang tanggapin ang alok ng lalaki.
SA PAGKAKAALALA sa kasintahan ay nakadama siya matinding pangungunsensya, naging totoo si Xiron sa pangako nito sa kanya, lahat ng ginawa at ginagawa nito ay para sa ikasisiya at kabubuti niya, kaya pano niya nagagawang makipag halikan sa ibang lalaki gayong may kasintahan na siyang tao.
Fire, get a hold of yourself, paalala niya sa sarili, saka kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kasintahan, baka kailangan lang niyang makita ang boyfriend para mawala ang epekto sa kanya ng malignong si Puma.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...