I hope you guys enjoy reading this chapter 🙂
Malapit na po tayo sa final chapter 😁 this is my 3rd story and i'm happy that i was able to share this story with you.
See you again in the next chapter 😉 muuaahhh
-----------------------------------------------------------------
IT’S THE BIG DAY for both of her brothers, masaya siya para sa mga ito lalo pa at nakikita naman niya kung gaano kasaya ang mga kapatid niya sa piling ng mga babaeng pinili ng mga ito, hindi matatawaran ang sayang nakikita niya sa mata ng mga kapatid. When she was younger, she used to dream of being with the man she love the most and the man who would love her more than anything else in this world, katulad ng kanyang mga magulang. But now, after everything that happened to her, naunawaan na niya na hindi pala talaga lahat ng gusto mo ay makukuha mo, happily ever after doesn’t happen for everybody, her parents and bothers are one of those blessed person in terms of love life dahil nakasama ng mga ito ang talagang ninanais ng kanilang mga puso, unlike her.
She love Puma at hanggang ngayon ay mahal parin niya ang lalaki, malinaw ang bagay na iyon sa kanya, dahil iyon lang naman ang tanging dahilan kung bakit bumibilis parin ang tibok ng puso niya pag kasama ang lalaki, kung bakit apektado parin siya nito at higit sa lahat, kung bakit marupok siya sa mga panlalandi nito. Walang ipinag bago ang nararamdaman niya para sa lalaki, she still loves him even after everything, but the situation and the timing has change. Ayaw man niyang bigyan ng pakahulugan ang mga ginagawa ng lalaki ay hindi niya maiwasan dahil malinaw naman sa mga ikinikilos, ginagawa at maging sa mga sinasabi nito sa kanya that he loves her, but it’s too late now. Funny isn’t it? noon ay siya ang nag hahabol sa lalaki at gumagawa ng paraan para mapalapit dito, now the table has turned, it was now Puma making a move on her, gayon pa man ay hindi niya magawang maging masaya kahit pa nangyayari na ngayon ang tanging pangarap niya na mahalin rin ni Puma.
She now has Xiron, her loving and caring boyfriend, hindi na siya malaya tulad ng dati, at hindi niya kayang saktan si Xi, ramdam niya ang matindi nitong pagmamahal para sa kanya simula ng maging sila, alam niya kung ano ang pakiramdam na mag mahal ng ganun katindi dahil ganun siya kay Puma, at alam rin niya kung anong klaseng sakit ang mararamdaman ni Xiron kapag iniwan niya ito, yon yong sakit na muntik ng sumira sa kanya noon, kung wala ang kasintahan sa tabi niya nung mga panahon na iyon malamang ay napariwara na ang buhay niya. Ayaw niyang iparanas sa lalaki ang ganoong uri ng sakit dahil hindi nito deserve ang masaktan ng ganun. Kaya tinanggap na niya, that she will never have the same marriage as her parents and brothers.
“Hey are you okay?” napukaw ang kanyang malalim na pag iisip sa tanong na iyon, marahan niyang nilingon ang nag salita saka ito nginitian.
“Yeah, I’m okay” sagot niya dito.
“Your eyes says otherwise” sabi pa nito
“Really? Why? what’s with my eyes?” nakangiti parin niyang tanong sa kasintahan, tapos na ang ceremony at ngayon ay magkatabi sila ng kasintahan sa reception, kasama rin nila sa table si Puma na kanina pa siya lantarang tinititigan.
“Stop giving me that fake smile, your sad I can see it in your eyes, why is that? What were you thinking?” pag papatuloy nito sa mahinang tinig.
“Ow that, I’m sorry I must be tired, don’t mind me, do you still want to eat something? I will get it for you” pag iiba niya ng usapan, huminga naman ng malalim ang kasintahan saka ginagap ang kanyang kamay na nakalagay sa ibabaw ng mesa.
“What ever it is, you know you can tell me right?” sabi nito sa senserong tinig.
“I know, pero baka napagod lang talaga ako” sabi niya sa kasintahan para mapanatag na ito.
“Do you want to rest now? ipag papaalam kita sa mga kapatid mo”
“No need, let them enjoy the evening, it’s their night, I don’t want to be a brat now”
“So you admit that you are a brat huh” nakangiti nitong pakikisakay sa sinabi niya.
“Matagal na” sagot naman niya dito dahilan para mahina silang mag katawanan, ginagap niya ang kamay ito na nakapatong parin sa kanyang kamay saka iyon mahinang pinisil.
“I’m alright, don’t worry” pag bibigay niya ng assurance dito dahil alam niyang hindi parin ito napapalagay dahil sa naging pag babago ng mood niya, kung bakit ba kasi ngayon pa siya nakakaisip ng kung ano anong kadramahan.
“Okay, if my love says so” sabi nito saka ipinag patuloy ang pagkain habang patuloy naman ang program. Hindi sinasadyang napabaling siya kay Puma kaya nag tama ang kanilang mga mata, napaka talim ng pag kakatingin nito sa kanya lalong lalo na sa kamay nila ni Xi na magkadaup parin hanggang ngayon, parang ano mang oras ay handa itong mag buga ng apoy sa kanilang dalawa. Bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kanya nung nakaraang araw na makipag hiwalay kay Xi, dahil doon ay medyo lumuwag ang pag kakahawak niya sa kamay ng kasintahan dahilan para mapalingon ito sa kanya, siya naman ay pasimpling nag buga ng hangin bago muling hinigpitan ang hawak kay Xi. Why would she let this man bother her? wala itong karapatang utusan siya. sa isiping iyon ay tuluyan niyang iwinaksi ang lalaki sa kanyang isipan at itinuon ang buong pansin sa kasal ng dalawang kapatid at sa kanyang kasintahan.
AFTER the wedding ay bumalik na siya sa kaniyang silid, since the whole place was rented by her brothers tonight, they decided na manatili muna roon upang ma-enjoy pa nila ang ganda ng lugar, samantalang ang mga bagong kasal ay nag kanya kanya ng alis papunta sa kani kanilang honeymoon, ang mga guest ay nag si-uwian narin kaya sila sila na lamang ang naroon sa malaking lugar na iyon. Mag lilibot pa dapat sila ni Xi sa lugar pero bigla itong nakaramdam ng hilo kanina kaya wala siyang nagawa kundi ang ihatid ito sa silid nito ng sa gayon ay makapag pahinga muna ito. Nag aalala siya sa kasintahan dahil biglaan ang pagkahilo nito, gusto sana niya itong dalhin sa pinaka malapit ng clinic for him to be checked by the professionals pero tumangi ito, katulad lang daw iyon ng mga hilo na nararamdamam nito dati pa, ito kasing kasintahan niya ay bigla bigla nalang nakakaramdam ng hilo pag sobrang kulang na ito sa pahinga, sabagay sa Sweden palang ay sobsob na ito sa trabaho, ng makauwi naman sila ay hindi parin talaga ito nakapag pahinga at palagi parin itong kulang sa tulog dahil ang dami nilang gustong gawin na dalawa dahil matagal din silang nawala sa bansa, kaya siguro nahilo nanaman ito dahil nasosobrahan nanaman ito sa pagod. Kaya hindi narin siya nag pumilit pa kanina at hinayaan na lamang itong matulog sa silid nito ng sa ganun ay makabawi ang katawan nito.
Ng makapag palit siya ng damit at makapag tanggal ng makeup ay nag decide siyang lumabas, maliwanag naman ang buwan ngayong gabi at safe naman ang lugar kaya wala naman sigurong masama kung mag lalakad lakad muna siya sa labas. With that in mind ay lumabas siya ng kanyan silid at nag simulang mag lakad, hindi niya napigilan ang mapangiti ng tumama sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin.
“Ang tagal mo naman lumabas, kanina pa kita hinihintay” napapitlag siya ng may bigla nalang nag salita sa kanyang likuran, hindi naman niya kailangang lingunin kung sino iyon dahil kilalang kilala niya ang tinig ng lalaki.
“Please Puma, I want to have a peaceful walk so leave me alone” sabi niya dito ng hindi lumilingon, ayaw niyang makita ang mukha nito baka kung ano nanamang espiritu ang sumapi sa kanya pag ginawa niya ang bagay na iyon, akmang hahakbang na siya upang ipagpatuloy ang pag lalakad ng mag-isa nang bigla nalang siyang hapitin ng lalaki sa bewang at hilahin pabalik, bumanga ang likod niya sa matigas nitong dibdib kasabay nuon ay ang pag yakap nito sa kanya mula sa likuran at ang pag lapat ng mainit nitong labi sa kanyang leeg.
“Fuck, I miss you B” sabi nito sa napaka sensual na tinig, tapos ay inamoy nito ang kayang leeg bago nito ipinatong ang baba sa kanyang balikat at mas lalong hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya.
“Kanina ko pang gustong gawin ito sayo, nag pipigil lang ako dahil may mga tao, tapos ang tagal mo pa lumabas, kanina pa kita hinihintay eh” sabi nito sa tinig na tila nag tatampo.
“Bitawan mo nga ako Puma, teka nga bakit mo naman ako hinihintay, may usapan ba tayo?” pataray niyang tanong upang pag takpan ang kasiyahang nararamdaman dahil sa pag kakakulong niya sa matipuno nitong bisig.
“Wala, pero gusto kitang makasa ngayong gabi kaya hinintay kita dito, pupuntahan na nga sana kita sa kwarto mo, mabuti nalang lumabas kana” sabi pa nito na hindi pinapansin ang pag tataray niya.
“Panu pala kung lumabas akong kasama si Xi?” tanong niya sa lalaki.
“Tss, sa lakas ng tama ng gamot na nilagay ko sa tubig niya sigurado akong bukas pa siya magigising kaya pano ka naman lalabas na kasama siya?” nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran nito at wala sa sariling binaklas ang pag kakayakap nito sa kanya upang harapin ang lalaki sa nanlalaking mga mata.
“What did you say? May nilagay kang gamot sa tubig ni Xiron kaya siya nahilo kanina? Hindi iyon dahil sa over fatigue?” namamangha niyang tanong sa lalaki. Tila naman ito proud na proud na tumango bilang pag amin sa ginawa nito, bumuka ang kanyang bibig dahil sa pagkamangha sa kaharap, at bakit naman nito gagawin ang bagay na iyon.
“W-why did you do that?” namamangha parin niyang tanong salalaki.
“What for? Siempre para masolo kita, alam ko naman kasing iiwasan mo nanaman ako kung gising ang pangit na yon kaya ginawan ko na ng paraan” nakangiti pa nitong turan.
“are you for real?” di makapaniwala niyang tanong dito.
“Yeah” sabi nito sa kanya saka tumingin sa paliid na para bang nahihiya ito sa kanya.
“Miss na miss na kasi kita at gusto talaga kitang masolo ngayon kaya ginawa ko yon, galit kaba?” tanong nito na kumakamot pa sa sariling batok.
“I did not expect you’re the kind of guy who will do such thing” tangi niyang nasabi sa lalaki.
“Well, now you know, I can and I will do everything if it means I can be with the woman I love the most” sabi nito saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi at ginawaran ng masuyong halik sa kanyang mga labi.
“I love you Fire! noon hanggang ngayon ikaw lang ang nag iisang babae na minahal ko, aaminin ko na naduwag ako nuong una, I was conflicted, you know, its not really easy to fall in-love with the only sister of your two best friends, I’m sorry for everything that happened before, it was not my intention to hurt you, sa maniwala ka man sa hindi nasasaktan din ako nung nakikita kitang nasasaktan, but I was so blinded by anger ang jealousy kaya hindi ako nakapag isip ng tama noon, I’m sorry kung kinailangan mo pang mapagod at masaktan bago ako maging matapang, but I have learned my lesson the hard way, at ngayon na nandito kana ulit, hindi na ako papayag na mawala kapa ulit sakin. I love you Fire! I love you so much it hurts seeing you with that Man, I know that Xi is a good man but he is stealing what is mine kaya gagawin ko ang lahat para mabawi ka sa kanya. Malinaw ba yon sayo?” Seryoso nitong turan.
“But your way to late already, si Xi na ang kasintahan ko at siya na ang nag mamayari sakin” tangi niyang nasabi.
“I don’t care” kibit balikat nitong turan, tulad ng sinabi ko sayo babawiin kita, at hindi ako titigil hanggat hindi kita nababawi, after all, parehas nating alam na ako at ako parin ang nilalaman ng puso mo. Akin ka Fire, akin lang” matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay muli nitong sinakop ang kanyang labi, kung kanina ay magaan ang halik na ipinag kaloob nito sa kanya ngayon ay halos mag sugat na iyon sa diin ng pag halik nito sa kanya, tila ba ibinubuhos nito sa halik na iyon ang pananabik sa kanya. Ng sa wakas ay tila masiyahan na ito ay binitawan narin nito ang kanyang mga labi at buong tamis siyang nginitian.
“Lika na, mag libot na tayo, bago pa kita madala sa kwarto ko at angkinin buong mag damag, well yon naman talaga ang gusto kong gawin ngayon but that can wait, for now, libutin muna natin ang lugar na ito. Sabi sakin ng care taker, maganda daw panoorin ang mga bituin ngayon gabi, so let’s go” masigla nitong turan saka inabot ang kanyang kamay at ikinulong iyon sa mainit nitong palad, tinignan muna nito ang mag kasalikop nilang mga palad bago ito nag patiuna sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...