Medyo pressured ako kay Fire kaya ngayon lang ang 1st chap. Anyways happy reading! 🙂🙂🙂
Unedited
-------------------------------------------------
Puma was about to go home when he received a text message from one of his best friends asking him to fitch the brat, Fire, who is still in her dance studio. Hindi naman kalayuan sa kanya ang studio na pag aari ng babae kaya pumayag narin siya. Isa pa, kahit naman naiirita siya sa babae ay kapatid parin ito ng mga best friends niya. Oo naiirita siya sa babaeng iyon, napaka wild kasi nito, no, actually she is beyond wild, hindi lang iisang beses niya itong nakitang nakikipag lampungan sa kung sino sinong lalaki sa mga bar na pinupuntahan nito. Minsan ay nakikita niya itong nakikipag halikan sa boyfriend nito sa gitna ng dance floor minsan naman ay nakikipag flirt sa ibang lalaki, napakahilig din nitong mag suot ng mga damit na kinapos sa tela, at kung mag palit ng boyfriend ay parang gustong mapasali sa Genes World Record, three months ata ang pinaka matagal nitong relasyon.
Fire is undeniably beautiful, patunay dito ang maraming kalalakihang na nahuhumaling sa ganda ng babae, malakas ang sex appeal ng bunsong Silva at talaga namang pila ang mga suitors nito, wala namang problema kung nakikipag relasyon ito sa kahit sino, kaso sobrang bilis nito mag palit ng boyfriend, mababa na ang tatlong boyfriend sa isang taon, ganun ito kabilis mag palit ng karelasyon, daig pa nito ang mga kaibigan niya, minsan ay hindi niya maiwasang mag isip kung wala pa bang nakukuhang sakit ang babae sa dami ng lalaking dumaan dito. Ipinilig niya ang ulo, kung ano-ano nanaman ang naiisip niya, labas na siya doon kung hindi mag iingat ang babae, matalino naman ito kaya siguro naman ay alam nito ang safe sex.
He never expected that Fire will grow up that wild, dati pa naman ay hindi na talaga mahinhin ang babae, she is a strong independent woman, she is brat and spoiled but not wild, she loves to wear sexy clothing but she still observe decency. Kaya ganun nalang ang gulat niya ng makita niya ito after niyang maka graduate, napaka layo na nito sa dating Fire na lihim niyang hinahangaan, at aaminin niyang hindi niya nagustuhan ang naging pag babago dito. Palagi itong laman ng malalaswang usapan ng mga kalalakihan, the only good thing is hindi ito nakakatagpo ng lalaking kiss and tell, kung nag kataon ay marami na siguro silang nalumpo.
Tahimik siyang naglakad papunta sa elevator ng makarating siya sa building kung saan naroon ang studio ng babae, the woman took up Business Administration during college at nag tayo ito ng sariling dance studio a year after she graduated, isang bagay na labis niyang hinahangaan sa babae. Dancing is really her fashion and she pursued business thru it, isa sa mga nag udyok dito na mag tayo ng dance studio ang bestfriend nitong ayon dito ay isang bakla. Hindi naman nahirapan ang babae na palaguin iyon dahil narin sa angkin nitong galing sa larangan ng pag sasayaw, it seems that her body was really built for dancing, wala atang sayaw na hindi nito kayang isayaw, mula sa mga traditional, historical to classical dance ay walang kahirap hirap nitong nagagawa, name it and she will nail it.
Kinindatan niya ang receptionist ng makitang nakatingin ito sa kanya, nakita pa niya ang pamumula ng pisngi nito kaya napangiti nalang siya, ng makapasok sa elevator ay agad niyang pinindot ang floor ng studio ni Fire. Gabi na pero hindi pa ito umuuwi, minsan lang mag pasundo sa kanila ang babae at sa tuwing mag papasundo ito ay dahil may iniiwasan itong lalaki na malamang ay isa sa mga ex nito na nag pupumilit makipag balikan sa babae, halos lahat ata ng nagiging ex ng babae ay nakikipag balikan dito, minsan nga ay naaawa na siya sa mga kabaro niyang nahumaling sa babae, some men call her Men’s Karma” dahil narin sa pag mamakaawa ng mga ito na balikan ng babae, may pailan ilan pa nga na lumuhod sa harap ng babae pero matigas ito.
Ang ikinatatakot nila ay ang dumating ang araw na may mag tanim ng galit sa babae mula sa mga lalaking pinaiyak nito at mag higante. Hindi siya pabor sa mga kalokohan ng babae lalo na sa pagiging wild nito pero hindi siya makapapayag na mapahamak ito, isipin palang niya ay nag didilim na ang paningin niya, isa pa ay parang magulang narin niya ang mga magulang nito kaya hindi niya gugustuhing makita na nasasaktan at nahihirapan si tita Sapp sa oras na may mangyaring hindi maganda sa bunso nitong anak. Ang ginang ang tumayong ina sa kanya, dahil hindi naman naging visible ang mga magulang niya sa kanyang buhay simula pa ng kabataan niya, masyadong abala ang mga ito sa kanya-kanya nilang mga negosyo at tila kinalimutan ng may anak ang mga ito. Kaya ang mag asawang Silva ang tumayong magulang sa kanya, mas mahalaga pa nga sa kanya ang mararamdaman ng mga ito kesa sa tunay niyang mga magulang.
Nag lalakad na siya papunta sa studio unit ng babae ng makasalubong niya ang assistant ni Fire na si Dom.
“Ay sir Puma, kayo po pala! susunduin nyo po ba si madam?” malanding tanong ng bakla na tinanguan naman niya.
“Ay sige po, nandoon po siya sa personal dance room niya, puntahan nyo nalang may key naman po kayo diba? Mabuti at sinundo ninyo si madam, mag isa nalang kasi siya doon ayaw naman mag pasama sakin at kaya nadaw niya ang sarili niya kaya pinauna na ako” litanya ng bakla “Ikaw na po ang bahala kay madam huh, babush” malandi nitong turan bago nag lakad palayo.
Siya naman ay nag patuloy sa pag lalakad, naka lock ang pinto ng unit nito kaya binuksan niya iyon gamit ang sariling susi. Meron silang sariling susi sa studio ng babae, maging sa bahay at sa condo nito ay may susi rin silang tatlo, mismong ang ama nito ang nag utos kaya hindi nakapalag ang babae para daw kung kailangan o may emergency ay madali silang makakapasok katulad nalang ngayon. Ng makapasok ay marahan niyang isinara ang pinto at muling inilock mahirap ng masalisihan, malaki ang unit, meron iyong receiving area, at may iba’t ibang kwarto para sa iba’t ibang uri ng sayaw. Hands on ang babae sa pag papatakbo ng negosyo nito at sa pag tuturo ng sayaw kaya hindi nakapag tataka na mabilis itong nakilala bilang isa sa pinakamagaling sa larangan ng pag tuturo ng sayaw, hindi nag loan ay kinailangan nitong mag hire ng mga tutulong dito at sa kasalukuyan nga ay meron itong limang Dance Instructors.
Dumeretso na siya sa sinasabing personal room ng dalaga, ilang beses narin siyang nakapunta sa studio na ito kaya kabisado na niya ang pasikot sikot, and private room ang pinaka personal space ng babae sa buong studio nito, ang alam niya ay walang pinapapasok doon maliban kay Dom, ang kwarto na iyon ay nasa pinakadulong bahagi ng unit sa tapat ng bintana at may naka setup na pole sa gitna. Dahil inaasahan na niyang naka ready na ang babae dahil alam naman nitong may susundo dito ay walang katok katok siyang pumasok sa loob ng kwarto. Bagay na labis niyang pinag sisihan lalo na ng muntik na siyang masamid ng sariling laway dahil sa tagpong naabutan.
NG MASIGURADONG nakasara na ang pinto ng kanyang studio ay agad siyang nag bihis, na-i-stress siya kaya gusto niyang sumayaw bago dumating ang kanyang kuya na pinakiusapan niyang sunduin siya, sabi naman nito ay matatagalan ito kaya mamaya nalang siya mag aayos. May susi din naman ito kaya hindi niya kailangang pagbuksan ng pinto ang kapatid. Kaka uwi lang ng kanyang assistant, ayaw pa nga sana siya nitong iwan kanina pero pinauna na niya ito. Dom is her most trusted employee, natutuwa siya sa kakulitan ng baklang iyon at nag kakasundo sila sa maraming bagay kaya naman kaibigan ang turing niya dito.
Pinili niyang isuot ang nakita niyang navy blue underwear, plain lang ang desenyo ng mga iyon kaya pinatungan niya ng manipis na white polo shirt, na itinupi hanggang sa may taas ng siko at hinayaang nakabukas ang mga butones, malambot ang tela ng polo kaya masarap iyong suotin. Kinuha niya ang kanyang 5 inches gold hills na may transparent strap, mabilis niyang isinuot ang hills bago sinipat ang sarili sa salamin, ng masiyahan ay mabilis na siyang naglakad papunta sa kanyang personal dance room.
Pag pasok niya ay agad siyang naglakad palapit sa pole na nasa center ng kwartong iyon, kanina ay itinali niya ang kurtina sa bandang gilid ng bentana, nasa mataas na floor naman siya at walang ring katapat na building kaya tiwala siyang walang makakakita sa kanya, na setup narin niya ilaw at ang musika kaya wala na siyang kailangan pang intindihin kundi ang sumayaw. Ng tumogtog ang kasunod na awitin ay ipinikit niya ang mga mata bago mabilis na gumalaw ang kanyang katawan sa kaakit-akit na paraan, sa lahat ng uri ng sayaw ay ang sexy dancing ang talagang stress reliever niya, pag napapagod na siyang makinig sa mapanghusgang mundo ay sumasayaw siya ng sexy dance at talaga namang gumagaan ang pakiramdam niya.
Marahan niyang pinadaan ang kaliwang kamay sa kanyang buhok papunta sa kanyang dibdib habang ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa pole, bahagya niyang itinikwas ang ulo habang marahang umiikot, tapos ay inihawak niya ang kaliwang kamay sa bandang ibaba ng pole at ini-adjust naman ang kanan pataas pa upang kumuha ng balance, ng maka ikot na siya ay itinaas niya ang kanang paa sa ere, alam niyang kitang kita ang kanyang makikinis na singit dahil sa ginawa niya pero wala siyang pakialam dahil wala naman siyang kasama doon, agad din naman niya iyong ibinaba sa gawing likod at marahang inikot ang bong katawan sa pole habang nakaangat ang dalawang paa, wala siyang step na sinusunod, basta hinahayaan lang niya ang katawan na gumalaw sa saliw ng tugtogin. Muli niyang iniapak ang kanang paa sa sahig, habang ang kaliwa ay deretso niyang inangat sa ere, ng ibaba niya ang kaliwang paa ay ang kanan naman ang kanyang inangat sa eri bago iyon dahan dahang ibinaba paikot, bawat galaw ng kanyang ulo at katawan ay isinasabay niya sa musikang naririnig, sinisigurado niyang kaakit akit ang bawat galaw niya, kung nanonood ang isa sa mga kuya niya ay siguradong may batok siya. Pano, panay ang pag bukaka niya, pero dahil wala naman ang mga ito ay nag patuloy siya. Nag paikot ikot siya sa sahig bago nag split saka maharang gumiling giling pa angat at pababa, she knows that her dance will provoke something in men’s wild imagination but who cares? Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay ang mailabas niya ang bigat ng damdamin and this is the most effective way for her.
Stress na stress siya ngayon kay Rex, her current boyfriend, they’ve been together for 1 month and they are happy, until recently when he started initiating intimacy between them, something that she is not yet ready to give him, sinusubukan naman niyang bumawi sa ibang bagay but he is so demanding to the point na naiinis na siya. She really wanted the relationship to workout kaya nag papakabait siya but there are things that she can’t just let go at mukhang hindi iyon nauunawaan ng lalaki kaya nitong nakalipas na lingo ay madalas silang mag away na dalawa giving her stress.
Muli siyang bumangon at sumadal sa pole upang gumiling sa sensual na paraan, tapos ay padapa niyang itinukod ang kamay sa sahig ng bigla na lamang namatay ang togtog dahilan para mapamulat. Kasabay niyon ay ang pag liwanag ng buong paligid, ng bumaling siya sa may pinto ay agad niyang nakita ang lalaking umistorbo sa kanyang ginagawa.
Kumunot ang nuo niya lalo na ng makita ang galit nitong mukha, ano naman kaya ang ikinakagalit ng lalaking ito? tanong niya sa sarili habang dahan dahang tumatayo bago sumandal sa pole, tinaasan niya ito ng kilay at pinag cross ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Nakita kaya nito ang mga pinag gagawa niya? Well sa itsura nito malamang ay nakita ng nito ang kanyang sexy performance, gusto sana niyang mahiya kaso hindi talaga siya nahihiya eh, wala naman kasing kahiya hiya sa bawat parte ng kanyang katawan, alam niyang makinis siya at kaigaigayang pag masdan.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Gusto mo ba talagang magahasa?” pagalit nitong tanong sa kanya, sinasabi na nga ba.
“Wala namang gagahasa sakin dito dahil mag isa lang ako dito bago ka pumasok, maliban nalang kung tinigasan ka sa pag sasayaw ko at gusto mo akong salakayin ngayon” sagot niya dito, medyo badtrip siya dahil naputol ang sayaw niya, gusto pa niyang sumayaw pero dumating ito at inistorbo siya.
“Hindi ako nakikipag biruan sayo Fire, hindi ko nagustuhan ang pag gulong gulong mo diyan sa sahig na para kang uuod na binuhusan ng asin, ayusin mo yang pag sasayaw mo kung ayaw mong isumbong kita sa mama at papa mo” suplado nitong balik sa kanya bago siya pinasadahan ng nanunuring tingin mula ulo hanggang paa.
“At bakit ganyan ang ayos mo?” dagdag pa nito. Ng muling mag tama ang kanilang mga mata ay tinirikan niya ito ng mata.
“Bakit kaba nangenge alam?” mataray niyang tanong dito “this is my studio I can do whatever I want, I can wear anything I want at wala kang pakialam doon. Ano bang ginagawa mo dito?”
“Ipinasusundo ka ng kuya mo, now go change” puno ng authority nitong utos sa kanya dahilan para lalong tumirik ang mga mata niya, wala naman siyang choice kaya nag lakad siya pabalik sa kanyang office at nilampasan ang lalaki, dinampot muna niya ang kanyang cellphone na ipinatong niya sa gilid kanina bago idinial ang number ng kuya niya.
“Kuya” agad niyang bungad ng sagutin nito ang tawag “Sa susunod kung hahanap ka ng substitute sa pag sundo sakin, pumili ka ng lalaking masaya ang sex life, hindi yong ipasusundo mo ako dito sa kaibigan mo na daig pa ang lolo na sampong taong tigang sa sobrang sungit, menopausal naba itong barkada mo?” tuloy tuloy niyang sabi sa kapatid na hindi na nakapag hello man lang, isang malakas na halakhak ang narinig niyang tugon ng kapatid kaya pinatay na niya ang tawag. Sigurado siyang narinig ni Puma ang mga sinabi niya dahil sa lakas ng boses niyang nag e-echo sa buong unit, alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki dahil narinig pa niya ang mahina nitong pag mumura dahil sa mga sinabi niya sa kapatid. derederesto lamang siyang pumasok sa office niya at hindi na nag abalang isinara ang pinto.
“Kung gusto mong makaboso pumasok ka, pero kung ayaw mong makakita ng hubad na katawan ng isang dyosa manatili ka diyan sa labas mag bibihis ako” malakas niyang turan para marinig ng kasama, tapos niyon ay walang lingon likod siyang nag hubad ng lahat ng saplot niya sa katawan upang mag palit ng damit, sigurado naman siyang hindi pumasok ang lalaki, takot yon sa mga dyosa na katulad niya ang gusto mga retokada, palibhasa walang taste.-------------------------------------------------------------------------
Watch the video on top to have visuals of Fire's sexy dance.
Credit to the owner of the video. Nakihiram lang po.. 😊😊
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomansaMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...