“Ahm girls, uwi na muna ako” alanganin niyang paalam sa dalawang kaibigan na nakangiwing nakatingin sa kanya, sigurado yari siya sa papa niya nito. Dahan dahan siyang humarap sa lalaking mahigpit ang hawak sa kanyang bewang na parang bang tatakas siya, as if naman magagawa pa niya yon eh caught it the act na nga siya.
“Hi” nakangiti niyang bati sa lalaki kahit sa totoo lang ay kinakabahan talaga siya lalo pa ng humarap siya dito ay seryoso masyado ang mukha nito, alam niyang isusumbong talaga siya ng lalaking ito sa papa niya.
“You did not answer my question Fire, what are you doing here?” tanong parin nito sa seryosong tinig.
“Why ask, when you already knew the answer, ano pa nga ba di sumasayaw nakita mo naman eh” nakasimangot niyang sagot dito. ang kamay nito na nakahawak sa bewang niya ay inilipat nito sa pulsuhan niya.
“Wag mo akong pinipilosopo Sapira” madilim ang mukha nitong turan saka siya hinila palabas ng bar. Nag pumiglas siya mula sa pag kakahawak nito sa kanya pero masyado iyong mahigpit.
“Gusto mo bang gumawa ng eksena dito?” nanghahamon nitong tanong ng saglit itong tumigil sa pag hila sa kanya.
“No, I just need to get my bag” naiirita niyang sagot dito na sinamahan pa niya ng pag tirik ng mata. hinayaan naman siya nitong mag lakad pabalik sa table nilang mag kakaibigan pero nanatiling nakahawak ang kamay nito sa pulsuhan niya. Nakakainis naman bulong niya sa sarili. Nang makuha na niya ang bag niya ay muli siyang hinila ng lalaki palabas at derederesto siyang pinasakay ng kotse nito. Pano nanaman kaya nalaman ng lalaking ito kung nasaan siya, higit sa lahat papano nanaman nito nalaman na tumakas siya.
“How did you know?” tanong niya sa lalaki na hindi man lang nag abalang sagutin siya, huminga nalang siya ng malalim bago muling nag salita sa mababang tinig.
“Wag mo akong isumbong please!” pakiusap niya dito, kahit na alam niyang malabong pakinggan siya nito.
“Please Puma, don’t tell papa! Madadagdagan ang parusa ko panigura—”
“Alam ko, at yon mismo ang gusto kong mangyare para mag tanda ka” pag putol nito sa mga sasabihin pa sana niya.
“Grabe ka sakin! It’s so boring in the house kaya, palagi lang akong nasa room, kahit sa gate bawal nadin. Tumulong lang naman ako ahh, bakit ako kailangan I grounded ng one month dahil sa pag tulong ko na ma-rescue si ate Monique? It’s so unfair, bakit kayo hindi grounded?” pag dadahilan niya dito.
“Kay Tito ka ngumawa wag sakin, dahil hindi ako ang papa mo, isa pa you deserve it, napakatigas kasi ng ulo mo, hindi ka marunong makinig, gusto mo lahat ng gusto mo nasusunod at nakukuha mo”
“You’re so mean, anong I deserve it? I just help! Kaya sige na! Please don’t tell Papa! I’ll do whatever you say” pangungulit parin niya dito, baka sakaling gumana.
“I’ll tell Tito na tumakas and that you are bribing me not to tell him”
“You’re not gonna do that”
“Try me”
“Puma!”
“Isusumbong kita kay Tito pati mga kalokohan mo, and if hindi ka pa nanahimik, sasabihin ko rin kay Tito na kasabwat mo sila Nikki and Mina so they will be banned from entering your house, you want that”
“You are so unfair! bakit idadamay mo pa sila Mina, It’s just me” naiinis niyang sagot dito saka nakasimangot na humalukipkip sa kinauupuan.
“Kung nananahimik ka sana sa bahay ninyo eh di sana wala kang problema ngayon, in three weeks’ time sana tapos na ang parusa mo, but you are stubborn and a brat kaya mag dusa ka”
“Uuuurrrrgggggg, nakakainis ka talagang lalaki ka, pag sinumbong mo ako kay Papa gaganti ako tandan mo yan”
“Matatakot naba ako?”
“I hate you!”
“Really?” tila hindi naniniwala nitong sagot sa kanya.
“Wag mona kasi ako isumbong” pangungulit parin niya dito.
“Okay, I will inform Tito na tinulungan ka nila Nikki”
“Fine! I won’t speak na! don’t drag the girls here, mapanis sana laway mong bwisit ka!” Hindi na sumagot ang lalaki at napailing nalang sa kanya.
Nakarating sila sa bahay nila ng hindi na nag uusap, naiinis siya kaya derederesto siyang nag lakad papunta sa gate, nagulat pa ang mga bantay ng makita siyang kasama ni Puma, marahil ay nag tataka ang mga ito kung pano siyang nakalabas.
“Ma’am Fire?” sabi ng mga ito saka mabilis na binuksan ang gate, hindi na siya nag abalang sagutin ang mga ito, deretso nalang siyang pumasok sa loob at tuloy tuloy na umakyat sa kaniyang kwarto, narinig pa niya ng sabihin ni Puma sa mga guard na tumakas siya at nakita siya nito sa isang bar.
Kinabukasan ay maagang dumating ang Papa niya, tulad ng inaasahan ay sinumbong nga siya ni Puma dito kaya galit na galit ang ama sa kanya, panay sermon naman ang inabot niya sa Mama niya, at bilang parusa ay grounded siya ng two months. Inis na inis siya sa lalaki, kung nandito lang ito ay baka nasapak na niyo iyon. Akala siguro ng lalaking iyon mag papatalo siya, humanda ito dahil hindi siya papayag na hindi makagante sa ginawa nito.
BUONG MAG hapon na hindi lumabas si Fire ng kanyang silid, one month na siyang nakakulong sa bahay nila at may isang buwan pa siyang titiisin, thank you sa madaldal at sumbongero na lalaking iyon. Hinahatiran lang siya ng kasambahay ng pag kain pag oras na ng pagkain.
Busy siya sa cellphone niya, nung nakaraang araw pa niya hinahanap ang babaeng iyon sa FB, at kanina ay nakita rin niya sa wakes ang profile nito, nag palit pala kasi ito ng pangalan sa social media accounts nito kaya nahirapan siyang hanapin ito. Napangiti siya ng sa wakas ay nag reply na rin ang babae sa mga messages niya thru chat. Kinukulit siya nito dati kung saan makikita si Puma dahil hindi na nito mahagilap ang lalaki simula ng malipat ito ng precinct. Ngayon tignan lang natin kung hindi sumakit ang ulo ng lalaking yon sa plano niyang gawin.
“Really you know kung saang precinct nalipat si Puma?” excited na tanong ng babae sa kanya.
“Yes” sagot niya dito na may malapad na ngiti sa labi, dahil sa gwapo at talaga namang hunk si Puma ay madaming babae ang nahuhumaling at nag hahabol dito, kaya madami rin itong babaeng pinag tataguan. Yamang kilala siya ng lahat bilang kapatid ng dalawa nitong best friend ay maraming nagtatanong sa kanya kung saan matatagpuan si Puma, mga babaeng nag babakasakaling makakuha ng sagot sa kanya. Isa na sa mga babaeng iyon si Desha ang ka chat niya ngayon, isa ito sa mga babaeg talagang nag papasakit ng ulo ni Puma noon.
“Oh My God Fire, please tell me where I can find him, I will do you a favor pag sinabi mo sakin” pangungumbinse nito sa kanya.
“Sure” sagot niya saka sinabi dito kung saan ang precinct ni Puma ngayon at kung ano ang gusto niyang kapalit na pabor.
“Yon lang ang gusto mong kapalit? That’s not even a favor” tila nag tataka pa nitong wika.
“Ano kaba, hindi yon, yon lang noh! gusto ko lang naman na maging masaya na siya, napansin ko kasi lately palagi siyang malungkot at mag isa, my brothers are busy with their own love life now so naisip ko baka he is feeling left out kaya madalas na siyang sad, maybe he needs someone to make his life happy and I think you are the perfect one, kasi alam kong mahal na mahal mo siya kaya ikaw ang sinabihan ko” pambobola niya sa babae.
“You really think he is sad? Kawawa naman ang bebe ko, don’t worry! You contacted the right person! Pero sa palagay mo ba magugustuhan na niya ako this time?”
“Well to be honest, Hindi ko alam, coz that will depend on your determination to win him and the things that you will do para mapa ibig mo siya, naisip ko lang naman baka this is the right time, kasi nga malungkot siya lately, malay mo this time mapansin kana niya, kesa naman maunahan kapa ng iba, alam mo namang madaming nag hahabol doon” isa na ako! Pero hindi na niya iyon sinabi sa babae.
“Okay! Thank you for contacting me huh, don’t worry, I will do everything that I can para paibigin at pasiyahin si Puma, you know naman noon pa na mahal ko talaga ang mailap na lalaking iyon. Mabuti nalang ako ang naisip mong tawagan, you’re an angel Fire” sabi naman nito.
“So, ikaw na bahala, I have to go na huh, may gagawin pa kasi ako eh” sabi niya sa babae na agad namang pumayag dahil mag hahanda pa raw ito sa pag bisita kay Puma.
Ngingiti ngiti naman siyang bumangon sa kanyang higaan at saka pumunta sa banyo upang maligo, pakanta kanta pa siya habang naliligo. Naiimagine na niya ang gulat at ang pag kunot ng nuo ni Puma mamaya pag nag kita na ito at si Desha.
I told you my dear Puma, lintik lang ang walang ganti Sabi niya sa isip, ng matapos siyang maligo ay agad na siyang nag bihis at muling nahiga sa kanyang kama, wala naman siyang gagawin buong mag hapon kundi ang tumungaga kaya babalik nalang siya sa higaan, sakto namang may kumatok sa kanyang pinto at iniluwa niyon ang kanyang bestfriend.
“Oh My God! Xi you’re here!” tuwang tuwa niyang bungad ng makita ito, mabilis siyang bumangon at patalong niyakap ang kaibigan na agad din siyang niyakap.
“Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?” nag tatampo niyang tanong sa kaibigan ng mag hiwalay na sila, saka nag mamaktol na bumalik sa kanyang higaan.
“One month na akong nakakulong dito ngayon mo lang ako dinalaw, tapos bihira ka narin tumawag at mag text sakin, nakakainis ka, mabuti naman naalala mo pa pala ako” nag tatampo niyang turan dito.
“Sorry Saphie! masyado lang akong naging abala sa negosyo” sabi naman nito bago patihawang nahiga sa kama niya, iniwan lang nitong bukas ang pinto ng kwarto niya, ganun naman sila ng kaibigan, binibigyan ito ng permiso na umakyat at mag stay sa room niya basta nakabukas lang ang pinto para nakikita sila at naririnig ng mga dumadaan.
“Hmp, fine, may magagawa paba ako eh dinedma mo na ako” kunyaring pag tatampo parin niya.
“Wag ka ng mag tampo, madami lang talaga akong inasikaso, tsaka may sinusubukan akong gawin pero hindi ko ata talaga kaya, kaya heto ako ngayon nandito ulit sa harap mo” makahulugan nitong turan.
“Ano yong sinusubukan mong gawin na hindi mo magawa? May bagay ka bang hindi kayang gawin?” tanong niya dito.
“So, how are you?” pag iiba nito sa usapan.
“As you can see, I’m fine but it’s so boring here, mabuti nalang dinalaw mo ako dito” sabi niya saka umunan sa tyan ng kaibigan.
“Hey, basa ang buhok mo mababasa ang damit ko” pag rereklamo nito.
“Okay lang yan, bayad mo yan sa pandededma mo sakin”
“Fine!” tila sumusuko nitong turan na ikinangiti niya
“Ai wait, I have pasalubong for you, hindi ko nadala sayo kasi nakakulong ako dito sa bahay namin” sabi niya saka nag tungo sa pinag lagyan niya ng pasalubong niya para sa kaibigan.
“Kasalanan mo naman kung bakit ka grounded eh” sabi nito dahilan para mapalingon siya dito at tignan ito ng masama na ikinatawa naman ng kaibigan.
“I know, oo na kasalanan ko na, manahimik ka nalang diyan kung ayaw mong hindi kita batiin” sabi niya saka inilapag sa tiyan nito ang bag na nag lalaman ng mga pasalubong niya para sa lalaki, yon pa yong mga binili niya para dito nung bakasyon nila ni Puma, hindi na niya nabigay dito dahil ang daming nangyare simula ng makabalik sila galing bakasyon.
“Thank you!” sabi lang nito saka inilapag sa gilid ang bag, hindi na ito nag abalang tignan iyon.
MASAYA silang nag tatawanan ng kaibigan ng makatanggap siya ng tawag, hindi na siya nagulat ng makita kung sino ang caller niya.
“Hello, Bella Medical Group, how may I help you? May gusto po ba silang ipagawa?”
“Hindi ako nakikipag biruan sayo Sapira, ano itong kalokohang ginawa mo? Galit nitong sagot sa kanya completely disregarding her greetings.
“What did I do?” kunyare ay inosente niyang tanong dito bahang malapad ang pag kakangiti, ang kaibigan naman na kaharap niya ay napapailing nalang sa kanya.
“Why did you call Desha and told here where my new precinct is?
“Ow, yon ba? I was just trying to help her, naawa ako sa kanya kasi matagal kana niyang hinahanap eh kaya sinabi ko na kung saan ka naka assign para naman hindi na siya mahirapan”
“Fuck you Fire!” pagalit nitong sigaw sa kanya.
“Oh, sinasabi ko na nga ba at may lihim ka talagang pag nanasa sakin Mr. Puma Crison, don’t worry darating din tayo dian my baby dear” pang aasar pa niya sa lalaki.
“Tangina Sapira paalisin mo ang babaeng ito dito, sabihin mong nag kamali ka ng precinct na sinabi sa kanya or I will wring your neck” pag babanta nito, naiimagine na niya ang lalaki habang hirap na hirap na pag taguan si Desha.
“Now where’s the fun in that? Isa pa, diba I told you na gaganti ako, so next time bago ka mag ala sumbongero kikilalanin mo muna kung sino ang ilalaglag mo. And Puma, that’s just the first, marami pa sila, so watch out!” sabi niya dito bago ito pinatayan ng telepono.
“Huh, akala ba nito, palalampasin niya ng ganun ganun lang ang pag sumbong nito sa Papa niya, pwes nag kakamali ito.”
“That’s one scary smile you have their Saphie” sabi ni Xi na kasama parin niya at nakikinig lang habang kausap niya ang lalaki kanina.
“Wala ito, don’t mind me, may tinuturuan lang ako ng leksyon” nakangiti parin niyang turan sa kaibigan.
“Pasaway ka talaga” sabi ng kaibigan na nginitian lang niya ng matamis. Yes she is, maldita, makulit, at puno ng kalokohan sa katawan, that’s her Sapira Fire Silva.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...