Chapter 33

414 13 1
                                    

Hi Luetians 😊 chapter 33 for you.. sorry ngayon lang, na busy lang ang lola nio sa buhay... 😁

Welcome sa bagong follower, please enjoy your stay!😙 Enjoy din doon sa mga dati pang nag follow sakin... dahil nadagdagan kayo ng 1 mag susulat pa ako ng bagong series.😁

Enjoy reading!
---------------------------------------------------------

 
PINILIT ni Puma ang sarili na tumayo, tanghali na pero nasa higaan parin siya, wala pa nga siyang planong bumangon pero kanina pa siya tinatawagan ng dalawa niyang kaibigan kaya naman napilitan siyang bumangon. Walang buhay siyang pumasok sa banyo at saglit na naligo, wala naman siyang magawa kaya nag linis nalang siya, matapos mag linis ay pumasok siya sa kanyang silid at pinagmasdan ang sarili sa salamin, sinusubukan niyang ngumiti pero kahit pilit na ngiti ay hindi niya magawa, kinakain kasi siya ng matinding sakit, selos at galit. Hanggang ng mga oras na iyon ay hindi niya matanggap na nagawa siyang paglaruan ng babaeng inilagay niya sa pedestal ng kanyang puso. Nasa ganun siyang kalagayan ng marinig niya ang pag bukas ng pinto, malamang yong kambal nanaman yon at kukulitin nanaman siya, lumabas siya ng silid at nanigas sa kinatatayuan ng makita niya kung sino ang pumasok sa kanayang bahay. Mabilis niyang hinamig ang sarili bago kinuha ang pansin nito sa pinaka malamig na paraang alam niya.
 
Bakas ang kasiyahan sa maganda nitong mukha habang siya ay pinanatili ang malamig na expression, he will never ever let this woman see the pain that is killing him now. Halo halo ang nararamdaman niya ng makita niya ito, sobrang sakit, galit, selos, pananabik at pag mamahal, pero sa lahat ng iyon ay ang sakit ang mas nangingibabaw lalo na ngayon na nakikita niya itong maya, she is glowing actually, tuwangtuwa ba ito na nagawa nitong paasahin ang puso niya kaya glowing ito ngayon? Sa kabila ng matinding sakit ay gustong gusto niya itong yakapin ng mahigpit at halikan, baka sakaling mabawasan ang sakit at galit na nararamdaman niya ngayon, pero pinigilan niya ang sarili, para saan pa? ipinag palit siya nito sa iba ng ganun ganun lang.
 
Nakita niya ang pinag samang gulat at pagkalito sa maganda nitong mukha habang pinaalis niya ito, she even told him that she really love him, she even cried in front of him, if he was the same old Puma, he would have hug her tight ang kissed her senseless, but then she hurt him and his heart is in fatal condition, masisisi ba siya ng babae kung hindi niya magawang maniwala dito matapos siya nitong ipagpalit sa iba ng walang pakundangan, how can she love him and be with her best friend at the same time? Tinikis niya ang matinding pag nanais na aluin ang babae at sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman, he would die first bago niya ipakita dito na nasasaktan siya, tama nang ang puso niya ang nasasaktan, hindi na niya hahayaang pati pride niya ay kunin nito.
 
Ng makaalis ang babae ay nag mamadali siyang pumasok sa kanyang mini gym at saka walang habas na pinag susuntok ang nakasabit doong punching bag. God, his heart is breaking, akala niya ay wala na siyang ikawawasak pa matapos niyang malaman na may relasyon na sila Fire at Xiron pero kanina ng makita niya itong umiiyak ay parang mas lalong nadurog ang puso niyang inakala niyang durog na durog na. Fuck this! kahit sukdulan ang galit niya sa babae ay hindi parin pala niya kayang makita itong nasasaktan ng ganun, kahit pa sabihin na umaarte lang ito kanina para marahil lokohin nanaman siya. He kept on punching and kicking, he used all his strength while hitting the poor thing thinking that it was Xiron.
 
He lost count of time, basta tuloy tuloy lang siya sa pag suntok at pag sipa hanggang sa kusa nalang bumigay ang kanyang katawan sa pagod, kaya naman pasalampak siyang nahiga sa sahig habang nakikipag habulan sa kanyang hininga. Ng medyo nakabawi na siya ay muli siyang tumayo, muntik pa siyang mitumba mabuti nalang at mabilis naman siyang nakatukod. Nag lakad siya papunta ng kusina upang kumuha ng alak gusto niyang mag pakalunod sa alak baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pero ng buksan niya ang ref ay wala na siyang nakitang alak doon kaya pumasok nalang siya ng kanyang silid at padapang nahiga sa kama.
 
SUNOD SUNOD  na doorbell ang gumising sa kanya, pupungas pungas siyang nag mulat ng mga mata, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya, siguro ay dahil sa sobrang pagod, sino ba naman ang hindi mapapagod sa  ginawa niya. Walang buhay siyang bumangon upang pag buksan kung sino man ang makulit na iyon na nag papaingay ng doorbell niya, siguradong hindi sila Brent iyon dahil may susi ang dalawang yon ng unit niya. Sino kaya ito, sumilip muna siya sa peephole upang kilalanin ang taong nasa labas, nangunot ang nuo niya ng makitang ang kaibigan niyang in charge sa security ng condo kung saan ang studio ni Fire ang taong nasa labas, mukha itong may importanteng kailangan kaya halos hindi na ito tantanan ang doorbell niya.
 
Naiiling na binuksan niya ang pinto para papasukin ang lalaki “Hey, ang inga-“ hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil agad itong nag salita.
 
“Fire was kidnapped” sabi nito dahilan para matulos siya sa kinatatayuan, pakiramdam niya ay tumigil ang oras maging ang pag tibok ng kanyang puso sa bombang binitawan nito sa harap niya.
 
“S-say w-what?” nauutal niyang tanong
 
“Fire was kidnapped” ulit nito sa sinabi.
 
“Wa-what?, h-how?, where? When? Fucking who!” pasigaw niyang naibulalas ang huling katanungan, his heart is hammering inside, sobrang kaba ang agad na lumukod sa buo niyang pagkatao, who would kidnap Fire? sigurado silang wala na itong stalker.
 
“I’d been calling you since I saw the CCTV footage, but you were not answering so naisipan kong puntahan ka dito, I already sent to your email the face of the man who took her, it seems na hindi naman siya nag tatago because he didn’t even cover himself” mahaba nitong paliwanag.
 
Walang salisalita niyan itong iniwan sa labas at saka kinuha ang kanyang laptop, naka silent ang kanyang cellphone kaya hindi niya naririnig ang tawag nito, ng mabuksan ang kanyang email ay agad niyang tinawagan si Dane, mabuti nalang at isang ring lang ay agad ng sumagot ang kaibigan.
 
“Ililibing naba ki—”
 
 
“Alex took Fire” mabilis niyang sabi sa kaibigan habang ang kamay ay abala sa pag tipa sa kanyang laptop upang maisend dito ang email na sined ng kaibigan sa kanya.
 
“What? Alex who?, why?” nalilitong tanong ng kaibigan pero halata ang biglang pag aalala sa tinig nito.
 
“Alex, the ex-fiancé of your girlfriend, he took Fire, I sent the CCTV footage to you man, call me for update I will find them, it will be faster kung mag hihiwalay tayo sa pag hahanap sa kanya” sabi niya dito saka pinatay ang tawag. Baliw ang lalaking iyon, baka kung ano ang gawin nito kay Fire, hindi na siya mag hihintay ng utos mula sa ama ng babae o ng kung anong planong nais gawin ng mga ito, he will move on his own, kaligtasan ng babaeng mahal niya ang nakataya dito.
 
“Ikaw na bahala dito” sabi niya sa kaibigang nakamasid lang sa kanya habang mabilis niyang kinukuha ang ilang gamit, he needs to go to his office.
 
“Need help?” tanong ng kaibigan.
 
“Please send to me the whole CCTV footage” yon lang at derederetso na siyang lumabas.
 
Ng makasakay na siya ng kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga taohan, mabilis namang sumagot ang mga ito.
 
“I sent you a file, I want you to track where they took Fire” matigas niyang utos sa unang tinawagan
 
“On it boss” sagot nito saka iba naman ang tinawagan niya.
 
“Alert all our available high profile agents, may hahanapin tayo, coordinate with Maxx” utos naman niya sa pangalawa niyang tinawagan,
 
“I need you to help Maxx track the location of this mam, he took fire and we need go get here before that psycho can do something to her” sabi naman niya sa ikatlong tao, sunod sunod ang ginawa niyang pag tawag sa lahat ng kanyang mga tauhan, at walang humpay ang ginawa niyang pag bibigay ng instruction sa mga ito habang papunta siya sa kanyang opisina na madalang lang niyang puntahan, nagulat pa ang mga guards ng makita siyang mabilis na nag lalakad papasok, gayon pa man ay naging mablis ang kilos ng mga ito at agad siyang pinag buksan ng main door.
 
When he is inside the intelligence room ay alertong nag bigay sa kanya ng update si Maxx, mataman siyang nakikinig dito habang ang kanyang mga mata ay mabilis na sinusundan ang bawat kaganapan na ipinapakita ng malaking monitor sa kanyang harapan. Ilang minuto hanggang umabot ng oras ay wala paring nakakatunton kung saan dinala ni Alex si Fire, ang puso niya ay para ng sasabog sa matinding kaba para sa babae, ng hindi na niya makayanan ay muli siyang umalis at bumalik sa kanyang sasakyan, hindi na niya kayang maupo sa office niya at mag hintay habang ang babaeng minamahal niya ay maaaring napapahamak na sa mga oras na ito, hindi niya mapapatawad ang sarili pag napahamak ito.
 
 
“Send me the location where you last saw the car of that asshole” muli niyang utos kay Maxx ng sagutin nito ang kanyang tawag. Hindi siya nag hintay ng matagal dahil mabilis nitong na-i-send sa kanya ang coordinates.  Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan habang papunta sa nasabing lugar, it took him an hour bago niya natuntun ang lugar na iyon pero panay kadiliman lang ang nakikita niya at ang bakanteng sasakyan na ginamit nito sa pag kuha kay Fire. Inikot ikutan niya ang sasakyan at masusing inaral ang buong paligid, wala manlang siyang makuhang clue doon, kaya binuksan niya ang sasakyan at naupo sa driver’s seat, mula doon sa pinag masdan niya ang paligid, matapos yon ay masusi niyang siniyasat ang loob ng sasakyan hanggang sa may makita siyang maliit na papel, masusi niyang inaral ang papel na iyon at agad na isinend iyon kay Maxx upang mapag aralan, baka makatulong iyon sa pag hahanap nila, ipinag patuloy pa niya ang pag hahanap pero wala talaga siyang nakita maliban sa maliit na papel na iyon kaya bumalik na siya sa kanyang sasakyan upang makapag isip ng maiige.
 
Kung siya si Alex, saan niya dadalhin ang babaeng kikidnappin niya? dahil sa tanong niyang iyon sa sarili ay unti unting bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng mga pag aari nitong lupa na nalaman niya noong nag imbestiga siya sa lalaki para kay Chelle, saka niya naalala ang isa nitong property na nasa isang liblib na lugar. Dahil doon ay mabilis niyang binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at agad iyong pinaharorot sa lugar na iyon, bakit ba ngayon lang niya naisip, sana ay hindi siya nag kakamali, pero sa lahat ng property ng lalaki, ang lupang iyon ang hindi nito idineklara sa pangalan nito sa halip ay ipinangalan nito iyon sa namatay nitong kasintahan, kung pano nito nagawa ang bagay na iyon ay hindi niya alam. Masasabi niyang perfect ang lugar na iyon pag dalhan kung may plano kang gawing masama dahil sobrang liblib ng lugar na iyon at halos walang nakatira.  Habang bumabyahe ay tinawagan niya si Madox, and isa sa mga pinag kakatiwalaan niyang tauhan,upang sabihin kung saan siya pupunta ng sa ganun ay agad na makasunod ang kanyang mga agents.
 
Halos malapit na siya sa lugar ng maalala niyang tawagan si Dane, bakas ang matinding pag aalala sa tinig ng lalaki ng sagutin nito ang kanyang tawag. Sinabi niya dito kung saan siya pupunta, pinaliwanag narin niya dito kung bakit niya naisip na doon dinala ni Alex ang babae, binilinan niya ang kaibigan na makipag coordinate sa mga tao niya para sa coordinates bago pintay ang tawag, sa sobrang abala ng utak niya kanina ay nakalimutan na niyang tawagan ang mga kaibigan, bahagya niyang sinulyapan ang kanyang relos upang alamin kung anong oras na, nakita niyang alas dos na ng madaling araw, malapit na siya sa nasabing lugar, ngunit ilang oras pa ang gugulin nila Dane bago ang mga ito makasunod, sana lang talaga ay tama ang hinala niya dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin niya.
 
Malayo palang ay itinabi na niya ang sasakyan, tatakbuhin nalang niya mula doon dahil baka marinig ng mga ito ang tunog ng sasakyan, masyadong tahimik ang lugar kaya madidinig ang kahit anong ingay kahit pa mula iton sa malayo, ng maitago ang kanyang sasakyan ay mabilis siyang tumakbo, habang tumatakbo ay alerto siya sa paligid, mahirap na baka may kasama ang baliw na iyon. Malayo rin ang tinakbo niya bago niya nakita ang bahay, napansin niyang may ilaw ang bahay kaya medyo nabuhayan siya ng loob, ibigsabihin ay may tao sa loob pero kailangan muna niyang matiyak na nandoon nga si Fire, nakapunta na siya doon minsan kaya kabisado na niya kung saan siya papasok. Maingat ang bawat galaw niya sinigurado niyang walang nakakita o nakarinig sa kanya habang palapit sa nasabing bahay, hindi pa man siya lubusang nakakalapit ay may naririnig na siyang ingay, tama ang hinala niya dito nga dinala ng baliw si Fire, mabilis siyang nag tago sa likod na bahagi at maingat na sumilip sa siwang na naroon, halos mag dilim ang kanyang paningin sa nakitang kalagayan ng babae, maging ang dalawang lalaki na parang mga hayok na hayok habang pinanonood ang babaeng pinaliligaya ang sarili, sa itsura at ayos ni Fire ay hindi mahirap sabihing tinurukan ito ng droga, lalo pa at malinaw niyang nakikita ang mga gamot at syringe na marahil ay ginamit dito ng baliw.
 
Mabilis at walang ingay siyang pumasok sa loob ng bahay saka mabilis na inataki ang dalawang lalaking nanood sa babae, hindi naman siya nahirapang patulugin ang mga ito dahil wala naman palang alam sa martial arts ang dalawa, ng bumaksak na ang dalawa ay mabilis naman niang sinugod si Alex na tila natulala sa biglaan niyang pag dating katulad ng dalawa nitong tauhan ay hindi siya nahirapang pabagsakin ang lalaki, ano ba ang laban nito sa kanya eh wala naman iyong ka alam alam sa pakikipag suntukan at panay pag perma ng papel lang ang alam gawin sa buhay. Ng mapatulog na niya ang tatlo ay agad niyang binuksan ang pintong bakal na nag sisilbing kulungan ng babaeng humahalinghing habang patuloy na pinaliliga ang sarili.
 
Sa kabila ang matinding kaba at galit na nararamdaman niya ay hind parin niya napigilan ang sarili na pag nasaan ang babae, sino ba ang hindi makakaramdam ng pagnanasa, hearing her moan as she touch herself while seeing her private parts that are expose in his eye. Goodness, hindi ito ang panahon para pairalin niya ang pansariling pagnanasa, kailangan niyang ilayo ito sa lugar na iyon sigurado siyang hirap na hirap ang katawan ng babae sa mga oras na iyon. Kaso lang, pano ba niya mapipigil ang sarili kung kakahawak palang niya dito ay agad na siya nitong sinunggaban.

(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon