Enjoy reading 😉
---------------------------------------
Kasama talaga sa plano nila ang makuha si Fire ng stalker nito nang sa gayon ay masundan nila ito hanggang sa hideout nito, pero ng makita niyang pinatulog ito ng isang lalaking naka maskara at isinakay sa sasakyan upang tangayin ay parang puputok ang puso niya sa pinag halong kaba at galit. Kanina ay gusto na agad niyang sugurin ang taong kumuha sa babae, mabuti nalang at nahawakan siya ng kasamang agent upang pigilan at ipaalala ang kanilang plano. Ito ang unang pag kakataon na nahirapan siya ng ganto sa isang misyon, lahat naman ng misyon niya ay talagang mahirap, ang ilan doon ay halos mag buwis siya ng buhay, pero lahat din ng iyon ay kontrolado niya ang sarili, hindi katulad ngayon na para na siyang sasabog, ngayon ay alam na niya kung papanong mahaluan ng personal na layunin ang isang misyon.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at panaigin ang utak, ng medyo kaya na niya ay sakto namang narining nila ang hudyat na pwede na silang kumilos, agad siyang tumakbo papunta sa kanyang sasakyan at pinatakbo iyon sa bilis na sasapat upang makasunod sa kidnapper ng hindi nito napapansin, nilagyan nila ng tracking device si Fire ng sa gayon ay masundan nila ang babae kahit saan man ito dalhin ng stalker nito.
Apat na oras ang matiya nilang pinag hintay bago tuluyang tumigil ang red dot na kumakatawan sa babae, maingat siyang tumigil sa isang liblib na bahagi di kalayuan sa bahay na pinag dalhan ng lalaki kay Fire, mula sa labas ay pinag aralan nila ang paligid ng bahay, it wasn’t guarded but very much secured, maraming camera ang nag kalat sa paligid kaya hindi sila pwedeng basta basta pumasok dahil baka ikapahamak ni Fire pag nalaman ng stalker nito na may nakasunod dito. Maya maya pa ay lumabas ang lalaking naka mask na kumuha kay Fire sa bar, sabi na nga ba at hindi ito mismo ang stalker, masyado talagang maingat ang hayop, gaano kaya ito ka makapang yarihan upang magawa nitong mag bayad ng tao na gagawa ng mga bagay na ito para dito. Well hindi na iyon mahalaga sa kanya, ang tanging nais niya ngayon ay durugin ang mukha ng hayop na yon at ibalik ng ligtas ang babaeng mahal niya dahil sa bawat minuto na hindi sila makapasok sa bahay ng stalker nito ay lalong nalalagay sa kapahamakan ang babae.
Matiyaga siyang nag hintay ng tamang pag kakataon lalo pa at hindi nila alam kung ano ang daratnan nila sa loob. Inasahan na nila ang tagpong ito kaya naman kahit papano ay napag handaan na nila ito, ngunit hindi naman nila inasahan na ganito katindi ang security sa hideout nito kaya medyo natatagalan ang mga tao nila na pasukin ang system ng bahay. Gusto na niyang mag mura ngunit alam niyang wala iyong idudulot na maganda kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili hanggang sa marinig nila ang hudyat na pwede ng pumasok ang mga nasa bandang west ng bahay dahil na disable na ang mga electric wires at mga CCTV’s na nakakabit doon, may 10 minuto lamang ang mga agent upang makapasok, hindi naman iyon mahirap gawin dahil panay eksperto ang lahat ng sinama nila doon, ng makapasok ang ibang kasamahan ay inihanda na niya ang sarili, nasa north side siya at medyo may kalayuan ang pinag taguan niya kaya kailangan niyang maging mabilis upang makapasok siya ng maayos, sinadya nilang mag kakaibigan na mag hiwahiwalay, upang kung may biglaang mangyari na hindi inaasahan ay isa lang ang maapektohan at ang dalawa ay pwedeng gumawa ng paraan upang tumulong. Nang marinig niya ang hudyat sa kanilang bahagi ay mablis siyang tumakbo at umakyat sa bakod, itinuon niya ang buong pansin sa ginagawa, ngayon higit sa lahat hindi siya maaring mag kamali, ng makapasok ay agad siyang nag tago, kung matindi ang security sa labas ay di hamak na mas mahigpit security sa loob, kaya wala sila malayang kumilos kahit pa nasa loob na sila, ang mga kasaman niyang agent na sa IT ang expertise ay abala ngayon sa pag hack ng system sa loob ng bahay. Iba kasi ang system ng security na ginamit sa labas kesa sa loob, ganun ka praning taong gusto niyang patayin, masyado talaga itong maingat. Saktong nakapasok na ang lahat ng kailangang pumasok ng ma-hack nila ang system ng mismong loob ng bahay. Galit siya sa taong nag mamayari ng bahay na yon pero hindi niya maiwasan ang mamanghha sa laki ng bahay na pinasok nila, hindi niya alam kung matatawag paba iyong bahay dahil sa laki nito, para iyong underground secret facility na tanging sa mga pelikula lamang niya nakikita, meron iyong mahabang tunnel na connected sa isa pang bahay na matatagpuan di kalayuan sa lugar na iyon. Hinamig niya ang sarili, hindi ito ang panahon sa pagkamangha, gaano man kaganda ang lugar na iyon ay malaki parin ang atraso sa kanila ng taong nag mamayari niyon. Mabilis na kumilos ang mga agents na naiwan sa labas upang puntahan ang bahay na tinutumbok ng tunnel habang silang mga nasa loob ay nagsimula naring kumilos upang tahakin ang daan na tinutumbok naman ng red dot na kumakatawan sa babaeng mahal niya, Please be safe baby, lihim niyang hiling habang mabilis na kumikilos.
Nang sa wakas ay natunton nila ang silid na kinaroroonan ng babae ay agad niyang nakita ang walang malay na si Fire habang nakahiga sa isang king size bed, habang sa kabilang bahagi ng silid ay nakatayo naman ang isang lalaki habang abala ito sa pag aasikaso ng kung ano, bahagya itong nakatalikod sa kanila kaya hindi nila nakikita ang itsura nito, mataman silang nag masid upang masiguradong wala ng ibang tao doon maliban sa kanila, gustong gusto na niyang pumasok at kunin ang babae pero kailangan niyang sumunod sa usapan kung hindi ay mabubulilyaso ang kanilang plano.
Hindi na sila nagulat ng humarap ang lalaking kasama ni Fire sa silid na iyon, tama nga ang hinala nilang lahat, ito nga ang stalker ng babae. Bakas ang kasiyahan sa maaskad na pag mumukha ni Josh ang lalaking matagal na nilang pinag hinalaan, nakikita kita na niya ito noon sa studio ni Fire dahil isa ito sa mga matagal ng Dance Instructor doon, hindi naman talaga nila ito pinag ihinalaan noong una pero ng imbestigahan nila ito ay napag alaman nilang isa itong multi billionaire, kaya nag taka sila kung bakit nag tatago ito sa katauhan ng isang mahirap na DI. Doon sila nag simulang mag hinala dito, at ngayon nga ay napatunayan na nilang tama ang kanilang hinala.
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, dahil ng marinig nila ang hudyat na pwede na nila itong arestohin ay nag kanya kanya silang labas mula sa kanilang pinag tataguan saka ito tinutukan ng baril, wala ng nagawa pa ang lalaki ng hulihin nila ito. si Dane ay agad na kinuha ang kapatid upang madala sa hospital, wala naman silang nakikitang pinsala sa panlabas nitong anyo pero hindi nila alam kung may ginawa naba dito ang hayop na Josh na yon kaya kailangan nila itong ipa-check upang makasigurado. Sila naman ni Brent at ng iba pa ay nag paiwan upang kumalap ng ebidensya na mag didiin kay Josh sa korte pagkatapos nila itong pahirapan siempre. Tulad ng hinala niya noon ay madami nga itong kuha ng mga larawan ni Fire na nakikita ang maseselang bahagi ng katawan nito, mabuti na lamang at siya ang nakakita ng mga larawan na iyon kaya mablis niyang sininop ang lahat ng nakita, hindi niya gugustuhin na may ibang mata pang makakita sa kagandahang para lamang sa kanya.
Hindi nila inaasahan na matatapos ng ganun kadali ang nasabing misyon, akala kasi nila ay mapapasabak sila sa bakbakan, pero maliban sa mahigpit na security system sa loob at labas ng naturang facility ay wala na silang ibang naging problema at lahat ng yon ay dahil sa magagaling nila IT, the house was actually fully loaded, isang pag kakamali at patay silang lahat na pumasok doon, mabuti nalang at maayos na napasok ng IT nila ang system ng loob ng bahay kaya nagawa ng mga ito na i-diactivate ang mga baril na nag kalat sa paligid ng hindi nag ti-trigger ang alarm kaya hindi sila natunugan ng lalaki at nagulat pa ito ng makitang nandoon na silang lahat sa loob ng hideout nito.
LAHAT SILA AY nakahinga na nang maluwag ng sa wakas ay nahuli na ang totoong salarin, naging maayos naman ang lahat maliban nalang sa ilaw ng tahanag Silva na galit na galit sa ginawa nilang pag pain sa bunso nito upang madakip ang stalker. Mabuti nalang at kahit pano ay kumalma narin ito at nag diwang dahil sa wakas ay makakasama na nito ang anak na sobra nitong namiss dahil matagal din nila itong itinago. Everything went back to normal na para bang walang nangyari, and that includes Fires night life. He wanted to celebrate with her in private kaso nangungulit ang babae dahil gusto nitong mag celebrate sa isang bar, kaya naman di niya maiwasang makadaman ng inis, hindi ba ito makaramdam?
“I will not accompany this brat” turan niya ng mapansing nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan, hindi rin niya maunawaan ang dalawang ito, panay ang banta sa kanya na layuan si Fire pero ngayon ay pasasamahan sa kanya dahil may date ang mga ito, naiinis pa nga siya dahil gusto niyang mag celebrate sila in private tapos sasamahan niya ito sa bar. Gayon pa man ay ang babae parin ang nanalo sa pag uusap na iyon, kaya nag pasya siyang umalis nalang agad sa bahay ng mga ito upang mag pahangin, 7pm pa naman ang usapan nila.
Saktong 7pm ng sunduin niya ang babae bihis na ito ng dumating siya at agad na nag yaya na umalis, hindi naman halatang excited ito masyado, ang totoo niyan ay plano sana niyang dalhin ito sa isang romantic date dahil ngayon niya planong mag tapat sa babae, ngayon na maayos na ang lahat ay gusto na niyang mag karoon sila ng label hindi yong basta nalang sila nag memake out, mahal niya si Fire at napatunayan niyang hindi niya kayang mabuhay ng wala ito kaya naman gusto na sana niyang gawin silang official boyfriend and girlfriend. Matagal din niya itong pinag isipan because he is basically risking his friendship with the twin here, but his love for fire is more important than their friendship, bahala na, after all if they are real friends mauunawaan ng dalawa ang damdamin niya para sa babae and later on ay matatanggap din ng mga ito.
Abala ang utak niya sa pag iisip ng gagawin para alukin ang babae na maging girlfriend niya ng bigla nalang itong mag hubad sa harap niya, well not totally naked, but she change in front of him, matagal narin ang kanilang huling make out kaya naman aaminin niyang sabik na sabik na siya rito at hindi nakakatulong na bigla bigla nalang itong nag tatanggal ng damit sa harap niya, mabuti nalang talaga at nakapag timpi parin siya.
Nang makarating sila sa bar ay walang ginawa ang babe kundi ang mag pabalik balik sa dance floor habang siya ang nag mamasid lang sa paligid at binabantayan itong sumayaw, hanggang sa bumalik ulit sa kanyang tabi para siguro mag pahinga.
Inaya siya ng babae na sumayaw pero hindi siya pumayag, hindi narin niya ito pinayagan na bumalik doon dahil may gusto nga siyang sabihin dito, pero bigla nalang siya nitong sinayawan kaya nawala nanaman siya sa katinuan at agad itong sinibasib ng halik. Hindi naman nag dalawang isip ang babae at agad nitong tinugon ang kanyang halik, he was smiling from ear to ear ng mag hiwalay ang kanilang mga labi, buong suyo niya itong tinitigan. God, he really love this woman, he is about to speak and make everything clear about them when his phone suddenly rang, it was his boss kaya wala siyang pamimilian kundi ang sagutin ang tawag nito, bagay na gusto sana niyang pag sisihan dahil ipinadala siya nito sa isang mission, ayaw man niya ay napilitan siyang ihatid ang babae, sinabi niya ditong mag uusap sila when he return.
He was sent to Cebu to rescue a child who has been kidnapped, nanghihingi ng ransom money ang kidnapper pero walag maibigay na pera ang mga magulang nito dahil mahirap lang ang mga ito, kaya ang mission nila ay bawiin ang bata ng ligtas. Alam niyang mali pero hindi niya mapigilan ang sarili na mainis sa mission na yon, he missed his Fire so much, he wanted to be with her, to hear her voice and kiss her soft and sweet lips. Pero hindi niya magawa dahil nandito sila sa kabundukan at walang signal, kasalukuyan pa nilang hinahanap ang kuta na pinag dalhan sa bata, nag papahinga lamang sila saglit kaya nakaupo siya ngayon sa sanga ng isang puno habang iniisip ang kanyang si Fire ng makarinig siya ng mahihinang usapan.
Mark: spell in-love? Narinig niyang turan ng kasamahan
Jelo: P-U-M-A sagot naman ng isa pa niyang kasamahan saka ang dalawa mahinang nag tawanan. Mga siraulo talaga at siya nanaman pala ang na pag tripan ng dalawang ito.
Jelo: spell to whom?
Mark: F-I-R-E
Jelo: Natumbok mo pare ang galing mo sabi ng kasama bago muling nag tawanan.
“Kayong dalawa tigilan nyo ako kung ayaw niong pag susuntukin ko kayo” nakangiti niyang turan, hindi naman siya pinansin ng mga kasama at nag patuloy lang ang mga ito sa pang aalaska sa kanya.
Mark: spell patay
Jelo: P-U-M-A
Mark: spell kanino
Jelo: D-A-N-E AND B-R-E-N-T
Mark: Tumpak pare, nag tawanan nanaman ang dalawa, siya naman ay napailing iling nalang sa kalokohan ng dalawa niyang kasama, pero totoo naman ang sinabi ng mga ito, patay talaga siya pag nalaman ng dalawa niyang kaibigan na sila na ni Fire. Oo sila na, kailangan lang niyang linawin dito ang gabay na iyon pag uwi niya. Bagay na hindi na niya nagawa dahil ng araw na umuwi siya ay nalaman niyang may relasyon na ito sa kaibigan nitong si Xiron. Sobrang sakit ang naramdaman niya ng makita ang post na iyon ng pamangkin ng lalaki, pakiramdam niya ay inapakan nito ang buo niyang pagkatao. Mabuti sana kung pride lang niya ang inapakan ng babae, kaso pati puso niya ay dinurog nito, kung may relasyon na ang dalawa, ano ang ibig sabihin ng lahat ng pang aakit na ginawa nito sa kanya, pinag lalaruan lang ba siya ng babae? But she looked sincere. Ng araw na yon ay hindi na niya pinaalam sa babae na dumating na siya mula sa kanyang mission at nilunod ang sarili sa alak habang dahan dahang kinakain ng matinding galit at selos ang kanyan buong pagkatao. Isinusumpa niya, this will be the first and the last time na hahayaan niyan saktan siya ng babaeng iyo, hindi niya lubos maisip na magagawa nito ang bagay na iyon sa kanya, to think na nakahanda siyang isugal ang pagkakaibigan nila ng mga kuya nito, tapos pala ay niloloko lang siya ng babae.
That night he buried his heart sa kailaliman kasaman ng pag mamahal na meron siya para sa babaeng nag wasak ng kanyang puso sa kaunaunahang pag kakataon.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomantikMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...