Chapter 10

551 18 0
                                    

Sorry po ngayon lang update, naka tatlong revise po kasi ako sa chapter na ito hahaha, ewan ko bat hindi ko napupusuan ang mga nagiging resulta ng gawa ko, kaya i surender! Ito na ipopost ko na kahit di ako masyadong masaya kasi wala na akong ilalabas sq chqpter na ito... sana eh magustohan ninyo, ibinigay ko naman ang best ko dito hahaha...

-----------------------------------------------------



Fire was just standing there habang tahimik niyang pinag mamasdang ang kaguluhang nangyayare sa paligid niya. Tumigil na ang putukan at maraming pulis ang nag kalat sa buong paligid, ang iba sa mga masasamang loob ay nakatakas at kasalukuyan pang hinahabol ng mga pulis, habang ang iba ay paisa isang inilalabas sa warehouse na pinag dalhan ng mga ito sa ate Monique niya. Para siyang nauupos na kandila, unti unti siyang nakakaramdam ng panghihina habang patuloy na nasasaksihan ang kaguluhang iyon. Para bang ngayon lang nag sink in sa sistema niya ang napaka delikadong misyon na sinamahan niya, kanina ng personal niyang makita ang kalunos lunos na kalagayan ni Monique nakadama siya ng pangingilabot, para na itong walang buhay habang nag mamadali ang mga nag tutulak ng stretcher nito upang maisugod agad ito sa hospital. Saka lang unti unting pumasok sa kanya ang mga naganap, her kuya Dane was shot too, everything was in chaos and she is standing there, feeling alone and terrified when a warm hand cover her shoulder and she heard that soothing voice.
 
“Everything is okay now, calm yourself” bahagya siyang napabaling sa lalaking nag salita sa kanyang tabi sa sinalubong siya ng matamis nitong ngiti na para bang sinasabi nitong okay lang ang lahat.
 
“Let’s go home, someone must tell your parents about this” marahan siyang tumango sa sinabi nito, oo nga pala hindi alam ng mga magulang nila ang ginawa nilang ito, siguradong nag aalala na ang mga ito ngayon, walang ibang aasahan na mag sabi sa mga ito ng buong pangyayare kundi siya dahil masyadong abala ang kuya Brent niya at walang malay ang kuya Dane niya.  Ng hindi siya tuminag sa pag kakatayo ay naramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap sa kanya.
 
“Are you okay? May masakit ba sayo? I’m sorry hindi agad kita nalapitan” nag aalala nitong tanong sa kanya na muli lang niyang tinanguan, tinitigan muna siya nito sa mukha na tila ba sinisiyasat nito kung nasa maayos na kalagayan ba talaga siya o hindi. Nang hindi parin siya nag salita ay marahan siya nitong iginiya papunta sa sasakyang ginamit nila ni Chelle kanina. Maingat siya nitong inalalayan bago ito mabilis na umikot at naupo sa driver’s seat.  Ito narin ang nag kabit ng seat belt niya tapos ay hinaplos nito ang kanyang mukha.
 
“How are you feeling?” masuyo nitong tanong sa kanya, bakas ang pag aalala sa boses nito.
 
“I don’t know” sagot niya dito sa mahinang tinig, parang ngayon lang niya nararamdaman ang lahat ng takot sa mga ginawa nila kanina at ng mga nangyare, maging ang kilabot na dulot ng pag hawak sa kaniya ng mga bantay kanina, nag aalala siya sa kalagayan ng kuya Dane niya.
 
“Panu kung hindi makaligtas si Kuya? Hindi biro ang tamaan ng baril” sabi pa niya dito, mabuti nalang at nakasakay na sila sa sasakyan dahil pakiramdam niya ay para siyang tinakasan ng lakas ng bigla siyang lukubin ng matinding takot para sa kapatid, hindi niya namalayan ang pag tulo ng luha sa kanyang mata, namalayan nalang niya ang masuyong pag pahid ni puma sa kanyang luha.
 
“It’s okay, your kuya will survive, his wound is not fatal, sa balikat lang siya tinamaan, nag papabebe lang yon kay Chelle so you don’t have to worry about him” pag papakalma nito sa kanya pero hindi parin maalis ang takot sa puso niya.
 
“You think so?” tanong niya dito, na para bang pag sinabi nitong magiging okay ang kapatid niya ay magiging okay nga ito.
 
“Come here” sabi nito sa kanya bago muling tinanggal ang pag kakakabit ng kanyang seat belt at saka siya hinila paupo sa kandungan nito at niyakap ng mahigpit.
 
“It’s okay Fire, your brother will be safe, mabubuhay ang kuya Dane mo dahil babawiin pa niya si Chelle remember? And we will do everything in our power para makaligtas ang kuya mo at si Monique” sabi nito habang marahang hinahaplos ang kanyan likod.
 
“Kanina ang tapang tapang mo, anong nangyare ngayon?” dagdag pa nito.
 
“I don’t know, bigla nalang akong natakot when I saw ate Monique in the stretcher, ang daming pumasok sa isip ko na posibleng nangyare, what if malala ang tama ni kuya? What if nabaril din ako?”
 
“I won’t let that happen, okay? Hindi ko hahayaang mapahamak ka! ngayon mo lang siguro na re-realize kung gaano ka delikado itong ginawa natin. Kaya sa susunod wag ka nang sasama sa mga ganito, okay? Hindi na talaga ako papayag sa susunod, I won’t let you witness this kind of brutality ever again. At kung sakaling mangyare ito ulit, always remember that I will be there to protect you! Kaya wala kang dapat ikatakot” mahaba nitong turan sa seryosong tinig habang lalong humihigpit ang pag kakayakap sa kanya.  Dahil sa mga sinabi nito ay unti unting gumaan ang pakiramdam niya, unti unti nitong pinawi ang kanyang takot sa pamamagitan ng mga pangako at banayad nitong pag haplos sa kanyang likod.
 
“Did I told you that you did great? Ang galing mo kanina, I’m proud of you” sabi pa nito sa kanya, ilang minuto pa siyang nanatiling tahimik upang ramdamin ang init na nag mumula sa katawan nito bago niya basagin ang katahimikang bumalot sa kanila.
 
“Thank you, Puma, for being her with me” sabi niya dito, she is thankful that he is here trying to calm her in her disoriented state, siguro kung hindi siya inakbayan at niyakap ng lalaki kanina ay nag iiyak na siya sa sobrang takot.
 
“You do know that I will always be here for you, right?” tanong nito sa kanya.
 
“Yes, I know, kahit masungit ka sakin madalas, at kahit masyado kang pakipot, alam kong hindi mo ako pababayaan, so thank you!”
 
“Mukhang okay ka na, bumabanat ka nanaman eh” nakangiti nitong turan sa kanya na ikinangiti narin niya.
 
“Pwede bang abusuhin ang kasweetan mo ngayon?”
 
“Hindi pwede, may expiration yon” sabi nito, hindi niya pinansin ang pag tanggi nito, nakangiti lang niyang inayos ang pag kakaupo sa kandungan nito, umupo siyang paharap sa lalaki, ang dalawa niyang paa ay inilagay sa magkabila nitong side saka siya yumakap ng mahigpit dito.
 
“How can I drive kung ganyan ang pwesto mo” sabi nito pero niyakap din naman siya sa bewang dahilan para mapangiti siya, kunyare pa talaga itong pakipot na ito, gustong gusto din naman kapag minamanyak niya.
 
“But I want to sit here” pag lalambing hinya dito.
 
“I hope this is not one of your antics to seduce me again Fire” sabi nito sa kanya.
 
“I’m not seducing you at all, I’m still afraid kaya ” maarte niyang pag dadahilan dito, kahit sa totoo lang ay nawala na ang takot niya dahil sa presensya nito at sa mga sinabi nito kanina.
 
“Go back to you seat now, hindi ako makakapag drive kung nakaupo ka sa kandungan ko ng ganyan” sabi nito habang patuloy paring hinihimas ang kanyang likod.
 
“Then drive slowly” pamimilit niya dito, wala talaga siyang plano pang umalis sa kandungan nito, she is enjoying their position, minsan lang niya mauto si Puma ng ganito kaya sasamantalahin na niya lalo pa at tila nasa mood itong magpalambing at manlambing ngayon. Lumapad ang pag kakangiti niya ng kahit nahihirapan ay pinaandar nito ang sasakyan at mabagal iyong pinatakbo.
 
IT TOOK them hours bago sila nakarating sa labas ng bahay nila, she appreciates na hinayaan siya ng lalaking mag pabebe dito, kahit na alam niyang hirap na hirap ito at ngalay na ngalay na dahil sa pwesto nilang dalawa. Bilang pampalubag loob dito ay hinahalikan niya ito sa pisnge at sa leeg paminsan minsan, hinahayaan naman siya nito at hindi sinasaway, ramdam niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa ilalim niya kaya alam niyang nahihirapan ito sa ginagawa niya, gayon pa man ay wala siyang narinig na pag tutol mula rito, bagay na ikinatutuwa niya dahil mukhang may improvement na ang pang lalandi niya sa lalaki, kahit minsan ay nararamdaman parin niya ang pag iwas nito sa kanya.
 
Umalis lang siya mula sa pag kakaupo sa kandungan nito ng itigil na nito ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.  Inihanda na niya ang sarili sa matinding sermon, panigurado ring grounded nanaman siya dahil sa itsura niya, her parents are not the strict pero may limitasyon ang pasensya ng mga ito.
 
“Shall we?” tanong ng lalaki sa kanya.
 
“Okay” sagot niya dito bago sila sabay na lumabas ng sasakyan at sabay ding pumasok sa kabahayan, tulad ng inaasahan ay gising na gising pa ang mga magulang nila at agad na nag tatalak ang kanyang mahal na ina, dito talaga siya ng mana ng kadaldalan. Ang ama niya at tahimik lang pero ramdam niya ang  nanunuri nitong tingin kaya nga ng sabihin nitong grounded siya ay hindi na siya nag taka pero siempre sinubukan niyang umalma yon nga lang walang nagawa ang katigasan ng ulo nia  nang gabing iyon.
 
ONE WEEK, 1 week na siyang nag papakabait sa loob ng kanyang kwarto, bawal lumabas kaya naman tanging ang T.V at ang social media lang ang libangan niya sa loob ng isang lingo, bored na bored na siya pero kailangan niyang mag pa good girl para hindi na masyadong higpitan ng papa niya ang pag babantay sa kanya.
 
Maingat siyang bumababa ng hagdan, naka suot lang siya ng pambahay para hindi makahalata ang mga kasambahay kung sakaling may makasalubong siya, ang gamit niya ay inilaglag lang niya sa bintana ng kanyang silid para walang makakita. Nang makababa na siya ay sumilip muna siya sa labas at ng makita niyang walang tao ay saka lamang siya palihim na lumabas. Mabuti nalang at tulog na ang mama niya at ang papa naman niya ay umalis at bukas pa ng gabi ang balik kaya wala siyang dapat alalahanin, patakbo siyang umikot sa bandang gilid ng kanilang bahay upang kunin ang gamit, ng makuha na niya iyon ay eksperto siyang umakyat ng kanilang bakod, walang nakakaalam sa kanilang pamilya na kaya niyang akyatin ang kanilang bakod, siempre matagal na panahon din niya iyong pinag-araral at ginagamit lang niya ang kakayahang iyon sa mga ganitong pag kakataon. May guard kasi sa gate nila kaya hindi siya pwedeng dumaan doon, mahigpit ang bilin ng papa niya na wag siyang palalabasin.
 
Ng makababa sa kabilang bahagi ng bakod ay tuwang tuwa siyang nag tungo sa gilid sa parting masukal, hindi pa siya dapat mag saya ng husto dahil baka makita siya ng guard, mabulilyaso pa ang pag paparty niya ngayong gabi. Lakad takbo ang ginawa niya para makarating sa kabilang kanto kung saan nag hihintay ang dalawa niyang kaibigan sila Nikki at Mina, may usapan silang mag babar ngayong gabi at matiyaga siyang hinintay ng dalawa para lang mag kasama sama silang tatlo, ang dalawang ito naman talaga ang palagi nyang kasabwat sa mga ganitong pag kakataon. Hindi niya maasahan si Xi sa mga ganito dahil hindi siya kinukonsente ng baklang iyon pag grounded siya, dumadalaw lang ito sa kanya pero never itong pumayag na itakas siya kaya itong dalawang bruha ang palagi niyang kasama sa pag takas.
 
“Bilisan mo girl, baka may makakita sayo” narinig niyang sabi ni Mina na nakaup sa drivres seat.
 
“Ito na nga” sagot naman niya dito ng makapasok na siya, agad nitong pinatakbo ang sasakyan palabas ng subdivision, ng makalabas na sila ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.
 
“OMG! Girls I miss you so much, I have pasalubong for you girls” agad niyang sabi sa mga kaibigan na agad din pinag kaguluhan ang mga dala niya.
 
“Ang daya, I’m driving, ikaw na muna dito Fire” sabi ni Mina na nakasimangot pa.
 
“Oo na ito na madam” pabiro niyang turan sa kaibigan, hindi na nito ihininto ang sasakyan para makalipat siya kaya mukha silang mga uod na pilit nag sisiksikan para lang makapag palit silang dalawa ng pwesto.
 
“Ano ba kayong dalawa, stop the car na lang kasi muna” si Nikki na nahihirapan narin dahil nasisiksik nila ito.
 
“No need, I got it” sagot naman niya ng makaupo na siya ng maayos sa driver’s seat, ang dalawa naman ay nag simula ng tignan nag mga dala niya. Mayayaman ang mga kaibigan niya pero kung mag agawan sa mga dala niya ay parang mga hampas lupa na hindi pa nag kakaroon ng mga ganun, well ganun naman talaga silang tatlo, basta galing sa isa’t isa ay palagi silang excited kahit pa nga madalas ay mga walang kwenta naman ang mga pasalubong nila sa isa’t isa.   
 
Dumaan muna sila sa condo ni Nikki para makaligo siya at makapag bihis saka sila dumeresto sa bar na paborito nilang puntahan, itinago muna siya ng dalawa at siniguradong wala doon ang mga kapatid niya bago siya hinayaan ng mga ito na mag saya, tulad ng nakasanayan ay wala silang plano na mag lasing, alam nilang maari nilang ikapahamak iyon lalo pa at pare parehas silang mga dyosa, walang tulak kabigin.
 
Hindi sila masyadong nag tagal sa kanilang kinauupuan at agad silang nag tungo sa dance floor, mahilig din kasi sumayaw ang dalawang ito, sa katunayan ay nakilala niya ang mga ito sa isang dance class na sinalihan niya noon, kaya sa tuwing mag babar sila ay hindi naman talaga alak ang dahilan nila kung ang makapag sayaw ng walang nakikiaalam. Hindi na nila namamalayan na alas dose na pala kung hindi pa nag announce ang DJ. Sa bar na iyon ay mas nagiging wild ang theme pag sapit ng 12 mn, minsan ay may mga nag hahalikan at nag me-make out na mga lovers sa bawat sulok at walang pakialam kahit maraming tao, dati ay nakikipag laplapan din siya sa mga nagiging jowa niya sa loob ng bar na ito, wala namang problema dahil lahat ng tao dito ay wild kaya walang maninita o hindi mo kailangang alalahanin ang sasabihin ng mga tao dahil halos lahat ng naroon ay ganun ang ginagawa. Dahil 12mn na, ay nag simula ng maging mas wild ang crowd, hinayaan lang nila ang mga tao sa kabaliwang gustong gawin ng mga ito basta silang talo ay masayang nag sasayawan sa gitna ng dance floor, wala namang pwedeng mamilit sa kanila doon, isa pa yon sa gusto nila dito, hindi pwedeng pilitin ng mga lalaki ang mga babae kung ayaw nilang makipag landian at gusto lang sumayaw katulad nila ng mga kaibigan. Kasalukuyan siyang gumigiling ng maramdaman niya ang mahigpit na pag hawak ng kung sino sa kanyang bewang.
 
“Oh ow!” sabay na wika ng dalawa niyang kaibigan na napahawak pa sa mga bibig nito, dahan dahan namang nanlaki ang kanyang mga mata ng maunawaan ang reaction ng dalawang babae.
 
“As far as I can remember, you are grounded, so what are you doing in this place woman?”  

(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon