Fire woke up still feeling sleepy, inabot niya ang cellphone na nakapatong sa bandang uluhan to check kung anong oras na, hindi na siya nagulat ng makitang 10am na, inaasahan na niyang late siyang magigising dahil ala una na ng madaling araw siya nakatulog kagabi. Sobra sobrang kahihiyan ang naramdaman niya kagabi kaya hindi agad siya dalawin ng antok, idagdag pa na hindi na bumalik ang lalaki sa cottage nila simula ng iwan siya nito doon. Nilingon niya ang kabilang side ng kama para tignan kung nandoon ba ang lalaki pero wala ito doon, wala ring palatandaan na may nahiga sa tabi niya, saan kaya nag punta ang lalaking iyon tanong niya sa isip. Baka nagalit nanaman yon dahil sa nangyare kahapon eh hindi naman niya iyon sinasadya, malay ba niyang nakalas na pala ang pag kakatali niya ng swimsuit na suot niya, mabuti nga bra lang ang natanggal, what if pate panty diba? tsaka aarte pa ito eh kitang kita naman niyang enjoy na enjoy ito sa view, nakailang lunok pa nga ng laway ang pakipot na Pulis.
Wala namang mangyayare kung patuloy niyang iisipin ang kahihiyang sinapit, nangyare na at hindi na niya iyon mababago kahit ibaon pa niya ang sarili sa buhangin, nakita na nito ang dibdib niya. Ano naman ngayon kung nakita nito? Maganda naman ang dibdib niya, hindi man iyon kasing laki ng mga dibdib nila ate Monique niya pero may ibubuga naman ang hinaharap niya hindi rin siya pakakabog kung dibdib ang usapan, tsaka si Puma naman ang nakakita, eventually ay makikita rin naman nito iyon pag mag asawa na sila. Masyado lang nag marunong ang alon sa dagat kahapon at pinangunahan na siya, ayon hinubaran siya, kasalanan talaga iyon ng maharot na dagat eh pero okay narin siguro iyon sabi niya sa isip para makalimutan ang hiyang nararamdaman. Bumaba siya ng kama at dumeretso sa comfort room na nasa loob lang din ng cottage nila to do her morning rituals, ng matapos na siya ay muli siyang nag suot ng two piece, pero this time, sinigurado niyang maayos at mahigpit ang pag kakatali ng mga iyon, mahirap na baka sumpungin nanaman ang pagiging pakealamera ang alon eh idamay na pate panty niya, baka hindi nalang laway ang malunok ni Puma pag nag kataon baka pati siya ay malunok na nito ng buong buo.
Lumabas siya ng cottage at nag palinga linga para hanapin ang lalaki, saan kaya natulog ang isang iyon? Hindi ba talaga ito bumalik ng cottage, ng hindi niya nakita ang hinahanap ay sinubukan niya itong tawagan, mabuti nalang at may signal sa islang iyon kaya pwede niyang tawagan ang lalaki, three rings bago nito sinagot ang tawag niya.
“Where are you? Where did you sleep last night? Hind kaba bumalik sa cottage?” sunod sunod niyang tanong dito.
“Bumalik ako pero tulog kana, pag gising ko tulog ka parin kaya hindi na kita ginising dahil alam naman natin parehas na tulog mantika ka” sabi nito sa kanya.
“Bakit parang walang nahiga sa tabi ko? Any ways hayaan mo na yon, wag mo ng sagutin, nasaan ka naba? Nagugutom na ako, kain na tayo” pag aaya niya dito
“Okay, punta kana doon sa kinainan natin kahapon doon nalang tayo mag kita” sabi nito sa kanya bago pinatay ang tawag.
“Kita mo tong lalaking ito, nakakita lang ng dibdib naging bastos na, hindi man lang nag babay, walang respeto sa dyosa” napatirk nalang ang mata niya dahil sa ginawa ng lalaki, gayon pa man ay nag simula na siyang mag lakad papunta sa kainan para makakain na sila, nagugutom na talaga siya. Pag dating niya doon ay naroon narin ang lalaki, namimili na ito ng kakainin nito kaya tinabihan niya ito.
“May napili kana?” tanong niya sa lalaki
“Yes, inihaw na sugpo ang gusto ko, ikaw anong gusto mo?” tanong nito sa kanya.
“Yong inihaw na isda nalang” hindi niya alam ang tawag sa isdang iyon kaya itinuro nalang niya sa babaeng nag aasist sa kanila, tapos ay nag hanap na siya ng mauupuan nilang dalawa, si Puma naman ay bumili ng buko tsaka ng mineral water nilang dalawa, binigyan niya ito ng pera pambayad pero tumanggi na ang lalaki, ito na rin ang nag bayad ng pagkain nila kanina, mukhang ayaw nitong mag palibri sa kanya kaya hinayaan na lang niya, baka matapakan pa niya ang ego nito. Mapera naman ito kaya walang problema kung ito ang mag babayad. Nang makaupo ito sa harap niya ay agad niyang nilantakan ang buko juice na dala nito, nauuhaw na kasi siya.
“Saan ka nag punta?” pag bubukas niya ng usapan.
“Diyan lang” tipid nitong sagot
“Saang diyan lang?” tanong ulit niya dito dahilan para mapatingin ito sa kanya.
“What? Bawal bang itanong kung saan ka galing?”
“Nag lakad lakad lang ako, wala akong particular na pinuntahan” sabi nito
“Okay” mag sasalita pa sana siya ng may marinig silang tunog kasunod ng isang announcement, napangiti siya, nakakatuwa naman na may mga pa activity rin pala sa islang iyon, akala niya ay walang mga ganung activity sa isla dahil hindi naman iyon kilala, meron daw live band na tutogtog mamaya sa may dalampasigan at mag kakaroon ng party, may mga local resident na mag pi-perform at mag se-serve ang management ng isla ng mga alcoholic drinks.
“Ang saya mo dahil kahit dito makakapag party ka” sarcastic na tanong ng lalaking kaharap. Sakto namang isinerve ang order nila, hinintay muna niyang matapos ang babae sa pag lagay ng mga pagkain nila bago niya ito sinagot.
“Well what can I say? I love night life, you get to know different people, nakakatuwa na may pa-party sila dito sa isla, I never expected that, hindi naman kasi kilala itong isla na napili mo”
“Hindi ko rin alam na nag daraos pala sila ng mga ganung activity dito, pero okay narin at least hindi naman sya ganun ka boring” sabi nito.
“kung na bo-bore ka pala sa mga ganitong klase ng bakasyon, bakit ito ang pinili mong premyo?” pag uusisa niya dito.
“I just want to have a little piece, masyadong magulo sa trabaho kaya naisip ko maganda kung paminsan minsan ay pupunta ako sa mga lugar na mag bibigay sakin ng kapayapaan” paliwanag nito. Oo nga pala, Pulis nga pala itong si Puma, at palagi itong naaassign sa mga filed works, hindi katulad ng ibang pulis na nasa office lang.
“Your job must be really tiring and dangerous too, hindi ka manlang ba nag aalala na baka mapahamak ka dahil diyan sa trabaho mo?”
“No, I am happy with my job, I am happy helping the least fortunate people to get the justice they deserve, after all death is given, lahat naman tayo darating doon, kahit natutulog ka pag oras mo na oras mo na talaga” sabi pa nito.
“Yeah, it’s true naman, no one can prevent that from happening, but how about the people around you? Yong mga nag mamahal sayo? They will surely suffer great loss if may mangyaring masama sayo diyan sa trabaho mo” sabi niya habang patuloy na kumakain. Natahimik naman ang kausap niya kaya napa angat siya ng tingin dito, only to see him looking at her intently. Nginitian naman niya ito bago nag patuloy ulit sa pag kain.
Hindi na muling nag salita ang lalaki, nanatili nalang itong tahimik pag katapos niyang sabihin iyon, isang tanong isang sagot kaya hindi narin niya ito kinulit pa. Napag pasyahan nilang mamasyal sa paligid ng isla para mag palipas ng oras, tahimik lang silang nag lalakad hanggang sa makarating sila sa area na bilihan ng mga souvenir. Nakangiti siyang nag hanap ng pwede niyang bilhin para sa mga kaibigan at mga kapatid, kasalukuyan siyang namimili ng ibibigay niya kay Xi ng lumapit sa kanya si Puma.
“Ang dami mo namang pinamimili, madami ka bang papasalubungan?” tanong nito sa kanya.
“Hindi naman, Sila mama at papa lang sila kuya tsaka sila ate Monique at Ate Chelle tapos sila Nikki and Mina then si Xi” sabi niya ng damputin niya ang kwentas na native ang design.
“Ale, magkano po ito?
“100 lang yan mam, magugustuhan po yan ng boyfriend ninyo” sabi ng tindera.
“Sige po bibilhin ko” sabi niya dito saka abot ng bayad niya.
“Kanino mo naman yan ibibigay? Diba wala ka namang boyfriend ngayon?” tanong ng kasama niya.
“Para to kay Xi” nakangiti niyang sagot sa lalaki bago niya itinago ang biniling kwentas sa bag na binili lang rin niya sa isang tendahan na nadaanan niya kanina, pagkatapos ay hinila na niya si Puma para tumingin pa sa ibang tindahan na naroon.
“Boyfriend mo ba ang Xiron na yon?” biglang tanong sa kanya ni Puma na ikinatingin niya dito, seryoso ang mukha nito kaya di niya napigilan ang mapatawa ng malakas.
“Are you serious?” tanong niya dito habang tumatawa parin
“Do I look like I’m kidding Sapira?” seryoso talaga ito kaya napatigil siya sa pag tawa.
“What makes you think na boyfriend ko si Xi?” tanong niya dito na nakangiti parin
“Eh halos lahat ng binibili mo para sa kanya eh, wala ka manlang binili para sakin” seryoso parin nitong turan kaya muli siyang natawa.
“Oi selos sya” pang aasar niya dito saka bahagyang binungo ang balikat nito gamit ang sariling balikat.
“I’m serious Fire, sagutin mo ang tanong ko” sabi naman nito sa tonong nag babanta. Bumuntong hininga naman siya saka may hinanap sa bag na dala niya, ng makita niya ang hinahanap ay kinuha niya ang kamay ng lalaki saka isinuot sa pulsuhan nito ang binili niyang bracelet para dito kanina.
“Ayan, binili ko yan para sayo, don’t worry kahit suplado ka sakin hindi kita makakalimutan, and to answer your question, hindi po, Hindi ko boyfriend si Xi, hindi kami talo nun, kaya wag ka nang mag selos okay?” sabi niya dito bago nag lakad ulit papunta sa kasunod na tindahan. Pigil na pigil niya ang tumili dahil sa sobrang kilig, parang gusto na niyang maihi sa sobrang kilig sa isiping nag seselos ito kay Xi. Kalma self, don’t expect too much, malayo pa ang gagapangin mo para mapaibig mo si mamang pulis, medyo saway niya sa sarili, pero hindi talaga niya mapigilan ang pag silay ng masayang ngiti sa kanyang mga labi.
PAG sapit ng gabi ay excited siyang nag handa para sa gaganaping party, bumili pa siya ng bagong swim suit kanina para sa party na pupuntahan nila ngayon, hindi naman niya kailangang mag make up dahil hindi naman bagay na mag make up pa siya dahil nasa beach sila at wala sa bar.
“Wala na bang mas ililiit pa iyang sut mo Fire? Two piece na nga lang yan ang liit liit pa, nahiya kapa di sana nag hubad ka nalang” iritable nanamang saway sa kanya ng kasama.
“Alam mo ikaw Puma, kahit kalian ang KJ mo eh noh, party ang pupuntahan natin tsaka nasa beach tayo alangan naman mag gown ako dito”
“You don’t need to wear a gown pero kailangan ba talaga ganyan kaliit yang two piece mo?” unting galaw mo lang lalabas na ang nipple mo diyan eh”
“Ang OA mo naman, di ba pwedeng areola muna bago ang nipple? nipple agad?” pang aasar niya sa lalaki.
“Ewan ko sayong babae ka, mag suot ka ng kahit anong ipang tatabon mo diyan sa katawan mo o hindi ka makakalabas ng cottage na ito, wag mo akong subukan Fire” seryoso nitong turan
“Yes sir” nakangiti niyang turan bago kinuha ang dala niyang cover up na sobrang nipis.
“Nag cover up kapa, anong tinakpan niyan?” sita nanaman ng kasama niya kaya sinimangutan niya ito.
“Sabi mo kahit ano, tapos ngayon mag rereklamo ka?”
“Sabi ko pantabon, anong tinabunan niyan?”
“Di t-shirtt nalang” sabi niya rito sa naiiritang tinig
“That’s better, madami akong dalang t-shirt diyan mag t-shirt ka, hindi yong palagi mo nalang binabalandra yang katawan mo” panenermon pa nito sa kanya
“Are you serious? Pag susuotin mo talaga ako ng t-shirt?”
“Oo, ako na nga ang kukuha para sayo” sabi nito sabay alis sa may pinto para kumuha ng t-shirt nito sa lalagyan, agad naman niyang sinamantala ang pag kakataon upang makaalis, mabilis siyang tumakbo palabas ng cottage, narinig pa niya ang malakas nitong pag tawag sa kanya pero wala siyang paki, tumawa lang siya habang tumatakbo hanggang makarating siya sa pinag dadausan ng party, medyo madami ng tao doon ng dumating siya, hindi naman nag tagal ay nasa likod na niya si Puma.
“Fuck, ang tigas talaga ng ulo mong babae ka, masasakal na kita eh” naiirita nitong turan na nginitian lang niya.
“Don’t be KJ okay, lets enjoy the night nalang kasi, tsaka ikaw naman ang kasama ko eh ano bang problema mo?” bumuntong hininga na lang ang lalaki saka muling nag salita.
“Wag na wag kang lalayo sa tabi ko maliwanag?” utos nanaman nito na ikinatirik ng mata niya, napaka higpit talaga ng lalaking to, minsan daig pa ang mga kuya niya kung mag higpit, mabuti nalang matigas ang ulo niya, kaya madalas ay wala rin itong nagagawa.
“Opo sir” sagot nalang niya dito.
The party started, hindi iyon kasing ingay ng mga beach party na napupuntahan niya pero masaya parin naman, maraming tao ang nag katipon tipon doon upang makisaya sa lahat, may mga sumasayaw sa kabilang bahagi, inaya niya ang kasama na sumayaw pero nakapa KJ nito ay hindi siya pinayagan na sumayaw, kaya ayon nag kasya nalang siya sa panoood ng mga sumasayaw habang umiinom ng alak.
“Hey, stop drinking already, nakakarami ka ng inom” saway nanaman nito sa kanya.
“Alam mo, nakakainis kana, kanina kapa bawal ng bawal eh, lahat nalang bawal sayo” nakasimangot niyang sagot dito, mabuti nalang at hindi na ito nag salita pa at hinayaan nalang siyang uminom.
“Dito ka lang okay, I will just get us some food, para hindi yang alak ng alak ang binabanatan mo” sabi nito pag kalipas ng ilang sandali.
“Okay” sagot niya sa lalaki habang nakatingin sa banda na tumutogtog sa di kalayuan. Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin bumabalik si Puma kaya muli niyang binuksan ang isang lata ng alak para inumin, pero naubos nalang niya iyon ay hindi parin bumabalik ang lalaki kaya nag taka na siya, lumingon siya sa gawi ng mga nag titinda ng pulutan at iba’t ibang pag kain upang hanapin ang lalaki, hidi niya napigilan ang pag ahon ng inis sa puso niya ng makita ang lalaki na nakikipag tawanan sa isang babae.
“Hhmmpp, kung makapag bawal sakin na dumikit sa ibang lalaki akala mo jowa ko sya tapos ngayon siya ang makikipag landian sa iba” naiirita niyang wika, sa sobrang inis ay tumayo siya at pumunta sa mga taong nag sasayawan, bakit niya susundin ang lalaking iyon kung ito nga mismo hindi mapigilan ang sariling makipag landian. Sinimulan niyang gumiling sa gitna ng mga nag kakasiyahang mga tao, and in just a minute ay may lalaki na agad na nakipag sayaw sa kanya, nginitian siya ng lalaki kaya nginitian din niya ito, medyo tinamaan na siya ng ininom na alak kaya nagiging wild na ang bawat indak ng kanyang katawan, naramdaman niya ang paghawak ng lalaking kasayaw sa kanyang bewang na hinayaan lang niya, bahagya siya nitong hinila palapit dito pero sinigurado niyang may distansya padin ang katawan nilang dalawa, ikinawit niya ang dalawang kamay sa balikat ng lalaking kasayaw, hindi narin masama dahil gwapo din naman ang lalaki at matangkad din kaya nag patuloy siya sa pakikipag sayaw dito. she is enjoying dancing with the stranger ng may bigla nalang humila sa kanya dahilan para mapasandal siya sa matigas na dibdib na iyon, hindi na niya kailangang tignan kung sino ang humila sa kanya dahil amoy na amoy niya ang pamilyar nitong amoy dahil halos mapayakap na siya dito dahil sa biglaan nitong pag hila sa kanya. Mag poprotesta pa sana siya ng bigla nanaman siya nitong hilahin papunta sa kanilang cottage.
“Didn’t I told you to stay? Bakit ka nakikipag sayaw sa kung sino sino? Tapos hinahayaan mo pa siyang tyansingan ka” panenermon nito sa kanya ng makapasok na sila sa loob ng cottage.
“Ano bang problema mo Puma? bakit ako bawal makipag sayaw sa ibang lalaki tapos ikaw pwede makipag landian sa ibang babae? Where’s the justice in that?” mataray niyang sagot sa lalaki.
“Anong landian ang pinag sasabi mo?” tila nag tataka nitong tanong sa kanya.
“I saw you talking with a woman, sabi mo kukuha kalang ng food tapos ang tagal tagal mo bumalik yon pala nakikipag flirt ka doon sa babaeng hindi naman kagandahan” sabi niya dito na ikinatigil nito.
“Kaya kaba nakipag sayaw sa lalaking iyon?”
“Yes, kung ikaw pwedeng makipag landian sa iba bakit mo ako binabawalan?”
“Fire it’s not what you think it is” mahinahon na nitong turan, nag lakad siya palapit sa lalaki at inilagay sa bewang niya ang dalawa nitong kamay tapos ay ikinawit niya ang dalawang braso sa balikat nito saka sinimulang gumalaw para igiya ito sa pag sayaw, rinig pa naman mula sa cottage nila ang malamyos na tugtoging pinatutogtog ngayon ng banda, saktong sweet music na ngayon ang tinutogtog ng mga ito, kanina kasi ay halos panay rock.
“Explain” sabi niya sa lalaki saka lalong idinikit ang katawan dito, bahagya siyang nakatingala at ito naman ay nakayuko sa kanya.
“She just talked to me, kabastusan naman kasi kung basta ko nalang siyang iiwan kaya nakipag usap narin ako saglit”
“Saglit? Eh ang tagal mo kaya tapos nakita kita pa tawa tawa kapa” sabi niya dito na bahagya pang tinusok ang pisnge nito bago muling ibinalik ang kamay sa balikat nito dahilan para mapangiti ang lalaki.
“I’m sorry hindi ko napansin na natagalan pala ang pakikipag usap ko sa kanya, but I did not flirt with her” sabi pa nito na ikinasimagot naman niya.
“Sus, hindi raw, ikaw na nga ang nag sabi na hindi mo namalayang napatagal na ang usapan ninyo, meaning you enjoyed conversing with her” pag papatuloy naman niya, naramdaman niya ang maslalong pag hapit nito sa kanyang bewang dahilan para mas lalong mag dikit ang kanilang mga katawan, she can feel the heat that is coming from his body.
“I’m sorry, nag usap lang talaga kami, nahirapan din kasi akong mag paalam sa kanya kasi sabi niya wala siyang kasama at medyo nahihiya daw siyang makipag usap sa iba”
“Sus, paraan niya lang yon to keep you by her side, nahihiya makipag usap sa iba eh bakit di nahiyang kausapin ka?”
“Okay, I’m sorry! wag ka nang mag tampo, muntik ko na rin naman masapak yong kasayaw mo, bakit hinayaan mo siyang hawakan ka?” biglang naging seryoso ang mukha nito na ikinangiti niya, bahagya niyang hinila ang batok ng lalaki palapit sa kanya bago siya nag salita.
“Sa susunod Mr. Police Officer, kung ayaw mong may ibang lalaking lumalapit at humahawak sakin, wag kang makikipag landian sa iba” sabi niya dito bago tuluyang hinila ang batok nito at pinag lapat ang kanilang mga labi. Happiness washed over her ng agad na gumalaw ang labi ng lalaki sa oras na mag dikit ang kanilang mga labi. Mabilis nitong ipinasok ang dila sa loob ng kanyang bibig at nag lumikot doon na tila ba may hinahanap ito, sinalubong naman niya iyon gamit ang sariling dila dahilan para sabay silang mapaungol.
“uuuhhhmmmm” ungol nila parehas, naramdaman niya ang mas lalong pag higpit ng yakap nito sa kanyang katawan, naramdaman din niya ng pag landasin niya ang isang palad sa kanyang bewang papunta sa kanyang tiyan at marahan humaplos doon.
“Fire” tawag nito sa kanyang pangalan bago pinag landas ang labi nito pababa sa kanyang leeg dahilan para mapaliyad siya, kakaiba ang koryenteng dumaloy sa kanyang katawan ng pagapangin nito ang labi sa kanyang leeg, naramdaman niya ang pag lapat ng kanyang likod sa malambot na kama kasunod ng marahan nitong pag pisil sa kanyang dibdib dahilan para mapasabunot siya sa buhok nito.
“Aahhhh” muli niyang ungol dahil sa sensasyong bigla nalang umataki sa kanyang kaibuturan.
“Fuck Fire, what are you doing to me?” tanong nito bago isinubo ang dungot ng isa niyang dibdib dahilan para mapaliyad siya ng husto at lalong mapaungol ng malakas, sobra sobra ang sarap na nararamdaman niya sa ginagawa nito sa kanyang katawan, she is enjoying every minutes of what his doing to her body parang gusto niyang kumanta nang “Starving by: Hailee Steinfeld & Grey FT Zedd” dahil dito. Ngunit tulad ng unang beses silang nag halikan ay unti unti nanamang tinangay ng kadiliman ang kanyang ulirat hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...