“WHAT ARE YOU DOING HERE?” Malamig pa sa yelo na tanong ng lalaki sa kanya dahilan para maantala ang dapat ay pag tataray niya. Nalaman niyang nung nakaraang araw pa pala nakauwi ang lalaki mula sa mission nito pero ni hindi man lang ito nag paramdam sa kanya, well hindi naman ito multo para mag paramdam pero wala man lang itong text o tawag kahit chat para lang ipaalam sa kanya na nakabalik na ito ay wala. Kung hindi pa niya narinig na nag uusap ito at ang kuya niya kanina sa telepono ay hindi pa niya malalamang nakabalik na pala ang lalaki, kaya naman dali dali siyang sumugod sa condo nito para sana i-confront ang ito, pero imbes na siya ang magalit at mag tampo dito ay ito pa talaga ang may ganang magalit. Ni hindi manlang siya binati basta nalang siyang sinupladuhan, kung akala nito ay matitinag siya? nag kakamali ito, siya ang dapat na nagtatampo dito, he owns her an explanation kung bakit hindi man lang ito nag sabi na tapos na ang mission nito, taas nuo niyang tinignan ang lalaki bago nag salita.
“Why didn’t you tell me your home already?” mataray niyang tanong dito, nakataas pa ang isa niyang kilay dito.
“Why would I tell you? sino kaba?” tanong nito na ikinakunot ng nuo niya, something is not right, hindi ito basta lang nag susuplado ngayon, his eyes where void of any emotions, hindi niya maintindihan pero medyo kinabahan siya sa ina-akto ng lalaki, nanikip din bigla ang dibdib niya dahil sa tanong nito kaya napahawak siya sa sariling dibdib. Pakiramdam niya ay sinaksak siya doon ng ilang ulit, ang sakit, parang gustong tumulo ng luha niya bigla, pero pilit niyang pinatatag ang loob, nakakunot ang nuo niyang hinarap ang lalaki matapos niyang hamigin ang sarili.
“I’m your girlfriend, diba? hindi lang natin napag usapan ng maayos nung gabing iyon kasi may biglaan kang lakad, pero diba tayo na” pag komperma niya sa lalaki, baka nakalimutan lang nito, naka hithit siguro ito ng sangkaterbang pulbura habang nasa mission ito kaya nakalimutan nito na sila na, hindi pala maganda na pinapahawak niya ito ng baril nag kaka amnesia ang lalaki, she made a mental note to confiscate Puma’s gun, hindi maganda ang effect sa lalaki.
“I don’t know what you’re talking about” sabi nito sabay talikod sa kanya at pumasok sa kusina. Mabilis siyang sumunod sa lalaki, kahit pakiramdamn niya ay unti unti ng bumibigay ang tuhod niya, ang plano niyang pag tataray dito ay tuluyan ng nawala sa isip niya, ang mahalaga nalang sa kanya ngayon ay ang mag kalinawan silang dalawa, she needs to make thing clear, ano yon? Nag assume lang ba siya? pero naramdaman talaga niya na pumayag na ito. Hindi niya maintindihan kung ano itong inaakto ng lalaki ngayon, dahil nung mag hiwalay sila ay maayos naman sila masaya sila actually, hinalikan pa nga siya nito sa labi bago ito tuluyang nag paalam, hindi yon basta halik lang torrid kaya yon, tapos ngayon biglang ganito. Tumayo siya ng tuwid sa harap ng lalaki ng kasalukuyang umiinom ng tubig, matiim siyang nakatingin dito habang hinihintay na matapos itong uminom.
“Leave Fire” sabi nito sa malamig paring tinig bago siya akmang lalampasan pero humarang siya sa daraanan nito. Hindi siya si Fire kung basta-basta nalang siyang makikinig dito kaya nanatili siya sa kinatatayuan at nakipag sukatan dito ng tingin, hindi niya maintindihan kung ano bang nagawa niya bakit parang galit ito sa kanya ngayon.
“I said leave” matigas nitong turan.
“No! let’s talk, Ano to Puma? nag iinarte ka nanaman? Nag papakipot ka nanaman? Bakit bigla ka nanamang malamig sakin? Why are you mad? I thought were okay, I waited for you so we can finally discuss our relationship. Kaya ako pumunta dito, kasi nag tatampo ako na ilang araw kana palang nakabalik pero hindi ka manlang nag sabi sakin. I don’t remember doing something to deserve this treatment that you are giving me now. What’s the problem? Last time okay na tayo diba, pumayag kana diba? tayo na diba? you even kissed me goodbye and now this? Did something happen? Tell me” sabi niya dito sa medyo garalgal na tinig, she is frustrated okay, maayos sila eh, then all of the sudden cold ito sa kanya.
“I don’t remember having a relationship with you Fire” malamig nitong tugon.
“But you said—” hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin “B-but you k-kissed me” nakayuko niyang turan, she is trying to ransack her brain for something, pero wala siyang mahagilap sa isip niya, wala naman kasi talaga itong sinabi na sila na pero action speaks louder than words diba, sabi nito he will give her what she want.
“I told you not to play with me, didn’t I? but you never listened! I told you not to play with fire you might get burned, I warned you but you are stubborn like a mule, so I just gave you what you want, nilaro ko lang ang larong sinimulan mo! hindi ko na kasalanan kung nag assume ka na tayo na, dahil walang tayo at walang magiging tayo” madiin nitong turan dahilan para mas lalo siyang mapayuko kasabay ng pag tulo ng luha sa mga mata niya.
“But I wasn’t playing with you, mahina niyang turan, I was serious with you, I really love you Puma” pag tatapat niya dito “Matagal na, mahal na mahal kita! I’m doing my best to seduce you because I want you to notice me, I was hoping that you will somehow realized that I’m not a kid anymore. That I’m more than just your best friends’ sister, umasa ako na pag ginawa ko ang mga yon ay mamahalin mo rin ako, and I felt it, naramdaman kong nag tagumpay ako, you are sweet to me, you care for me, you treated me like I’m the most special woman in your life, nag kamali ba ako?”
“You know the answer to that Fire”
“No! I don’t!” pasigaw niyang turan bago ito muling tinignan, wala na siyang pakialam kung umiiyak siya ngayon sa harap nito, god! she never even once cried like this for a man, she never did those things she did to Puma to other man. Siya ang hinahabol, ang mga lalaki ang nag mamakaawa na pansinin niya, but now she is willing to forgetting about herself worth, wala na siyang pakialam kahit mag mukha siyang despirada sa harap ng lalaking ito because he is Puma, the only man she ever love, nakahanda siyang ibaba ang sarili para sa lalaki and it pained her. It pained her more than she could imagine that she need to go this low for the man she love, but then she wanted to tell her self that it’s okay because it’s Puma kahit alam niyang hindi na tama itong pag papakababang ginagawa niya sa harap nito, she will still do it. Because she can and she will do everything for him, for Puma she is willing to loss everything.
Marahan niyang inabot ang kamay nito, hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata nito “Ang alam ko mahal mo rin ako dahil yon ang nararamdaman ko! yon ang ipinaramdam mo sakin, kaya yon ang pinaniwalaan ko. Kung hindi mo ako mahal hindi mo gagawin yong mga ginawa mo para ma protektahan ako, you will not care for me. Tell me, what’s wrong? Bakit mo sinasbai ang mga ito sakin? Sila kuya ba? do you want me to talk to my brothers, I will d--”
“I don’t love you and I will never love you!” putol nito sa mga gusto pa sana niyang sabihin “Contrary to what you think, hindi kita mahal Fire, hindi ka special sakin, I hate you guts, akala mo lahat ng lalaki pwede mong pag laruan? akala mo lahat ng lalaki kaya mong pasunurin sa gusto mo at paikutin sa mga kamay mo! Pwes hindi ako. Hindi mo na ako mapapaniwala, I don’t like your kind! Kapatid ka lang ng mga kaibigan ko kaya pinakikisamahan kita at kaya rin hindi pa kita kinakaladkad palabas ngayon, but that doesn’t mean that I love you! Hindi kita mahal at hindi kita mamahalin kahit kalian! Hindi ko gusto ang mga katulad mo na kung kanikaninong lalaki sumasama! Matapos mong landiin ang isa ay sa iba ka nanaman sasama! your acting like a slut and now you will come to me asking me what’s the problem? The problem is you and your definition of yourself, you think too high of yourself and I hate it.” matigas nitong turan bago binawi ang kamay nitong hawak parin niya saka siya nilampasan.
Siya naman ay natulos sa kinatatayuan, parang namamanhid ang buo niyang katawan, sobrang sakit ng kanyang puso, naninikip ang dibdib niya, walang tigil sa pag tulo ang kanyang mga luha. Masakit ang mga salitang binitawan nito, hindi niya kailan man naisip na ganun kababa ang tingin nito sa kanya. Yong ibang tao at lalaki oo alam niyang ganun ang tingin sa kanya, pero hindi niya inaasahan na pati pala ito ay ganun din ang tingin sa kanya. Nanghihina siyang napasandal sa dingding at pagak na natawa habang patuloy na lumuluha. She just confessed her feelings for him, and he dump her in the most painful and humiliating way. Hindi niya alam kung papano siyang nakalabas ng condo ng lalaki at kung papano siyang nakarating sa kanyang studio, hindi rin niya alam kung bakit doon siya pumunta, ang alam lang niya ay gusto niyang mapag isa, siguro kailangan niyang sumayaw para kahit papano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Mabilis siyang tumakbo papunta sa elevator, dere-deretso siya sa kanyang private room, agad niyang tinungo ang sound system at basta nalang nag patogtog ng kung ano, hindi na siya namili ng musika ang tanging nasa isip lang niya ay ang tanggalin ang sakit sa kanyang dibdib, pakiramdam niya ay sasabog na iyon ano mang oras, napaka bigat ng kanyang pakiramdam, hindi pa niya ito nararanasan sa tanang buhay niya, ngayon palang sa lalaking ilang taon niyang inalagaan sa kanyang puso.
Nang magsimula ang togtog ay hinayaan niya ang sariling katawan na gumalaw ayon sa gusto nito kasabay ng mabilis na togtog ng musika, hinayaan rin niya ang patuloy sa pag daloy ng kanyang mga luha, hindi na siya nag abalang punasan iyon sa halip ay itinuon niya ang buong pansin sa pag sasayaw, pilit niyang iwinawaksi ang ginawang pag papakababa kanina at ang mga masasakit na salitang binitawan ng lalaki kanina. She wanted to forget everything and if crying while dancing will ease the pain that is now killing her very slowly, then she will dance till her hearts content. Seconds have turned into minutes and to hours, pinag papawisan na siya ng husto, nakakaramdamn narin siya ng pagod at panghihina, pero ni hindi manlang nababawasan ang sakit na nararamdaman niya kaya nag patuloy siya sa walang dereksyong pag indak hanggang sa kusa ng bumigay ang kanyang katawan dahilan para bumagsak siya sa sahig. Pulang pula na ang kanyang talampakan, nanginginig rin ang kanyang mga tuhod at ang buong katawan niya sa sobra ng pagod, pero hindi parin nawawala ang matinding sakit na nararamdaman niya kaya naman pinilit niyang tumayo upang muling sumayaw, ngunit muli lang siyang natumba, makailang ulit niyang sinubukan ngunit sa bawat pag kakataon ay kusang bumibigay ang kanyang tuhod at pasalampak siyang bumabagsak sa sahig.
“AAAAAhhhhhhhhhhh” malakas niyang sigaw ng muli nanaman siyang bumagsak ‘Bakit ayaw mong mawala? Bakit ayaw mong maalis” humahagolhol niyang tanong sa sarili habang malakas na hinahampas ang sariling dibdib. Hoping that by hitting herself the pain will go away, but she failed, dahil kahit anong gawin niya ay hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman. Umasa siya eh, umasa siya na sa wakas ay may katugon na ang damdamin niya para sa lalaki, pero umasa lang pala siya sa wala. Dahil hindi siya mahal ng lalaking matagal na niyang pinapangarap, at hindi siya nito mamahalin kahit anong gawin niya.
Ilang oras siyang nanatili siya sa pasalampak na posisyon sa sahig habang patuloy na umiiyak, hanggang sa wakas ay naubos din ang luha niya at kusa na iyong tumigil sa pag daloy. Ng pakiramdam niya ay manhid na ang puso niya ay muli siyang bumangon at marahang nag lakad papunta sa pinto. Her mother will be worried if she didn’t go home tonight, but she can’t go home looking like a mess, tahimik siyang nag lakad palabas ng studio, ni hindi na niya inintidi pang isara ang ang pinto niyon. Before she always walk with pride kaya palaging nakaangat ang kanyang ulo, pero ngayon, pakiramdam niya ay wala siyang karaparan kaya nakayuko lang siya habang nag lalakad, she is not in her normal self when she ride the elevator to go down the building, ramdam niya ang pagod ng katawan niya pero wala siyang pakialam, basta ng bumukas ang elevator ay nag lakad lang siya papunta sa kanyang sasakyan nan aka park kung saan. Naramdaman niya ang pag tayo ng isang tao sa kanyang tabi pero hindi niya ito pinansin, nag patuloy siya sap ag lalakad hanggang sa humarang ito sa kanyang daraanan. Wala sa sarili siyang nag angat ng mukha upang tignan kung sino ang humarang sa kanya pero bago pa man niya ito makilala ay may itinakip na ito sa kanyang ilong dahilan para mawalan siya ng ulirat.
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...