Chapter 2

824 18 0
                                    

Starting today, i will update every other day na po. Sa mga nasanay na almost everyday ang update ko minsan 2 chapters pa or more, pacencia na po, nagdagdagan ang work load ko, struggle is real sa pag update, but don't worry dahil di ko naman kayo iiwan ng bitin, sisiguraduhin kong lalabasan ay tatapusin ko pala ang story na ito.. 😋

Unedited.... enjoy reading

-------------------------------------------------------------
 


Fire is busy looking for a new set of lingerie, when she accidentally came across with Greta, her nemeses since high school, wala siya sa mood na mag aksaya ng oras sa babae so she disregarded the woman and kept on doing her business in that boutique. Kaso mukhang iba ang plano ng babae dahil bigla siya nitong hinablot sa braso dahilan para mapaharap siya dito.
 
“So, dito ka rin pala namimili ng mga lingerie mo, funny dito rin kasi ako namimili ng akin eh pero ngayon lang kita nakita dito” malandi nitong turan, malakas ang loob nito dahil kasama nito ang mga dabarkads nitong tulad nito ay mga retokada rin.
 
“So?” tanong niya sa babae, “tinatanong ba kita?” mataray niya ring sagot dito. nunkang mag patalo siya sa retokadang ito na sobrang felingera. Binigyan niya ito ng plastic na ngiti bago muling nag lakad palayo dito baka mahawa pa siya ng galis nito sa dila. Ito lang naman ang nag papakalat ng lahat ng maling balita tungkol sa kanya, at ang mga tao naman naniniwala agad sa mga sabi-sabi, mga tsismosa nga naman. Hinahayaan nalang niya, once tsismosa always tsismosa, isa pa mai-stress lang siya kakapaliwanag sa mga ito, they don’t matter to her anyway kaya bahala sila sa mga buhay nila, as long as the people around her knows the real her ay okay na siya doon.
 
“So may napili ka nabang bagong isusuot para sa mga panlalandi mo?” patuya nitong tanong sa kanya "Sino nanaman kaya ang aagawan mo this time?"
 
“Actually meron na! ito oh” sabi niya dito bago pakita sa hawak niyang two piece na basta lang niyang dinampot

“I think Luke will love to see me in this lingerie, ang kulit pala ng BF mo noh, he never stop sa pag papapansin sa halos lahat ng social media accounts ko, pano ba yan? Mukhang type ako ng jowa mo. Sabagay hindi naman nakakapag taka, i mean look at you? Everybody knows na peke ang halos lahat sayo, kaya naiintindihan ko si Luke kung gustuhin niya ang katulad kong natural ang pagiging dyosa” ngiting aso niyang turan sa babae. Kitang kita niya ang pag laki ng butas ng ilong nito sa sobrang galit, habang siya ay lihim na nag derewang.  

"Ohh wait, don't stretch your nose that much sige ka baka kumawala yan sa pag kakatahi, bagong gawa pa naman ata yan" pang uuyam pa niya sa babae, akala ng Greta na to, she is not called brat for nothing.
 
“How dare you? Hindi ako retokada at hindi pumapatol sa pinagsawaan na ng kung sino sinong lalaki ang boyfriend ko” medyo napalakas ang tinig ng babae ng sabihin iyon kaya medyo napatingin sa kanila ang ibang tao pati ang guard, ng mapansin naman iyon ng babae ay medyo kinalma nito ang sarili, salamat naman at mukhang ayaw din nitong gumawa ng eksena.

“As what I’ve said, hindi pumapatol sa tira tira ang boyfriend ko, asa ka namang magugustuhan ka niya” muli nitong sabi na sinuklian lang niya ng matamis na ngiti.
 
“Kung hindi siya pumapatol sa mga tira tira eh bakit naging kayo? Diba tira tira ka nalang naman” it was not a question, it’s a statement, may patunay siya dahil may scandal ito na minsang kumalat, mabilis lang din iyong nawala dahil maimpluwensyang tao ang kasama ng babae sa video.
 
“Sino ba sa ating dalawa ang may scandal? Ako o ikaw?” kapansin pansin ang pamumutla ng babae dahil sa mga sinabi niya, hindi marahil nito inaasahan na alam niya ang tungkol doon kaya nag patuloy siya sa mababang tinig.  Gusto lang niya itong ipahiya sa sarili nito pero hindi naman sa ibang tao kaya medyo lumapit pa siya dito para masigurong walang ibang makakarinig.
 
“Don’t be such a hypocrite Greta, we both know na sa ating dalawa ay ikaw ang pinag pasa pasahan na ng halos lahat ng kalalakihan, do you even wander why nag kakandarapa ang mga lalaki sa kagandahan ko? dahil takam na takam sila sakin, that’s what makes us different aside diyan sa mga retokada mong mukha at katawan. Natatakam sila sakin dahil hindi nila ako malawayan man lang habang sawa na sila sayo dahil tapos kana nilang lantakan. Kaya sa susunod bago mo ako akusahan, siguraduhin mo munang walang maipipintas sayo, at pag nananahimk ako, manahimik ka nalang din. You know me, hindi ako ang tipo ng babaeng tataluhin mo” sabi niya dito bago bumalik sa dati niyang pwesto, tinaasan niya ng kilay ang mga alalay nitong gusto mang sumabat ay hindi rin makasabat dahil pareparehas lang naman ang tatlong ito. bunch of hypocrite people.
 
Mas nilaparan pa niya ang pag kakangiti sa grupo nito bago dinukot ang kanyang cellphone at may hinanap doon.
 
“Just a piece of advice, paki rendahan ang kasintahan mo. Tell him na hindi ko siya type and his annoying so, he better fuck off coz I’m not interested” sabi niya bago inabot sa babae ang cellphone niya. Kung kanina ay namumutla ito, ngayon naman ay namumula ito sa galit, pano ipinabasa lang naman niya ang mga messages sa kanya ng kasintahan nito. The man was a flirt, galit siya sa mga ganong lalaki, she hates cheating in all form, madami na siyang nakarelasyon pero never niyang pinag sabay ang dalawang lalaki at never siyang nag cheat, mabilis lang siyang mag palit but thats not cheating, dahil sa tuwing papasok siya sa relasyon ay malaya siya sa ano mang commitment. Kaya naiirita siya sa Luke na iyon, dahil may kasintahan na eh nilalandi pa siya hindi naman gwapo, at kahit wala siyang pakialam sa babaeng ito na nasa harap niya ngayon ay deserve naman siguro nitong makahanap ng totoong mag mamahal dito. Well, siguro, she is only giving her benefit of the doubt dahil babae rin naman siya.  Ng tumulo ang luha ng babae ay inagaw na niya ang cellphone niya dito, baka ibato pa nito iyon, sayang ang mahal pa naman cellphone niya.
 
“Don’t worry, hindi ko naman siya pinansin, hindi kasi ako pumapatol sa mga pangit, please do tell him that, baka sakaling tubuan naman siya ng hiya sa katawan” yon lang at nag lakad na siya palayo sa mga ito.
 
Somehow, she felt guilty making Greta cry, pero kasalanan naman kasi nito, nananahimik siya kanina at ito ang nag simula. Ayan tuloy umataki nanaman ang kamalditahan niya, wala pa namang preno ang bibig niya at sobrang daldal niya kaya madami siya palaging nasasabi. Greta was her classmate way back in high school, hindi talaga sila close dahil hindi niya type ang ugali ng babae. Masyado itong inggetera at felling nito ay ang ganda ganda nito, well hindi naman nga pangit si Greta may itsura din naman ito pero lamang na lamang siya, as in milya milya ang lamang niya dito kung ganda ang pag uusapan kahit pa nakailang retoke na ito. Sa hindi malamang dahilan ay gustong gusto nitong makipag compete sa kanya sa halos lahat ng bagay, unfortunately ay hindi naman ito nananalo kahit anong pilit nito, dahilan para lalong lumalim ang inggit at galit nito sa kanya. Naaalala pa niya yong panahon na gustong gusto nitong manalo bilang muse ng class nila, kaya pa-simple nitong sinasabihan ang mga classmates nila na ito ang i-boto bilang muse. Kaso nung election na ay bigla siyang binoto ng isa nilang classmate na lalaki at siya ang nanalo. Galit na galit ito sa kanya noon pero wala din namang nagawa dahil malinaw namang walang dayaang naganap.
 
Despite the rivalry ay nanatiling civil ang babae sa kanya, kaya naging civil din siya dito, until magkaroon ng transferee sa kanilang school, Greta obviously like the guy, well okay lang naman sa kanya dahil iba naman ang gusto niya noon, panay ang papansin nito kay Seph na sa kanya naman nag papapansin at nanliligaw, pero dahil hindi talaga niya makuhang magustuhan ang lalaki at bawal pa siyang makipag relasyon ay binasted niya ito. At first ay sinabi nitong ayos lang at handa itong mag hintay kaya nag patuloy ito sa panliligaw, pero isang araw ay bigla na lamang itong tumigil at nabalitaan na lang niya na kasintahan na nito si Greta. The two looks happy together kaya ganun nalang ang gulat niya ng pag kalipas ng ilang buwan ay bigla na lamang siyang awayin ni Greta dahil inagaw daw niya si Seph dito and she is like, what the F? binasted nga niya tapos aagawin niya? Ano siya sira? Then she found out na ginawa lang pala itong panakip butas ni Seph at ng hindi nito nagawang mahalin ang babae ay basta nalang iniwan sa ere para muling manligaw sa kanya. Doon nag simulang mag pakalat ng kung ano anong masasamang balita ang babae patungkol sa kanya, na lalo namang nabigyan ng malisya ng mga tao simula ng mag umpisa siyang mahumaling sa mga daring na kasuotan.
 
DAHIL wala siyang nabili sa unang boutique na pinuntahan ay nag hanap siya ng ibang boutique, tahimik siyang nag titingin tingin ng may kumalabit sa kanya, nakangiti siyang bumaling dito para lang salubungin ng isang malakas na sampal. Napahawak siya sa nasaktang pisnge bago binalingan ang salarin.
 
“How dare you make up story against my boyfriend! I already called him, and he told me that you just made it up para mag hiwalay kami, ang kapal ng mukha mo palibhasa walang tumatagal sayo”
 
Gusto niyang matawa sa pinag sasabi ng babae, may sa tanga din pala ang isang ito, sinong kreminal naman ang aamin sa kremin niya? Diba wala. Pero mamaya na siya tatawa, pag napadugo na niya ang bibig ng bruha. Hindi siya mahilig makipag away lalo na kung physical ang usapan, pero ibang usapan pag una siyang sinaktan.
 
Walang sabi sabi niya itong binigyan ng isang malakas na suntok dahilan para matumba ang babae, nakakalimutan ata ng babaeng ito na marunong siya ng lahat ng uri ng martial arts dahil pinag aral siya niyon ng papa niya for self-defense, mahigpit ang bilin nito na wag gagamitin iyon sa mga kalokohan. Well, hindi naman ito isang kalokohan lang, she knows that her parents will understand her. Madaming nagulat sa ginawa niya, may ilan na napatili pa, ng makabangon ay susugurin pa sana siya ng babae pero agad na nakaharang ang guard sa kanila, siya naman ay nakatayo lang sa likod ng guard at matalim na nakatunghay sa babae na nag pupumiglas mula sa pag kakahawak dito ng guard. Ng medyo humupa na ang tension ay tumawag ng Pulis ang isa sa mga sales lady, Agad namang dumating ang mga Pulis at dinala sila sa presinto, kasalukuyan silang nag tatalo na dalawa ng bigla nalang dumating si Puma, hindi na siya nag tataka, Pulis ang kumag at kilala siya ng mga kaibigan nito na naka assign sa presintong pinag dalhan sa kanila kaya malamang ay may nag sabi dito na hinuli siya. Hindi narin siya mag tataka kung alam na ng mga kuya niya ang tungkol dito, sumbongero kasi itong bakulaw na ito.
 
“Sir, magandang hapon po, ano po bang nangyare dito sa dalawang ito?” magalang nitong tanong sa Pulis na umaasikaso sa kanila.
 
“kaano ano po kayo sir?”
 
“Kaibigan ko ho kasi itong si Fire sir, ano po bang kalokohan ang ginawa ng kaibigan ko?” Aba matindi, hindi lang ito sumbongero, assuming din, talagang siya agad ang inisip nitong gumawa ng kalokohan? Irita much! habang nakikipag usap sa kapwa Pulis si Puma ay napabaling naman siya kay Greta na nakaupo lang sa tapat niya. Alam niyang lihim na pinapantasya ng babae si Puma, noon pa man ay may tama na ito sa lalaki, ang kaninang bangis sa mukha nito ay dagling nag laho ng pumasok sa eksena ang lalaki at napalitan iyon ng tila nag papaawang anyo. Ang lakas ng loob na ipamalitang malandi siya eh ito kaya? Hay hypocrisy 101.

Inaasahan na niyang lalandiin nito si Puma at mag papaawa sa lalaki, hindi nga siya nag kamali, dahil binaliktad na siya ng babae, panay ang paawa nito sa lalaki na ikinaiirita niya ng husto. Gayon pa man ay nanatili siyang tahimik, kahit naman mag paliwanag siya ay walang mangyayare dahil hindi rin maniniwala ang lalaking ito sa sasabihin niya, mag sasayang lang siya ng laway at pagod.
 
“Tapos ka ng mag inarte?” tanong niya sa babae ng tumigil na ito sa wakas sa pag dadrama, inirapan naman siya nito na nginisihan lang niya bago bumaling sa Pulis, Ayaw na niyang i-stress ang sarili sa babaeng ito.  “Sir, can we now watch the CCTV footage? Para mag kaalaman na tayo dito kung sino samin ang nag sasabi ng totoo” malambing niyang turan sa Pulis na ikinadilim ng mukha ni Puma.
 
“Yes, ma’am siempre naman po tayo na sa loob” nakangiting turan ng pulis na inalalayan pa siyang mag lakad, iba na talaga ang maganda, sabi niya sa sarili, hindi naman nag loan ay nawala sa tabi niya ang pulis at pumalit ang mahaderong si Puma na agad bumulong sa tenga niya.
 
“Stop flirting with the man, baka mawalan yan ng trabaho dahil sayo” sabi nito sa mababang tinig, naiiritang tinignan niya ang lalaki “wag mo akong pakialaman” mataray niyang sagot dito.
 
Mag kakasama nilang pinanood ang footage at doon malinaw na nakita ang pag sampal sa kanya ni Greta, nag papaliwanag pa ito pero malinaw naman ang ibedensya kaya wala din itong nagawa. In the end, the Police Officer asked Greta to say sorry to her, nag aalinlangan man ay ginawa parin nito ang utos ng Pulis, ayaw narin naman niyang mag tagal doon kaya pinatawad na niya ang babae.
 
Inirapan pa siya nito bago pumara ng taxi at umalis sa lugar na iyon,  hmp plastic sabi niya sa sarili. Nang lingunin niya si Puma ay nakita niyang nauna na itong mag lakad papunta sa kotse nitong naka park sa di kalayuan, napaka talaga ng lalaki iyon, parang walang magandang kasama ni hindi manlang siya lingunin,  pwes hindi siya mag papaiwan, pasemple siyang sumunod kay Puma at mabilis na pumasok sa sasakyan nito ng marinig niya ang pag bukas ng pinto niyon. Tila nagulat naman ang lalaki sa pagpasok niya sa sasakyan nito kaya binalingan siya nito.
 
“What are you doing?”
 
“Wala dito ang car ko, take me back to the mall nandon ang car ko” walang ka abog-abog niyang utos sa lalaki na napabuntong hininga nalang sa kanya.
 
“Hindi ka manlang marunog makiusap? napaka spoiled mo talaga” sabi nito sa kanya dahilan para umikot ang eyeballs niya.

"Bla, bla, bla, bla, bla, bla. Ihahatid mo ba ako o Ihahatid mo ako? sabi niya dito na lalong ikinaasar ng lalaki.
 
“Pasalamat ka kapatid ka nila Brent kundi itinapon na talaga kitang babae ka” sabi pa nito sa kanya.
 
“Salamat” sarcastic niyang turan dito habang may ngiting aso na nag lalaro sa mga labi niya, bago ito tinaasan ng kilay “Oh ayan okay na?”
 
“Ewan ko sayong babae ka sumasakit ang ulo ko sayo” sabi nito bago pinausad ang sasakyan
 
“Saan banda? sa taas o sa baba?” tanong niya dito dahilan para mabulunan ang malaking mama ng sariling laway.

(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon