Enjoy reading my lovely luetians 😘
------------------------------
“WHAT?”
Bahagyang nailayo ni Fire ang kanyang mukha dahil sa lakas ng boses ni Puma, kapansin pansin din ang tila biglaang pag babago ng mood ng lalaki. Ang kanina ay nag susumamo nitong mukha ngayon ay napalitan ng pagka irita, hindi niya malaman kung tataasan ba niya ito ng kilay sa ginawa nitong pag sigaw o matatawa siya sa reaction nito.
“Ang ibig mong sabihin, matagal na kayong hiwalay ng Xiron na iyon? Bago pa man kita kunin sa Sweden ay nag hiwalay na kayo?” irritable nitong tanong sa kanya.
“Oo, ganun na nga, kailangan mo talagang sumigaw?” bigla kasing nag text sa kanya ang kaibigan at nakita iyon ng lalaki, kaya agad itong nakiusap sa kanya na hiwalayan na niya si Xiron, noon lang niya naalala na hindi pa nga pala niya nasabi sa lalaki na si Xiron na mismo ang tumapos sa kanilang relasyon, kaya sinabi niya ang bagay na yon sa lalaki. At ngayon nga ay pabalik-balik itong nag lalakad sa harapan niya habang tila pinipigil ang sarili na tirisin siya, ng mag sawa ito sa ginagawa ay humarap ito sa kanya at saka namewang, matiim siya nitong tinignan saka ito tumingla at inihilamos ang isa nitong kamay sa sariling mukha habang ang isa nitong kamay ay nasa bewang nito.
“So, bakit hindi mo sinabi? o may plano ka bang sabihin sakin? Tangina naman Fire, halos gabi-gabi akong nababaliw kakaisip ng paraan kung pano kita mapipilit na makipag break sa Xiron na yon, because I can’t wait to announce to the whole world that you are mine, tapos sasabihin mo sakin ngayon na matagal na kayong wala? Pagkatapos ng ilang buwan, ngayon mo lang sasabihin?” sa pag kakataong iyon ay ramdam niya na naiinis talaga ito.
“Well, hindi ko naman alam na iniisip mo pa ang bagay na iyon, tsaka nawala din talaga sa isip ko na sabihin sayo kasi hindi paba obvious? Pinapayagan kitang angkinin ako halos gabi gabi Puma ano ang tingin mo sakin masamang babae para tuloy tuloy na mag cheat kay Xiron kung sakaling karelasyon ko pa nga siya? and one more thing, you did not ask me about it, if it’s bothering you for so long now why didn’t you ask me?” Sagot niya sa lalaki.
“Do I really have to ask you that? Hindi ba dapat kusa mo nalang sinabi sakin” sagot din nito sa kanya
“Eh bakit kaba nagagalit? does it matter now?”
“Does it matter? You are seriously asking me if it matters? Are you for real?” tila hindi makapaniwala nitong turan.
“I don’t know, I thought wala kang pakialam kung kami pa o hindi na, you even took me without my permission, and you were so confident about yourself, maybe that’s why I forgot to tell you”
“Goodness Fire! I look confident because I need to be fucking confident, I’m doing it for myself, dahil kung hindi ko kakapalan ang mukha ko, malamang matagal na akong napasok sa mental hospital, every night and day, I have to tell myself na akin kana talaga, na hindi kana maaagaw ng Xiron na yon sakin, I made myself look confident in the outside, but deep within I am afraid to loss you over that fucking friend of yours. You don’t know how hard it is for me to fake my confidence because I don’t have a fucking assurance na ako ang pipiliin mo kung sakaling bumalik nanaman sa eksena yang hayop na Xiron na yan, tangina! Ilang ulit kong pinanalangin na sana mabuntis kana para wala kana talagang kawala pero kahit anong gawin ko hindi ka nabubuntis”
“Hey” seryoso niyang untag sa lalaki saka ito hinawakan sa magkabilang kamay at iginiya paupo sa kanyang tabi, ramdam niya ang pag hihirap ng kalooban nito.
“Where are this coming from? I’m yours” naupo siya sa kandungan nito tapos ay hinawakan ang magkabila nitong pisnge at saka ito pinakatitigan sa mga mata sa pamamagitan man lang noon ay maramdaman nito na hindi na siya mawawala pa rito “I love you! I love you so much! You know that right?”
“I know, but that is not an assurance for me” seryoso nitong turan “Kahit ang pag papaubaya mo ng katawan mo sakin ay hindi ko rin masasabi na assurance”
“Why?, hindi mo naman siguro iniisip na pakawala akong babae para pati ang pag bigay ko sayo ng sarili ko ay hindi maging sapat para mag karoon ka ng assurance”
“You’re asking me why? Dahil kahit ako ang mahal mo, kahit sakin mo ibinigay ang sarili mo, kahit ilang ulit pa kitang angkinin, palagi mo paring pinipili si Xiron. Hindi ko alam kung anong meron siya para sa bawat pag kakataon ay siya ang pinipili mong samahan, ako nga ang mahal mo, ako nga ang nauna sayo, ako lang ang lalaking nakaangkin sa katawan mo, pero siya ang mas inaalala mo, ang mararamdaman niya, kung masasaktan ba siya. Samantalang ako? wala kang pakialam kahit mamatay ako sa sakit, kahit mabaliw baliw na ako kakaisip ng paraan kung pano kitang mababawi, kahit ilang ulit akong makiusap at lumuhod sa harap mo na ako ang piliin mo dahil ako ang mahal mo, you still choose him over me. So now Fire tell me? how can I find assurance in your love?” mahaba nitong turan saka siya hinawakan sa mag kabilang bewang at iniupong muli sa sofa, tapos ay tumayo ito at walang paalam na umalis.
“Siya naman ay naluha sa mga sinabi ng lalaki, all this time, akala niya ay maayos na silang dalawa, hindi niya sukat akalaing ganun pala kalalim ang takot na iniwan niya sa puso ng lalaki, bigla siyang nakadama ng matinding kalungkutan, kailangan niyang bumawi sa lalaki, kaso pano siya babawi dito kung nilayasan naman siya nito. bakit ba kasi nakalimutan na niyang sabihin dito na hiwalay na sila ni Xiron.
Mataman niyang pinag paplanuhan kung papano niya susuyuin si Puma ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niya iyong sinagot ng makita kung sino ang caller, napatayo ng marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. Saglit muna niyang kinalimutan ang alitan nila ni Puma at saka nag tungo sa hospital dahil manganganak na raw ang kanyang sister in law. Nang makarating siya sa hospital ay muli niyang kinalma ang sarili saka nag tanong sa nurse na naroon, agad naman nitong itinuro sa kanya ang daan papunta sa delivery room. Nang makarating siya sa delivery room ay napakunot ang nuo niya, ang alam niya ay ang ate Chelle lang niya ang manganganak, pero bakit nandito rin ang kuya Brent niya at mukha rin itong hindi mataeng pusa.
“Don’t tell me parehas nasa delivery room ang mga asawa ninyo” she suddenly asked when realization hit her. Sabay namang tumango ang dalawa niyang kuya.
“Grabe sabay na nga kayong pinanganak dahil kambal kayo tapos pati mga anak ninyo mga kambal din tapos sabay pa talaga ng birthday! Mukhang mamumulubi ako tuwing ganitong buwan taon taon dahil 4 na pamangkin ko ang kailangan kong regaluhan” sabi nalang niya, but she is really happy for her two brothers.
It took a while bago sila pinayagan na pumunta sa room na pinag dalhan sa mga ate niya, her brothers made sure na isang silid lang ang gamit ng mga asawa ng mga ito para hindi na nila kailangang mag palipat lipat ng kwarto sa pag dalaw sa mga ito. Tuwang tuwa ang lahat ng ipasok ng mga Nurse ang mga cute na cute niyang pamangkin para mapa breast feed ang mga ito, nag tatawanan pa silang lahat dahil hindi malaman ng mga ate niya kung sino ang uunahin sa mga anak ng mga ito, mabuti nalang at nandoon ang kanilang Mama na agad namang to the rescue sa dalawang new mom, her brothers are busy dotting on their children. Nasa ganoon silang tagpo ng pumasok si Puma sa loob ng silid.
“Congratulations” masigla nitong pag bati sa dalawang pares ng mga bagong magulang, masaya itong nakipag kwentuhan sa mga kamag anak niya habang siya ay tahimk lang na nakaupo sa sofa na naroon sa silid. Pinag mamasdan niya ang muka ng lalaki, hindi naman na ito mukhang galit pero hindi parin siya sure kung masama parin ang loob nito sa kanya.
Inabala nalang muna niya ang sarili sa pag babasa ng magazine, mamaya na niya lalaruin ang mga pamangkin dahil hindi pa siya makasingit sa mga lolo at lola na nag kakagulo sa mga apo nila, maya maya pa ay naramdaman niya na lumundo ang kanang bahagi ng kanyang kinauupuan at ang pag hapit sa kanya ng isang pares ng mainit na mga bisig, hindi na niya kailangang bumaling upang makilala kung sino iyon.
“I’m sorry for walking out on you B!” sabi nito habang nakapatong ang baba sa kanyang balikat.
“It’s okay, kasalanan ko din naman, I did not tell you” malumanay niyang turan.
“No, it’s not your fault, it’s my personal battle against myself at hindi dapat ako nag lash out sayo kanina, actually, I’m very happy now” nakangiti nitong turan, napangiti narin siya saka ito binigyan ng smack kiss.
“So, is it final now, we are officially official?” nakangiti nitong tanong sa kanya.
“Akala ko ba officially your na ako nung sapilitan mo akong kinuha sa Sweden months ago?” pang aasar niya sa lalaki.
“Uhm, oo pero noon hindi ko pa alam na wala na kayo ni Xi, while now, alam ko na wala na kayo at wala na talagang makakaagaw sayo, makakahinga na ako ng maluwag” nakangiti nitong turan na mahina niyang ikinatawa saka muling ibinaling ang tingin sa magazine na binabasa.
Maya maya ang naramdam niya ang mainit niton labi sa kanyang tenga “Bakit kaya hindi tayo nakakabuo? Nakakainggit ang mga kuya mo, may baby na sila, tayo kaya kelan mag kakaroon?” punong puno ng pagkaingit ang tinig nito habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
“Darating din satin yan pag panahon na” sagot nalang niya sa lalaki, kahit siya ay nag tataka din kung bakit hindi pa sila nakakabuo, sa klase ng pag tatalik nilang dalawa dapat ay matagal na siyang nabuntis ng lalaki pero hanggang ngayon ay wala paring laman ang kanyang sinapupunan.
“Pag panahon na, kelan naman kaya yon?” tanong pa nito.
“I don’t know” kibit balikat niyang turan.
“Hoy Puma, lumayo layo ka nga sa kapatid kong bwisit ka! Nag honeymoon lang kami nitong babe ko, nilapa mo na yang kapatid namin” it was her kuya Dane na nakasimangot.
“Oo nga, hindi ka namin binogbog sa ginawa mo, pero tigil tigilan mo ang pag papak sa kapatid namin sa harap namin kung ayaw mong malumpong hayop ka” it was Brent this time.
“Wag nga kayong istorbong dalawa, nag mo-moment pa kami nitong B ko, mag moment din kayo sa mga baby nio hindi yong nangingialam kayo sa love life ko” tila baliwala namang turan ng lalaki.
“Bwisit na to, bantay salakay” si Dane na ikinatawa ng lahat.
“Wag ka ngang echusero diyan Babe, bantay salakay ka rin naman, tsaka wag ka ngang mag malinis, pareho lang naman kayo niyang si Puma”
“But, it’s a different story, you are mine from the very beginning, binawi ko lang naman kung ano ang akin” pag dadahilan pa ng kuya niya sa asawa nito.
“O kita mo na, parehas na parehas kayo ng idinadahilan niyang si Puma”
“Okay fine” pag suko nalang nito sa asawa.
ILANG BUWAN ang matuling lumipas at hindi na halos mapakali si Fire, ilang araw din siyang di pinatulog ng sinabi sa kanya ng kasintahan, kahit sinabi nito na okay na ito, pakiramdam niya ay may takot parin sa puso nito. Hindi niya alam kung paranoid lang ba siya o ano? but she feels like she need to do something para sa lalaki, to give him the ‘assurance’ that he needs. Kaya heto siya ngayon at nag hahanda para sa pamatay na proposal na plano niyang gawin, saktong sakto naman ang ginawang pag invite sa kanya ng kasintahan to have a dinner date.
Sinigurado ni Fire na maayos ang anyang itsura, kung dati ay halos ilabas na niya ang lahat ng balat niya, ngayon ay hindi na, ayaw niyang pag awayan nanaman nila ng kasintahan ang damit niya na madalas mangyari kapag nag susuot siya ng revealing dresses sa labas, she can’t afford to ruin the evening, not when she is planning to make the man her fiancé. So, she ended up choosing a simple dress that only shows her back and half of her long and round legs.
Nang matapos siyang mag ayos ay lumabas na siya ng kanyang unit at dumeretso sa basement kung saan ang kanyang sasakyan. Hindi na siya sinundo ng kasintahan, tumangi siya ng sabihin nitong susunduin siya dahil baka lalo siyang kabahan kapag nag pasundo pa siya dito, isa pa, ayaw niyang makita nito ang singsing na gagamitin niya sa pag po-propose dito mamaya. Nang marating niya ang distenasyon ay makailang ulit muna siyang huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago siya nag desisyong bumaba at mag lakad papasok ng naturang restaurant.
Pinag bukasan siya ng guard ng pintuan kaya nginitian muna niya ito saka pumasok, hindi paman siya nakakailang hakbang ay agad na nag salubong ang kanilang mga mata ni Puma, she can see the love in his eye, but there a hint of jealousy in their depts, nginitian niya ang kasintahan at saka deretsong nag lakad palapit dito not minding the boys who are ogling her. Nang makalapit na siya ay mabilis siya nitong ipinag hila ng upuan.
“You really is an expert in getting to much attention, don’t you? Wag ka ng magtaka pag isang araw ay nakapatay ako” eksaherado nitong tunaran na ikinalapad lang ng ngiti niya.
“Same here baby, same here, gusto ko ring pag sasabunutan ang mga babae sa paligid na tumitingin sayo ng may pag nanasa” sabi naman niya sa lalaki na ikinatawa nito.
“Well, what can we say? We are a couple of god and goddesses, let them droll B, I’m all yours and so are you” delara nito. Lumapit sa kanila ang waiter at kinuha ang kanilang order. Habang nag hihintay ay saka lang niya napansin na iilan lang ang tao na naroon sa restaurant, hindi naman nakakapag taka dahil mamahaling restaurant iyon kaya iilan lang ang may kakayahang kumain doon, ng maiserve na ang kanilang pag kain ay masaya silang nag usap, hanggang sa makarinig siya ng malamyos na musika. Tumayo si Puma mula sa kinauupuan nito saka siya inayang sumayaw, napabaling pa siya sa ibang tao na naroon dahil nakatingin sa kanila ang karamihan sa mga iyon. But who cares? Her baby wants to dance so is she, kaya inabot niya ang kamay ng kasintahan upang makipag sayaw dito, parehas silang walang pakialam sa kanilang paligid kahit para silang baliw sa ginagawa nila dahil silang dalawa lang naman ang sumasayaw. Habang tumatagal silang nag sasayaw ay mas lalo siyang kinakabahan, napansin rin niya na tila may kakaiba sa ikinikilos ng kasintahan ng mga oras na iyon.
Hindi niya alam kung luluhod naba siya sa harap nito o kung mamaya nalang dahil ang higpit ng pag kakahawak nito sa kanyang bewang, but she need to do it now because this seems to be the perfect timing to pop up the question, it’s the most romantic timing to ask him, but will he say yes thought? There’s only one way to find out, with that in mind ay marahan siyang lumayo sa lalaki at saka lumuhod sa harap nito, akmang titingala na sana siya ng magulat siya dahil nakita niyang nakaluhod din ang lalaki at katulad niya ay may hawak rin itong singsing, only his was still place in the middle of the velvet box he is holding, while she is holding the ring itself, hindi na niya dinala ang box dahil masyado iyong halata at wala siyang bulsa na pwedeng pag siksikan doon. Then in unison they asked.
“Will you marry me?” nagkatinginan pa sila, ng marealize nila kung ano ang nangyari ay sabay silang natawa matapos ay sabay ding sumagot ng “Yes”. With a big smile in their faces ay inalalayn siya ng kasintahang tumayo saka nito isinuot sa kanyang daliri ang singsing na galing dito tapos ay ang singsing naman na binili niya. Muli silang nagkatawanan ng makita nila ang dalawang singsing na ngayon ay parehas na nakasuot sa kanyang kanang palasingsingan. When their laughter subside Puma grab her by the face and kissed her squarely in the lips, they heard the people in that restaurant cheering and congratulating them. Matapos ang kanilang halikan ay buong higpit silang nag yakap na dalawa, from then on she knew that she is bless enough to have found her happily ever after in the arms of Puma.------------------------
See you in the next book!!------------------------
Where do 💔 go? Is it in Sagada or in the arms of a beautiful lesbian? 😉Walang nag comment ☹ but i think im not ready yet for the next gen, so, yeah! lets bring Xiron on!😁
BINABASA MO ANG
(Silva Series Book 3) Sapira Fire Silva - Completed
RomanceMaldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansagan pa siya ng mundo bilang higad of all sesson dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinion ng i...