***
Ryke Jie Solidad
“Sino kang lapastangan?!” Malakas na sigaw niya sakin habang nakatutok ang matalim na espada sa leeg ko.
Halos manginig naman ako sa takot habang nakatingin sa mga mata niyang kalmado pero nanlilisik.
“Sumagot ka!” Sigaw niya pa na kinagulat ko. Agad kong tinaas yung kamay ko at binuka yung bibig ko para magsalita. “S-sorry po! H-hindi ko po alam kung—” Napatigil naman ako sa pagsasalita nang makitang nanlaki ang mga mata niya sa hindi malamang dahilan.
“Anong lenggwahe ang iyong tinuturan?! Lapastangan!” Sigaw niya sakin at tuluyan nang idinikit ang espada sa leeg ko. Naluha na ako sa sobrang takot.
Anong klaseng tao siya?! Hindi niya ba alam ang English?!
“Tila ba parang pang karaniwang tao lang ako kung kausapin mo!” Sigaw niya pa sakin. “Hindi mo ba ako kilala?! Sino ka? Bakit naiiba ang iyong kasuotan?” Tuloy-tuloy na tanong niya.
Pinunasan ko naman yung luha ko pwede napangiwi ako sa sakit nang mahawakan ko yung basag na salamin na nakabaon sa pisngi ko.
“A-aray ko...” Bulong ko habang umiiyak. Ayoko pa naman ng sakit!
“Hindi mo pa sinasagot ang aking katanungan!” Napatingin naman ako sakanya. Bakit ba ang lalim niyang magtagalog?
“Jie. Jie po ang pangalan ko. H-hindi ko po alam kung paano ako nakarating dito. Nasa tingin lang naman ako sa salamin ng CR tapos biglang nabasag.” Paliwanag ko.
Tinignan naman niya ako ng ilang segundo bago ibaba ang espada niya. “C-CR?” Bulong naman niya. Tumango naman ako. “CR po. As in banyo, restroom, bathroom?” Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
“Saang bayan ka nanggaling? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha mo. At bakit ganyan ang kasuotan mo?” Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa parang bathtub niya. Puro na din dugo at sobrang hapdi ng buong katawan ko.
“Aalis na po ak—” Hindi ko pa man nasasabi pagkatayo ko ay nakatutok na saakin yung espada. “Wala kang galang! Kinakausap pa kita!” Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sakanya.
“Alam mo ba na maari kang parusahan at bitayin dahil sa kalapastanganan mo?” Umiling naman ako. Bakit bibitayin? Panahon pa ba ng kopong-kopong 'to.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang ibaba niya ulit yung espada. Ngayon lang ako napatitig sa mukha niya. Yung mahabang buhok niya na nakapusod sa tuktok ng ulo na may nakatusok na kung ano.
“Isa ulit kalaspastanganan na tumitig sa Emperador ng dinastiyang Han.” Bulong niya ulit na kinagulat ko.
“D-dinastiyang Han?” Nauutal na bulong ko. “Tama ka nang narinig. Maari kang maparusahan ng kamatayan kung gugustuhin ko.” Nakangisi niyang bulong sakin.
Huminga naman ako ng malalim bago mabilis na tumakbo papunta doon sa may pintuan na feeling ko pinagpasukan niya kanina.
Laking tuwa ko nang makalampas na ako sakanya nang hatakin niya yung mahaba at basa kong buhok. “A-aray!” Malakas na sigaw ko.
Mabilis kong inapakam yung paa niya ng sobrang lakas pero parang wala lang sakanya. Kinuha ko naman yung isang kamay niya at kinagat ma naging dahilan nang pagkawala niya sakin.
Kinuha ko yung pagkakataon na yon para makatakbo palabas. Binuksan ko yung pintuan pero laking gulat ko nang makita yung dalawang taong may espada din sa bewang na nag-aabang mula sa malayo.