*Simula ng Kabanata Siyam*
Pananaw Ng Pangatlong Tao“Ministro.” Turan ng isang lalaki nang makapasok siya sa tuluyan ng isang ministro.
Nanatilo itong nakayuko habang ang ministro naman ay nginitian lamang siya.
“Maupo ka.” Tipid na ministro bago salinan ng alak ang dalawang baso na nakapatong sa maliit na mesa.
Tumango naman ang lalaki bago umupo kaharap nang nasabing ministro. Inalis muna nito ang espadang nakasabit sa bewang niya bago muling humarap sa ministro. Agad inabot ng ministro sakanya ang baso na agad naman niyang tinanggap at ininom.
“Nais kong malaman kung anong nangyari sa inutos ko sayo.” Deretsang turan ng ministro bago mabilis na inumin ang alak na nasa baso niya.
“Sa gitna ng gubat Peliseyo sila pumunta. Inihatid siya nito sa tapat ng kanyang bago siya tuluyang umalis. Nakita ko din na, ipinusod ng Emperador ang gintong pangpusod niya sa babae. Pumasok sila sa nag-iisang tuluyan na pag-aari ng Emperador. Natitiyak kong nasa loob sila ng limang minuto at lumabas na. Hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan.” Mahabang paliwanag ng lalaki sa ministro.
Napatawa nalang ng mahina ministro. “Desidido talaga siyang maging isang Emperatris ang batang yon.” Natatawa niyang bulong.
“Sa tingin ko, talagang mahal ng Emperador ang dalaga. Kaya naman sa pamayanan ng dalaga siya pumili dahil nandoon ang dalaga.” Turan naman ng lalaki.
“Isang malaking pagpapanggap.” Bulong ng ministro. “Hindi kailanman umibig si Jisuk. Sa tigas ng puso ng batang yon, hindi kailanman siya umibig.” Dugtong niya na pinagtaka ng lalaki.
“Anong ibig niyong sabihin, ministro?” Tanong ng lalaki.
“Pinatay niya ang lihim. Inakala niya na walang makakaalam ng natatanging lihim niya, lihim ng buo niyang pamilya.” Nakangising bulong ng ministro. “Walang lihim na hindi niya nabubunyag kahit ano pa ang mangyari. Hindi dapat siya ang Emperador.”
“Subalit, mukhang totoo ang ipinapakita niya sa dalaga.” Katwiran naman ng lalaki.
“Walang maniniwala, kung hindi kapani-paniwala. Umiikot lang tayo dahil sa kapangyarihan at kayamanan.”
“Nais kong bantayan mo ang dalaga. Ang pamangkin ko. Tiyak na magtatagal siya rito. Gagawa ako ng paraan para mailabas siya.”
Ryke Jie Solidad
Napamulat nalang ako ng mata nang marinig ang sunod-sunod na malalakas na tambol mula sa labas.
“Bwisit!” Rinig ko pang sigaw ni Shuli.
Napapikit naman ako at gumulong sa hinihigaan ko. Kulang ang tulog ko! Bwisit kasing Emperador 'to!
Napamulat naman agad ako ng mata nang maalala yung pangpusod niya. Agad kong kinapa sa ilalim ng unan ko at nakahinga ako ng malalim nang nasa ilalim pa din ito.
“Hoy Wanjie! Tumayo ka na! Bilis!” Turan pa saakin ni Shuli sabay tapik saakin ng mahina.
Mabilis naman akong umupo at naghikab bago kusot-kusutin ang mga mata ko. Kulang na kulang talaga ako sa tulog.
“Sinabi ko naman kasi sayo na matulog kang maaga. Napakakulit mo talaga!” Sermon niya pa saakin na parang siya ang inay ko.
“Tumayo ka na. Mauuna na ako sa paliguan. Sumunod ka nalang.” Turan niya pa na tinanguan ko lang bago muling nahiga sa higaan.