Kabanata 5

1.6K 145 16
                                    

“Dito na magsisimula ang kwento ni Wanjie Lee at Han Jisuk. Kung ano ang gagawin ni Wanjie para iligtas si Wanya. Kung paano siya magsasakripisyo. Paano niya kaya haharapin ang pagsubok na pinasok niya?”

Ryke Jie Solidad

Sa isang linggo kong nananatili dito, umasa akong isang araw na gigising ako ay nasa bahay na ako ni lola. Pero hindi e! Paulit-ulit akong nagigising dito. Dito sa lugar na kung saan dinaanan na ng panahon.

Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nandito pa ako. May kailangan ba akong gawin bago makabalik? Natatakot akong hindi na makabalik pa.

Medyo masaya din ako kasi hindi natuloy yung pagkuha kila Wanya dalawang araw nakalipas. Wala ako sa tabi niya noong panahon na yon. Hindi ko siya maililigtas.

Napatingin naman ako sa kanya sa tabi ko. Oo, magkatabi kaming natutulog dito sa malambot na kutson dito sa sahig. Sa kabilang kwarto ang ina.

Napatitig ako sa kamay niyang nakayakap saakin. Parang kapatid ko na talaga siya. Yung maganda niyang mukha na parang nanalamin lang ako. Hindi nila ako kaano-ano, kaya mabuting ako nalang ang magsakripisyo. Hindi ko alam kung anong tinatahak ko. Pero sigurado na ako.

Dahan-dahan kong inalis yung yakap niya saakin bago siya kumutan at lumabas na ng kwarto. Hindi ko nga maintindihan, sa panahon ko, kapag bukas ang pinto expected na, na may magnanakaw ng mga gamit mo. Dito, slide-slide lang yung pinto at wala pang lock, wala naman nawawala.

Sinilip ko si ina sa kwarto niya at nakitang tulog pa din siya. Nitong mga nakaraang araw din, tumutulong ako sa pagbibilad ng mga inani nila. Tulad ng trigo at mais. Medyo mahirap, pero kaya ko naman.

Mabilis kong sinuot yung mahaba kong damit. Pinatong ko nalang sa pantulog ko. Akala ko nga wala silang underwear dito. Meron din pala. Wala nga lang brand. Mabilis kong itinali yung tali sa bewang ko at ayusin yung manggas bago humarap sa salamin at kunin yung pangpusod ko.

Lumalalim na din yung tagalog ko dahil na din kay Wanya. Tinuruan niya ako sa lahat. Tulad nitong pagpupusod ng buhok. Kukuhanin ko lahat ng buhok ko at iikot, tapos iikot ko ng dalawang beses sa pangpusod at itutusok sa ilalim at iangat yung isang parte mula sa buhok bago laliman pa yung tusok para hindi mahulog.

Bibili ako ng kakainin namin ngayong umaga sa sweldo ko. Ang pera nila dito ay tanso, pilak at ginto. Maliliit lang sila na tanso, pilak at ginto pero malaki ang halaga. Yung laki nila, kasing laki ng twenty-five centavos sa kasalukuyang panahon at may butas sa gitna. Yung tanso, nagkakahalaga ng limang piso sa panahon ko. Yung pilak, bente naman, at yung ginto, isang daan. Para naman makabuo ng isang pilak gamit ang tanso, kailangan mo ng sampung tanso. Maliliit lang yung halaga dahil mura lang ang bilihin dito. 
Yung sweldo ko ay limang pilak lang na katumbas ng isang daan. May tali ito para hindi magkakahilaway. Kaya mabilis ko nang sinuot yung tsinelas kong kahoy bago lumabas. Wala nang hilamos-hilamos. Bahala sila sa buhay nila kung mabaho ako.

Napahawak pa ako sa sarili ko dahil sa lamig habang naglalakad pababa ng hindi kataasan naming bundok. Pero itong bahay namin, siya yung pinakamataas. Tanaw na tanaw ito kahit saan. Feeling ko nga kita 'to doon sa palasyo e.

Hindi naman ako napagod kakalakad. Medyo malapit lang yung maliit na palengke dito. Agad sumalubong saakin yung ingay. May nagbubuhat ng mga gulay, prutas at iba pa. Sigawan dito, sigawan doon. Tumitingin ako sa bawat nadadaanan ko. Baka bumili din ako ng ulam namin. Merong isda, baboy at manok.

“Magkano po sa manok manang?” Tanong ko sa tindera.

“Isang pilak ang dalawang hita!” Pasigaw niyang sagot saakin. Ang sungit naman.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon