Kabanata 16

1.3K 124 9
                                    

*Simula ng Kabanata Labing-anim*

Pananaw ng Pangatlong Tao

Nakalipas na ang tatlong araw ngunit mahimbing pa din ang tulog ni Wanjie at hindi siya magising-gising.

Kaharap ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa harap ng Emperador. Tahimik lang ito at tila ba nalunok nito ang sarili nitong dila.

“Maaari mo bang ipaliwanag kung saan nanggaling ang pulang palaso?” Tanong ng Emperador sa lalaking kaharap niya.

Nakalapag din sa mesa sa gitna nila ang pulang palaso na bumaon sa dibdib ni Wanjie.

Kinakabahan naman siyang tinignan ng lalaki at halos hindi nito maibuka ang kanyang bibig.

“H-hindi ko po alam, mahal na Emperador! Wala na pong bakas nang puntahan namin ang lugar! Wala na din po kaming makitang kahit anong kahina-hinala.” Agad na paliwanag niya sa Emperador.

Huminga naman ng malalim ang Emperador bago hawakan ang palaso at muling titigan habang hinahaplos ang mga parte nito. Simula sa talim hanggang sa balahibo.

“Ikaw ang puno ng aking mga kawal dito sa sarili kong palasyo. Paanong nangyari na hindi mo alam?” Pangengestyon pa ng Emperador habang nakatalikod sa punong kawal ng palasyo niya.

Agad naman lumuhod ang punong kawal sa harap ng Emperador at nanginginig sa takot.

“H-hindi ko po talaga alam, mahal na Emperador! Humihingi po ako ng tawad! M-maawa po kayo! H'wag niyo pong wasakan ang aking buhay!” Umiiyak na sigaw ng punong kawal habang nakaluhod sa harap ng Emperador.

Muling humarap sakanya ang Emperador at binitawan ang palaso sa mesa.

“Nais kong maglungsad ng isang paligsahan sa paggamit ng palaso. Lahat ng may katungkulan ay dadalo.” Agad na turan nito na agad sinang-ayunan ng punong kawal.

“O-opo! Opo! Masusunod po, mahal na Emperador!” Agad na turan ng kawal at muling nagbigay galang sa Emperador.

“Magaganap ito pagkatapos ng limang araw. Sa mismong kaarawan ko.” Huling turan pa ng Emperador bago nito paalisin ang punong kawal.

Muli siyang bumalik sa pagkaka-upo at muling hinawakan ang pulang palaso.

“Sino ka? Sinisigurado kong makikilala kita. At wari ko'y kilala nga kita.” Mahinang bulong nito habang nakatingin sa palaso.

“Anong pakay mo sa binatang Lee? Nais kong malaman.”



NAGLALAKAD ang Emperador pabalik sa bahay panuluyan niya. Kagaya ng dati, nakasunod sakanya ang dalawang pila ng mga tagapaglingkod ngunit ang kaibahan nga lang, wala sa linya ang punong tagapaglingkod niya. Naiwan ito sa bahay panuluyan at siya mismo ang nag-aalaga kay Wanjie.

Ilang minuto lang din ang lumipas, nakarating din siya sa kanyang bahay panuluyan. Agad siyang pinagbuksan ng pintuan at agad naman siyang pumasok. Wala nang nangahas na sumunod pa sakanya sa loob dahil mahigpit niyang ipinagbawal ang pagpasok sa panuluyan niya simula nang dalhin niya dito si Wanjie.

Hanggang sa labas lamang ng kanyang panuluyan ang mga tagapaglingkod at tanging siya lamang at si Maria, ang kanyang punong tagapaglingkod ang nakakapasok sa loob.

Agad sumalubong sakanya ang tahimik na silid tanggapan kung saan siya madalas namamalagi sa loob ng tatlong araw na natutulog si Wanjie. Sa upuan nitong malambot at isang mesa na may kaliitan at ilang lalagyan ng libro na punong-puno din ng libro, umiikot ang buhay niya.

Sinulyapan niya lang ang pintuan ng kanyang silid tulugan bago humakbang papunta sakanyang upuan pero bago pa lamang siya tuluyang makaupo, napatingin siya sa pintuan ng kanyang silid tulugan ng maharas itong bumukas kasabay ng paglabas ni Maria habang humahangos.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon