Kabanata 20

1.2K 114 14
                                    

*SIMULA NG KABANATA*


Ryke Jie Solidad

    Nagising nalang ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Hindi ko agad iminulat ang mga mata ko at sinubsob pa ang mukha ko sa unan. Ilang minuto pa akong pumikit bago ako nagdesisyon na tumayo na kahit antok na antok na.

Agad akong tumingin sa paligid ko at kaunting sinag lang ng araw ang pumapasok sa loob ng kwarto. Nakagitna na ako sa kama at dalawang unan na ang nasa gilid ko. Hindi tulad ng kagabi na nagsasama kami sa iisang unan ng Emperador at nakayakap siya saakin.

Nakangiti kong hinawi ang tela bumabalot sa tulugan namin at agad na iniapak ang mga hubad kong talampakan sa kahoy na sahig nitong tuluyan. Agad akong tumayo at agad na naglakad papunta sa maliit na mesa na katabi nitong tulugan kung saan nakapatong yung pangpusod na para saakin.

Agad kong ipinusod ang aking buhok bago marahan na naglakad papunta sa pintuan ng beranda o tinatawag na asotea. Dahan-dahan kong itinulak ang dalawang pintuan pagilid at agad humakbang palabas.

Agad sumalubong saakin ang may kalamigang hangin na dahilan ng pagyakap ko sa sarili ko. Pero agad akong napanganga sa nasisilayan ko ngayon. Ang buong pamayanan ay nakikita ko mula dito sa itaas. Ang maliit pero napakagandang pamayanan ng Desma. Halos bilang ang mga maliliit na tuluyan pero ito'y makukulay. Kitang-kita din ang mga taong walang tigil sa paggalaw. Meron may dalang malaking basket na may lamang mga prutas, meron may dalang tela, meron may dalang gatas, sadyang napakagandang pagmasdan.

Wala na din mas malaking tuluyan dito sa tuluyan namin. Lahat ay maliliit lamang. Agad akong napatingin sa ibaba nang makita ko ang Emperador sa bukana nang pintuan ng bakod. Nabukas ang dalawang malalaking pintuan ng bakod. Mataas din ang kahoy na bakod. Matangkad pa ito sa mahal na Emperador.

Malulusog ang maliliit na damo sa tapat ng tuluyan. Sa kanan parte ng tuluyan, meron isang mesa at apat na upuan. Sa kaliwang parte naman, iba't-ibang uri ng mga halaman at bulaklak ang makikita. Sa likod nga kami dumaan kagabi at hindi sa harapan.

"Hoy hikhik! Yung ibinilin ko sayo! Pakatandaan mo!" Rinig kong turan ng Emperador sa isa sa apat na batang kaharap niya.

"Opo, kuya Jisuk! Sasabihin ko po iyan kay ina!" Sagot naman ng bata sakanya.

Narinig ko pa yung mahinang pagtawa niya kasabay nang marahan niyang paggulo sa buhok ng bata. Nanibago ako nang makita ko siya. Simple lamang ang kanyang kasuotan at hindi niya suot ang kanyang gintong pangpusod. Tanging isang kahoy lang ang nagpupusod sa buhok niya.

Agad naman akong napatingin sa lalagyan ng aming mga kasuotan. Maayos na nakalagay doon ang kanyang panlabas na roba at nakapatong sa estante ang kanyang gintong pangpusod.

"O, ikaw naman Janjan! Lagi mong alagaan itong si Jikjik! Alam mo nang mahina ang kanyang resestensya. Sa susunod na pagbalik ko, magdadala ako ng maraming tinapay at gatas para sainyo!" Turan pa ng Emperador na kinagulat ko.

May ganito pala siyang parte ng pagkatao. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Nakapapanibago. Hindi ako sanay. Ako'y nasanay lagi sa awra niyang masungit, matikas at matapang. Hindi ko inaasahan na makita siyang ganito sa mga batang kaharap niya.

Agad kong pinagmasdan ang mga bata. Pangkaraniwan din ang kanilang mga suot. At katulad ng sa Emperador, tanging kahoy lang ang nagpupusod sakanilang mahahabang buhok.

Patuloy lang sa pakikipag-usap ang Emperador at mabilis na ulit akong pumasok sa loob at mabilis na lumabas ng kwarto. Tatlo ang kwarto sa itaas. Agad akong bumaba at agad bumungad saakin ang napakaganda at malinis na bahay tanggapan. Ang mga upuan ay maayos na nakalagay at wala kang makikitang dumi.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon