Kabanata 7

1.6K 139 25
                                    

Ryke Jie Solidad

“Bilis na! Dito tayo sa pinakahuling linya!” Malakas na sabi nitong babaeng 'to na hindi ako pinakawalan.

Mabilis niya akong hinatak paakyat sa hagdan. Medyo may kataasan din yung lugar. Hindi naman gaanong mataas pero mataas.

Agad kaming tumakbo papunta sa pinakahuling linya ng mga maliliit na bahay at patuloy na tumakbo hanggang sa kahuli-hulihang bahay. Bali, kami yung nasa pinakahuli.

Mabuti naman walang may gusto dito. Malapit yung kwarto namin sa pader. Mabilis kaming pumasok sa loob pagkatapos naming hubarin yung mga suot naming pampaa sa tapat ng pintuan.

Ganon din yung pinto, itutulak lang sa gilid.

“Waaaaa...” Mahabang bulong nitong kasama ko.

Hindi ko naman inasahan na malaki din pala ang kwarto. Parang dorm lang. Isang malaking bintana, dalawang kama sa sahig na magkatapat at isang maliit na parang kabinet sa tabi ng kama. Siguro lalagyanan ng mga damit.

Napatingin ako sakanya nang ibagsak niya yung sarili niya sa kama habang nakabukaka.

“Hay! Ang sakit ng mga paa ko! Perwisyo talaga!” Malakas niyang turan na kinalaki ng mga mata ko.
“Hoy! May makarinig sayo!” Nanlalaki kong mata na bulong sakanya.

Inismiran niya lang ako bago mabilis na umupo mula sa pagkakahiga.

“Ikaw, nagkakagusto ka sa kapwa babae mo, gugustuhin mo bang maging Emperatris?” Naiinis niyang tanong na kinatawa ko. “Baka mas gusto ko pang asawahin yung inang reyna.” Dugtong niya pa na lalong kinatawa ko bago siya muli bumalik sa pagkakahiga.
“Hindi naman tayo sigurado kung mapipili ka.” Bulong ko bago dahan-dahan umupo sa isang kama.

Nakakabilib lang, hindi nagugulo yung mga buhok namin kahit humiga kami. Parang naka-gel. Astig. Nawala tuloy yung kaba ko dahil sa babaeng 'to.

“Tingin ko, mas maganda yon!” Malakas niyang turan na kinagulat ko.

“Tama! Mas magandang hindi ako matipuhan ng Emperador! Para makauwi na ako agad!” Magka-krus na kamay sa dibdib habang nakangiti siya sa hangin nang binanggit niya ang mga katagang yan.

“Alam ko na may tinatago talaga ang Emperador, may natitipuhan siyang isang dalaga mula sa bayan natin.” Bulong niya ulit habang magka-krus ang kamay sa dibdib at humiga.

Hindi ko nalang siya pinansin at hinawakan ko yung paa kong namaltos dahil sa kahoy kong sapatos. Medyo mahipdi pero ayos lang naman.

“Eh, bakit hindi nalang niya yayain yung natitipuhan niya para gawing Emperatris hindi ba? Para na din hindi na tayo mahirapan pa.” Bulong ko din habang minamasahe ang mga paa ko.

“Hindi ganon kadali yon.” Natatawa niyang bulong na kinakunot ng noo ko.

“Hindi ganon kadali? Anong ibig mong sabihin?” Bulong ko ulit sakanya.

“Malalaman mo din.” Tipid na bulong niya habang nakapikit na kinatango ko nalang.

Ayoko nalang din magtanong pa. Iisip pa ako ng paraan para hindi mahuli bukas.

Kailangan daw maghubad? Wala akong dibdib. Anong gagawin ko? Kung pwede lang akong magpalagay ng dibdib. At higit sa lahat, wala akong mani. Hindi ko naman pwedeng ipitin. Anong gagawin ko? Hahatulan ako ng kamatayan!

“Hoy!”

Isang malakas na sigaw ang nagpagising saakin mula sa malalim na pag-iisip.

“H-ha? May sinasabi ka?” Mahinang bulong ko sakanya.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon