***
Ryke Jie Solidad“Anong ba ang nangyari sayo kuya?” Tanong saakin ni Wanya. Nakatitig lang ako sakanya habang ginagamot niya yung mga sugat ko.
Siya na din yung nagtali ng mahaba kong buhok. Halos magkasing haba lang kami ng buhok. Nilagyan niya din ako nung mahabang hairpin na tinutusok sa napapusod na buhok.Iba na din yung suot ko ngayon. Isang mahaba at kulay puting damit na may tali sa bewang. Ibang-iba talaga sa mga sinusuot ko.
Nakababa ngayon yung kalahati kasi ginagamot ni Wanya yung sugat sa dibdin ko at tyan.
Hindi pa din ako makapaniwala. Magkamukhang-magkamukha kami! Yung pwesto lang ng nunal sa mga mata namin yung naiba! Halos wala kaming pinagkaiba. Pati hubog ng katawan hindi kami nagkakalayo. Wala nga lang akong hinaharap.
Yung mga buhok din namin. Parehong-pareho. Mahaba yung buhok ko kasi ayaw ipaputol ni lola simula pa nung bata ako. Kaya laging nakikiusap si mom sa university na wag ipaputol yung buhok ko. Kaya ngayon humaba na. Abot na sa kalahati na ng tyan ko.
Tuloy lang siya sa paggamot ng sugat ko sa hindi ko alam kung ano yan! Parang dinurog na something.
“Wala bang alcohol Wanya?” Hindi ko mapigilang tanong sakanya.
Bigla naman siyang napatigil at tumitig saakin.
“Bakit ka ganyan manalita kuya? Nakalimot ka lang tapos iba na ang pananalita mo. Hindi ko din alam kung ano iyang tinuturan mo.” Nakakunot niyang noo na sabi saakin.
Napangiwi naman ako. “Ano ba yang nilalagay mo saakin?” Tanong ko sakanya. “Dinurog na halamang gamot kuya. Mabisa itong panglunas sa mga sugat.” Nakangiti naman niyang sagot saakin.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Para ko siyang tunay na kapatid. “Magtigil ka nga muna kuya, anong bang nangyari sayo? Bakit ang dami mong sugat?” Tanong niya saakin.
Sasabihin ko ba sakanyang hinabol ako ng Emperador ng bayang ito? Hanggang ngayon nalilito pa din ako kung nasaan ako. Pero sinabi ko sa sarili kong magpapa-agos ako kung hanggang saan ako makarating.
Hindi ko din kasi alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong lugar 'to. Hindi ko alam kung anong panahon 'to. Nalilito ako. Naguguluhan. Sa totoo lang, gustong sumabog ng utak ko.
“H-hinabol ako nung mga hindi ko kilalang lalaki.” Sagot ko sakanya.
Tumigil naman siya at nagulat ako nang dinuro niya ako. Halos maduling ako habang nakatingin sa dulo ng daliri niya.
“Ang babaw mo magsalita kuya! Kailangan malalim ka magsalita. Mapaparuhan tayo kapag nagkataon. Lalo na kapag dumalaw dito sa bayan natin ang mahal na Emperador.”
Sa totoo lang, ang ganda ni Wanya. Yung kilay pink niyang mahabang damit na katulad saakin pero may patong pa na isang vest yung sakanya sa itaas. Tapos yung hair pin niya, may design na bulaklak. Yung akin, plain lang siya na kulay puti. Tapos yung pusod nila, yung itaas na bahagi lang. Yung likod na bahaging buhok nakabagsak lang. Ang ganda niya talaga.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Ayan yung natatandaan kong sinabi saakin nung lalaki na Emperador daw siya at mukha namang totoo.
“Oo Wanya. Susubukan ko.” Nakangiti kong turan sakanya.
Ngumiti naman siya saakin. “Oo kuya. Kailangan talaga. Higit sa sampung hagupit ng pamalo yung parusa. Kaya mag-iingat ka.”
Sampu lang pala! Tsk. Kaya! Bugbugin ko pa yang Emperador na sinasabi niyo!