Kabanata 17

1.4K 123 6
                                    

*Simula ng Kabanata Labing-pito*

Ryke Jie Solidad

    Muli akong nagising dahil sa hindi maipaliwanag na sakit pero ngayon, kaya ko naman tiisin kesa sa kanina. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong agad saakin ang puti at manipis na tela. Dahan-dahan akong umupo at napapangiwi nalang ako sa sakit na dulot ng sugat ko sa dibdib. Gustong-gusto ko uminom ng tubig dahil tuyot na tuyot ang lalamunan ko.

Napagtanto ko na nakahiga ako sa isang kama at ang kama ay napaaplibutan ng puti at manipis na tela. Parang kulambo. Maliwanag din sa paligid dahil sa mga gaserang nakasindi sa bawat sulok ng kwarto. Tanging suot ko nalang ay pulang roba at may kung ano-ano pang nakatapal sa sugat ko at wala akong kahit anong pangloob.

Maingat kong itinapak sa sahig ang aking mga paa at dahan-dahan tumayo. Minabuti ko na ding humawak sa haligi nitong kama para hindi ako matumba dahil bawat galaw ko ay kirot ang dala saakin. Mabilis kong hinawi ang puting tela at nakita ko na nang mas maayos ang buong kwarto.

Ang kamang hinigaan ko na nakasentro at may katapat itong upuang pangsahig na may maliit na mesa at may nakapatong na mga libro, papel at kung ano-ano pa. Mayroon ding mga kahoy na estante na pinagsasabitan ng mga itim at lilang mga roba. Ito yung mga ginagamit ng Emperador. Madami din na gintong pangpusod na nakalagay sa malimaw na kahon na nakapatong sa estante. Parang naka-display. May dalawang bakanteng malinaw na lalagyan. Inig sabihin, suot ng Emperador yung isa at yung isa—— bakit ko ba prinoproblema yan? Pinana na nga ako.

Napatingin naman ako sa may pintuan dito sa gilid ng kwarto. Lumilipad yung mga kurtina kasabay ng pagpasok ng mga hangin. Parang may veranda pa. Naglakad agad ako papunta doon ng dahan-dahan at pasimpleng hinawi yung kurtina. Hindi nga ako nagkakamali. May terrace siya. Nakita ko nalang siyang nakatayo sa tapat ng parang swimming pool na ewan na ilang hakbang ang layo dito sa bahay. Hawak-hawak niya yung isang gintong pangpusod at nakatitig lang talaga siya sa tubig. Nakapusod pa din naman yung buhok niya gamit din ay gintong pangpusod. Tanging pangbaba lang ang meron siya at kitang-kita ko yung hubad niyang likod.

Muntik naman akong matumba nang makita ko siyang tumungin dito habang nakangisi. Paano niya nalamang nandito ako? Halos hindi ako makatingin sakanya habang naglalakad papunta saakin dahil nadidistract ako sa abs niya. Agad niya at mabilis na hinawi yung kurtina.

"Nasiyahan ka siguro sa natanawan mo." Nakangisi at mayabang niyang bulong. 

Hindi ko naman maiwasang mamula dahil sa hiya. Inaakala niya bang naninilip ako? Siraulo. Mabilis na akong tumalikod pero mabilis niyang nahawakan yung balikat ko at muling iharap sakanya. Iginaya niya ako palabas sa terrace at nagulat nalang ako nang alisin niya yung buhol ng roba dahilan para mahulog ito. Mabilis ko naman nahawakan nang nasa kalahati na ng katawan ko para hindi tuluyang mahulog. Dahil kung hindi ay lalantad akong hubo't hubad sa harap niya.

"M-mahal na Emperador..." Mahinang bulong ko sakanya pero mabilis lang siyang umupo sa isang upuan dito at agad akong hinatak sa pagitan at tapat niya.

Kinakabahan ako sa gagawin niya pero nakita ko kung paano niya alisin yung telang nagtatakip sa sugat ko na may mga kung ano-anong halaman at dahon. Maingat niyang inalis yung mga nakatakip doon at napangiwi pa ako sa sakit pero agad akong napamulat nang maramdaman ko yung paghipan niya sa sugat ko. Lalo pang nanlaki yung mata ko kung paano niya dampian ng halik yung ibabang parte ng sugat ko habang nakahawak siyang mahigpit sa bewang ko.

"M-mahal na Emperador..." Mahina kong bulong sakanya pero hindi siya nagpapapigil.

Nagulat nalang ako nang kuhanin niya yung kamay ko at dampian ng halik yung likod ng palad ko habang nakapikit siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero umaangat yung mga halik niya at banayad lang. Nanlalaki lang yung mata ko habang nakatingin sakanya at yung mga halik niya kanina ay nasa braso ko na at ngayo'y magkatapat na kami at nakatayo na siya. Umangat pa yung mga halik niya hanggang sa balikat ko at yung hawak niya sa bewang ko kanina, ngayon ay yakap na. Umabot na sa panga ko ang mga hawak niya pero naglakas loob akong iiwas ang aking mukha. Mabilis siyang nagmulat ng tingin saakin habang nakatitig ng matiim.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon