Kabanata 10

1.4K 127 13
                                    

*Simula ng Kabanata Sampu*


Ryke Jie Solidad

Pipikit-pikit na ako habang naglalakad pabalik sa kwarto namin. Sobrang sakit ng likod ko at mga kamay. Parang pinahiwa saamin yung buong kakainin ng palasyo. Anong oras na. Mag-a-alas syete na ng gabi. Ngayon palang kami babalik. Ang hapdi-hapdi pa ng kamay ko. Hindi ko mabilang kung ilang sugat. Parang saakin lang naka-focus yung ilang mga tagapaglingkod. Bwisit!

Mabilis kong binuksan yung pintuan at hinubad yung sapatos ko. Agad kong kinuha yung sapatos ko sa labas at dinala papasok sa loob. Iniwan ko sa tabi ng damitan ko at hinayaan ko yung sarili kong mahiga sa higaan ko.

Ngayon ko ramdam na ramdam yung pagod. Grabe! Parang ako yung mas pinakatutukan. Gagawin yata nila akong professional chef.

Sa sobrang sakit ng likod ko, hindi ko na magawang umikot-ikot pa sa higaan. Hinayaan ko nalang yung sarili ko na lamunin ng dilim.



Pananaw ng Pangatlong Tao

“Ipinatatawag mo daw ako?” Turan ng isang lalaki sa isang lalaking nakatalikod.

“Nais kong patayin mo ang dalagang nagngangalang Wanya Lee sa araw ng pagsusulit. Patayin mo sa isang makamandag na panang babaon sa kanyang dibdib.”




Ryke Jie Solidad

Naalimpumgatan nalang ako dahil sa gutom. Ni hindi na ako nakapagpalit dahil sa pagod. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Mabilis kong sinilip si Shuli at tulog na tulog na.

Napatingin pa ako sa tyan ko nang tumunog ito. Teka—— anong oras na ba? Hindi pa ako naghahapunan. Gutom na gutom na ako.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang sapatos ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Lahat ay paniguradong tulog na. Wala naman sigurong makakakita kung pupunta ako ng kusina?

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at mabilis na lumabas bago muling isara. Dahan-dahan akong bumaba sa damo at mabilis na naglakad ng nakatapak. Pangalawang beses ko nang gagawin ito. Ang pagtakas.

Mabilis akong lumabas sa lugar kung saan kami tumutuloy. Ito na naman sa mga panuluyan ng mga nakakataas. Sinuot ko na ang sapatos ko dahil medyo may kalamigan din.

Mabagal akong naglakad sa dereksyon papunta sa kusina ng palasyo. Nagulat ako nang marinig ko ang mga tunog ng mga paa ng kabayo kahit nasa malayo palang.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya mabilis akong tumakbo pabalik pero may humatak sa kamay ko at mabilis na tumakip sa bibig ko na kinagulat ko.

Sa pangalawang pagkakataon, may humatak na naman saakin sa likod ng mga bahay at nasaksihan ko na naman ang mga kabayong lumalabas sa palasyo.

Ilang segundo lang ay nawala na sila at mabilis na tinanggal ng lalaki yung kamay niya sa bibig ko kaya mabilis akong tumayo ng maayos at humarap sakanya.

Nagulat ako nang makitang hindi ang Emperador ang nagligtas muli saakin. Teka—— umasa ba ako? Baliw!

“M-maraming salamat ginoo.” Nakangiti kong turan sakanya.

Binaba naman niya yung sombrero niya. Muntik pa akong mapaiktad sa sama ng tungin niya.

“Heneral Suk.” Bulong niya na agad kong kinatango.

Sa suot niyang buong itim at isang mahabang espada, malamang ay heneral nga siya.

“Paumanhin heneral.” Pag-uulit ko sabay yuko ng kaunti.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon