Pasilip

5.5K 175 10
                                    

***

Pwede kayang bumalik ka sa nakaraan? Nakaraan kung saan ikaw mismo ang nabuhay?

Pwede kaya yon?

Ako kasi, napatunayan kong pwede. Bumalik ako sa panahon kung saan ako nabuhay dati. Sa panahon kung saan napaka-komplikado pa ng lahat.

Ako si Ryke Jie o Lee Wanjie at siya naman si Emperador Han Jisuk. Ang tanging alam ko lang, ay parang ayaw ko nang bumalik sa kasalukuyang panahon.

Ayaw ko siyang iwanan kahit napaka-delekado. Kahit pa ang buhay ko ang nakataya. Buhay ko na isang saksak lang sa isang espadang singtalim ng mga tingin niya. Singtigas ng puso niya.

Pero wala akong magagawa. Ayaw na niya din akong pakawalan. Kaming dalawa ang tataya. Hindi naman alam kung mananalo ba kami.

Ano nga bang nagustuhan ko sa panahong ito, siya ang Emperador at ako ang Emperatis niya. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko at nasa bingit din ang pwesto niya bilang Emperador ng dinastiyang Han.


"Kung mamatay man ako o ikaw Jiejie aking mahal, maari ka bang mangako na susunod ka agad saakin? Nangangako din akong susunod ako sayo agad aking mahal. Wala na akong iniisip na iba. Wala na akong pakialam sa trono at katungkulan ko. Mas importante ka na Wanjie. Mangako ka. Mangako ka mahal ko. Nagmamakaawa ako." - Emperador Han Jisuk


***
kalli

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon