Kabanata 18

1.3K 114 6
                                    

*Simula ng Kabanata Labing-walo*


Ryke Jie Solidad

    Nakahawak ang mahal na Emperador sa bewang ko habang naglalakad kami palabas ng tuluyan niya. Agad sumalubong saamin yung mga hindi mabilang na tagapaglingkod at talagang gulat na gulat nang makita ako. Napatingin naman agad ako sa Emperador nang mabilis niyang inalabas ang isang pamaypay na kahoy at mabilis na buksan bago iharang sa mukha ko na nakikita ng mga tagapaglingkod bago ako mas lalong hapitin at maglakad muli.

Hindi na din ako nagulat nang makita yung mga kawal na nakapila at tila nag-aabang saamin. Naglakad kami hanggang sa tarangkahan at mabilis yon binuksan ng mga kawal pero hindi niya pa din inaalis sa mukha ko yung takip ng pamaypay hanggang makalabas na kami ng tarangkahan. Agad nakahanda yung isang kalesa na may kabayong itim. May pintuan yung kalesa at may bintana. Agad niyang binuksan yung pintuan at hinawakan yung mga kamay ko at inalalayan paakyat. Mabilis naman akong umupo sa upuan nitong maluwag na espasyo nitong kalesa.

Agad naman akong napatingin sa Emperador nang hindi siya umaakyat. Tinitigan ko siya na para bang nagtatanong pero nakangiti at nakatitig lang siya saakin bago ipatong yung pamaypay sa tabi ko at isara yung pintuan na pinagtaka ko. Agad akong umusog ng bahagya at mabilis na tinaas yung kurtina para sumilip. Nakita kong nakikipag-usap siya sa mga kawal at tagapaglingkod at ilang minuto lang ay sinuot niya na yung itim niyang maskara. Simpleng itim na maskara na matatakpan yung buong mukha niya na may isang itim na nakaukit na ahas sa pisngi ng maskara. Mabilis siyang lumapit sa kalesa at dalawang beses na kinatok bago mabilis na sumakay sa isa pang kabayo at naramdaman ko na yung pag-andar ng kalesa. Napahinga naman akong malalim bago sumandal sa upuan pero napangiwi ako sa sakit. Nakalimutan ko yatang may sugat ako. Bwiset!


    HINDI ko na alam kung ilang oras akong nakasakay dito sa kalesa. Pero isa lang ang alam ko. Inip na inip na ako at gutom na gutom! Gustong-gusto ko na tumalon dito. Hindi ko alam kung anong oras kami nagsimulang maglakbay pero pasikat palang ang araw.

Kanina ko pa nilalaro 'tong pamaypay na pula na may bulaklak na mga design. Bukas-sara bukas-sara. Napapagod na din yung pamaypay saakin. Narinig ko pang kumalam yung sikmura ko. Napamura nalang ako sa inis. Agad naman akong napahinto sa pagmamaktol nang huminto yung kalesa at mabilis na pagbukas ng pintuan nito. Agad bumungad saakin ang mahal na Emperador habang nakamaskara. Medyo nakakatakot yung maskara niya.

"Kamahalan?" Bulong niya dahilan para mawala ako sa malalim na pag-iisip.

Inaalok niya yung niya saakin. Hindi ako nagdalawang isip na hawakan yung kamay niya. Agad niya akong inalalayan pababa. Agad ko naman inayos yung suot ko nang makababa na ako ng tuluyan.

"Nandito na tayo?" Bulong ko sakanya bago tignan yung buong lugar pero parang nasa palengke lang kami.

Pero hindi kagaya sa pelengke namin sa pamayanan ko. Para siyang mall na hindi ko maintindihan. Madaming tindahan at gawa sa bato at maganda yung istraktura bawat tindahan. Wala din nagkukumpulan na tao. Para talaga siyang mall at madami yung tindahan.

"Wari ko'y nagugutom ka na, aking Kamahalan." Bulong niya pa na kinapula ng mukha ko. Bakit kapag binabanggit niya yon, nahihiya ako?

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya pa na tinanguan ko lang.

Inangat niyang konti yung mga kamay niya at tinignan ko naman siya nang may buong pagtataka sa mukha. Hindi ko naman makita kung anong ginagawa niyang ekspresyon dahil sa masakara pero ramdam ko yung inis niya at hinawakan nang maingat yung kamay ko bago isukbit sa kamay niya. Yun lang pala yung gusto. Pinahirapan pa ako.

Naglalakad lang kami at ako naman ay tumitingin lang sa mga nadadaanan naming tindahan. May pamilihan ng tinapay at hindi lang basta tinapay. Parang Red Ribbon o Goldilocks yung datingan. Sa pamilihan namin sa pamayanan, wala naman ganito. Bakit dito meron? Napaisip naman ako habang nakatitig sa mga pangpusod ng mga taong nakikita ko. Puro itim at asul lang ang mga pangpusod nila. Sila yung mga pangalawa sa pinakamataas. Naalala ko, kaya wala kaming ganito dahil mababang uri lang kami.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon