Kabanata 24

1K 107 11
                                    

Kabanata 24

Pananaw ng Ikatlong Tao

Napahinto na lang si Jisuk nang makita kung paano tumalon si Wanjie sa malalim na palaisdaan. Napatakip na lang din ng bibig si Maria dahil sa nasaksihan.

"W-wanya!" Malakas na sigaw ni Maria at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Wanjie?! Wanjie?!" Paulit-ulit naman sigaw ni Jisuk at mabilis na tumakbo papunta sa palaisdaan.

Hindi siya nagdalawang isip tumalon sa palaisdaan na kinagulat ng mga tagapaglingkod.

"Kamahalan!" Sabay-sabay nilang sigaw at napatakip na lang ng bibig.

Lahat sila ay gulat na gulat sa pangyayari. Mabilis tumakbo si Maria papunta sa tabi ng palaisdaan. Pilit niyang tinatanaw ang dalawa sa ilalim ng tubig pero tanging mga bituin lang sa langit ang kanyang nakikita. Halos lahat sila ay pigil ang hininga dahil sa takot at pag-aalala.

Makalipas ang animnapung segundo, nagulat ang lahat nang umahon ang Kamahalan, yakap-yakap si Wanjie.

"Kamahalan!" Agad na turan ni Maria habang nakangiti at mabilis na inabot ang kamay ng Kamahalan.

Hindi nagdalawang isip na hinawakan ni Jisuk ang kamay ni Maria at mabilis na umahon sa tubig. Agad niyang inihiga si Wanjie at mabilis na tinignan ang paghinga nito.

"Wanjie?!" Malakas na sigaw niya habang tinatapik ang pisngi ni Wanjie.

"Jie-jie, h'wag kang bibitaw!" Sigaw niya pa at sinubukan ng paulit-ulit na bombahin ang dibdib ni Wanjie.

"Wanjie!" Sigaw niya pa.

Nakailang ulit na din siya pero hindi pa din bumabalik ang malay ni Wanjie na labis na kinatakot ni Maria habang nakatitig dito.

Agad hinawakan ng Kamahalan ang pisngi ni Wanjie at mabilis na iawang ang bibig nito. Wala siyang pagdadalawang isip na ilapat ang labi niya sa labi ni Wanjie at mabilis na salinan ng hangin. Salit-salit ang ginawa niyang proseso at hindi nawalan ng pag-asa hanggang sa bumalik muli ang malay ni Wanjie at isuka lahat ng tubig na kanyang nainom.

"J-jie jie!" Agad na turan ng Kamahalan at agad na niyakap si Wanjie.

Nakahinga nang maluwag ang lahat at patuloy pa din sa pag-ubo si Wanjie pero walang pakialam ang Kamahalan. Nakayakap siya dito habang hinahagod-hagod ang likod niya.

Hahawakan na niya sana ang mukha ni Wanjie nang makita ang dugo sa palad niya na labis niyang kinagulat. Agad niyang tinignan ang likod ni Wanjie at bumungad sakanya ang mga sariwang sugat dahil sa pagpaparusa.

Muling nawalan ng malay si Wanjie pero bumalik na sa ayos ang paghinga niya. Agad binuhat ng Kamahalan si Wanjie at mabilis na tumingin kay Maria.

"Alamin mo kung sino ang nagparusa. Sila ay mananagot kung walang sapat na basehan." Agad na turan niya kay Maria bago mabilis na naglakad papasok sa kanyang tuluyan kasama si Wanjie.







Lee Wanjie

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakahiga ako sa isang malambot na higaan na napapalibutan ng puting telang manipis.

Hindi pa ako namatay? Sana namatay na lang ako. Gusto ko nang mamatay kahit hindi na ako makabalik sa mundo ko.

Dahan-dahan tumulo ang aking mga luha nang maalala ko lahat ng aking nasaksihan. Hindi ko na pinansin ang kirot ng aking mga sugat na likod na halos tagos sa aking mga buto dahil mas masakit ang sugat ng aking puso. Bakit niya gustong wakasan ang aking buhay? Binigay ko sakanya ang lahat-lahat. Tiwala, pagmamahal at sarili ko pero bakit ganito ang binalik saakin?

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon