Kabanata 26

1.1K 108 10
                                    

Kabanata 26

Lee Wanjie

    Nakatitig lamang ako sa kawalan habang nakaupo dito sa veranda sa itaas, dito sa may silid tulugan ko. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin sa aking isip kung bakit nais kunin ng Emperador ang aking buhay. Wala akong makitang sapat na dahilan upang ikagalit niya. Sinusunod ko ang utos niya, hindi ko kailanman siya sinuway. Anong magiging dahilan niya para kitilin ang aking buhay?

Napahinga na lamang ako nang malalim at marahan na pumikit. Hinayaan ko ang sarili ko na langhapin ang sariwang hangin na sumasalubong sa akin. Ilang segundo akong nakapikit bago dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Bigla kong naalala ang libro na aking hiningi kay Jikjik at Janjan. Hindi ko na 'yon nakita simula nang bumalik kami dito.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ako mismo ang nakta ko sa larawan na nakalakip sa libro. May mga maliliit pang karakter sa ilalim ng litrato na parang makalumang paraan ng pagsulat. Kung hindi ako nagkakamali, para itong Baybayin na tinatawag.

Ngunit nasaan na ang libro? Bakit bigla na lang itong nawala sa pangangalaga ko? Sigurado akong may sinasabi sa libro na tungkol o konektado sa akin. Nais kong malaman pero bakit pinipigilan? Pinipigilan ng kung sino? Nais kong malaman.







    IPINATONG ng Kamahalan ang apat na makakapal na libro sa mesa sa harap ko. Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang silid aklatan dito rin sa loob ng kanyang tuluyan. Noong unang kita ko pa lang dito ay alam ko nang may tinatago talaga sa itaas na parte ng tuluyan. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa kanya upang ako'y bigyan ng pahintulot sa lugar na ito.

Ang ikalawang palapag, ay may apat na silid. Ang silid kung saan ako nagpapahinga o ang silid din ng Kamahalan, ang silid ng mga damit, silid kung saan tumatanggap ng bisita ang Kamahalan na katabi lamang ang aking silid ngayon na silid niya rin at ang huli, na kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan. Kinuha niya ang unang libro at binuksan bago ipatong sa harap ko.

"Iyong makikita sa nilalaman ng librong 'yan ang posisyon at pamamalakad sa politika ng palasyo." Turan niya. Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin at nanatili ako sa libro. Nakita ko naman ang paraan ng pagsulat. Wari ko'y makabago na ito.

"Aking Kamahalan…" Mahina kong turan bago tumingin sa kanya. Agad din siyang tumingin sa akin habang nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ito na po ba ang makabagong pamamaraan ng pagsulat?" Mahinang turan ko.

Napatitig naman siya nang ilang segundo sa akin bago ngitian ako at sumagot. "Hindi ka nagkakamali, aking sinta." Mahina niyang turan na kinatawa ko nang mahina.

"Dalawang dekada na simula nang alisin ang makalumang pamamaraan ng pagsulat." Paliwanag niya na kinatango ko bago ilipat ang pahina ng libro kung saan nakataya ang mga posisyon sa politiko at pamahalaan dito sa loob ng palasyo.

"Ang pamahalaan ng palasyo ay binubuo ng Emperador at Emperatris. Ang nagdaang Emperador at Emperatris ay wala ng karapatan sa pakikialam sa pamamalakad ng tagapagmana. Ngayon ay nasa labas sila nitong palasyo ko, at nasa kanlurang bahagi." Paliwanag niya sa akin. Kaya pala may isang malaking tuluyan sa kanlurang bahagi. Doon pala namamalagi ang nagdaang Emperatris at Emperador.

"Sa ilalim ko, may walong tagapagbatas at labin-dalawang tagapayo." Turan niya. "Ang tagapagbatas ang gumagawa ng mga batas na kung aking pahihintulutan ay magiging isang tunay na batas na kailangan sundin. Ang mga tagapayo ay mga taong nagbibigay ng opinyon sa bawat hakbang na aking gagawin. Pero ako pa rin ang masusunod sa lahat." Mahabang paliwanag niya.

"Sa ilalim nila ang mga Heneral ng tagapaglingkod at tagapangalaga sa katahimikan nitong buong palasyo. Sumunod ang mga ulo o puno na nangunguna sa tagapaglingkod at tagapagluto sa kusina ng palasyo."

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon