Kabanata 21

1.1K 103 3
                                    

Ryke Jie Solidad

    Hindi ko na binilang kung ilang oras kaming nakaupo sa kabayo ay nagkwekwentuhan. Tawa lang ako nang tawa habang siya naman ay nagkwe-kwento nang nagkwekwento. Ano-ano nang kwinekwento niya  na kinakatawa ko.

"Sobrang nagagalak ang aking puso na makita kang nakangiti." Mahina pang bulong niya na kinangiti ko.

"H'wag po kayong mag-alala. Nangangako akong ngingitian kita hangga't nais mo, mahal na Emperador." Turan ko naman siya.

Natawa naman siya ng mahina at hinigpitan ang yakap sa bewang ko bago hawakan ang pisngi ko ng dahan-dahan at dampian ako ng halik sa noo. Napapikit nalang ako ng dahan-dahan at dinadama ang init ng halik niya sa noo ko.

Napamulat nalang ako matapos ang ilang segundo nang naramdaman kong inalis niya ang pagkakayakap saakin at mabilis na bumaba sa kabayo pero hindi inaalis ang mahigpit na paghawak sa kamay ko. Nang makababa siya, agad niyang hinawakan ang bewang ko at mabilis na buhatin pababa sa kabayo.

Mabilis naman akong humawak sa leeg niya ng mahigpit. Akala ko ay ibababa niya ako sa lupa pero inayos niya lang ang karga saakin at mabilis na naglakad paalis at hindi pinansin ang nagpipinta.

"Hoy? Hindi natin siya kakausapin?" Hindi ko mapigilang bulong.

Magdikit naman ang mga kilay niyang tumingin saakin.

"Hoy? Ako ang iyong mahal na Emperador. Hindi ako si 'Hoy', Jie-jie. Isang kalaspatanganan ang iyong nilabag. Kailangan mong maparusahan." Nakangisi niyang bulong na kinalaki ng mga mata ko.

"H-ha? Ano p-po? Isang kalapastanganan na naman——" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang tumigil sa paglakad at mabilis akong siniil ng halik sa labi.

Napapikit nalang ako at mabilis na napayakap sakanya ng mahigpit. Ilang segundo pa bago niya pakawalan ang mga labi ko at mabilis ulit na ayusin ang pagkakakarga saakin.

"Halik ang kabayaran ng iyong kalapastanganan. Laspatanganin mo pa ako. Hindi ako tututol. Tiyak na ako'y masisiyahan, aking Jie-jie." Nakangisi niya pang bulong na kinapula ng mga mukha ko.

Isinandal ko nalang ang aking mukha sakanyang dibdib bago siya maglakad papasok ng bahay. Nakita kong mabilis kaming umaakyat paitaas at mabilis na pumasok sa aming kwarto. Agad niya akong iniupo sa higaan namin at agad na hinawakan ang pisngi ko.

"Maghintay ka rito. Ako'y may kukunin lamang." Nakangiti niyang bulong saakin at mabilis akong hinalikan sa noo bago mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang lumabas siya at hinayaan kong bumagsak ang sarili ko sa malambot na higaan. Mabilis kong tinakpan ang namumula kong mukha dahil sa kilig. Grabe! Ang sarap palang kiligin.

"Aking kamahalan? Anong nangyayari sayo?"

Agad akong napaayos ng upo nang marinig yung boses ng mahal na Emperador. Nanlalaki yung mata at nahihiya ko siyang tinignan.

Iba na ang kanyang kasuotan. Isang roba na na kulay itim na may gintong sinturon. May hawak din siyang isang pulang panloob na roba at pulang panlabas na roba na panlalaki na may mga gintong disenyo ng bulaklak at kulay gintong sinturon.

"Ano ang nangyayari sayo, aking kamahalan?" Bulong niya nang mabilis siyang nakalapit saakin pero lalo lang akong nahiya.

"W-wala po, mahal na Emperador." Mahina kong bulong at mabilis na yumuko dahil sa hiya.

Nakita ko naman siyang agad lumuhod sa harap ko at mabilis na hawakan ang baba ko para itapat sa kanyang mukha. Ilang segundo niya akong tinitigan at unti-unti niya akong pinaniningkitan ng mga mata na kinatawa ko ng mahina.

𝐖𝐀𝐍𝐉𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon