CHAPTER 10

31.3K 217 42
                                        

■▪︎▪︎■

Tatlong araw na akong pinagsisilbihan ni lucas, tatlong araw na din akong nakahiga na para akong lumpo kahit sabihin kong kaya ko na pero ayaw pa din ni lucas sabi niya ay hanggat hindi pa tapos ang isang linggo ay hindi pa ako pwedeng tumayo. Ayaw niya daw sa lahat ay yung pinag aalala. Edi ikaw na boss tss.

Mag-isa ko lang ngayon sa kwarto dahil may pupuntahan daw siya. Hindi ko alam kung saan pero sa isa lang ang nasa isip ko, 'yon ay sa kaibigan niya.

Mabuti nga't wala siya dito dahil 'pag nasa tabi ko siya ay hindi ako makapag-isip parang sakanya lang kasi umiikot ang isip ko.

Naiisipan kong tawagan sila nanay ilang araw ko na silang hindi nakakausap. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng higaan.

Nakakailang ring palang ito ay may sumagot na agad.

"Hello 'nak?" Boses iyon ni inay.

"Hello nay...kumusta po kayo d'yan ni itay?" Tanong ko habang may nagmamatyag na luha sa mata ko.

"Maayos naman ang lagay namin dito 'nak, ikaw d'yan kumusta ka?" Napayuko ko at pinahid ang luha ko sa mata. Bakit ba ang bilis kong maiyak. Hindi kaagad ako nakasagot huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Naku nay, okay na okay ako dito kayo nga ni itay ang iniisip ko e" napakagat ako sa labi dahil parang may  bumabara sa lalamunan ko.

"Anak, huwag mo kaming alalahanin ng itay mo dito ayos lang kami, ikaw ang mag ingat d'yan dahil h-hindi ka sanay sa manila..." bumaba ang tuno ng boses nito pero hindi ako nalang pinansin.

"Wala po ako sa manila nay..."napakagat ako sa labi.

"Ha?e asa'n ka kung ganun?"

"Nasa Palawan ho ako, may ikakasal ho sanang kaibigan ni boss kaso hindi natuloy"napa tingin ako sa labas dahil may naririnig akong ingay.

"Ah ganun ba?sayang naman...bakit hindi na tuloy?"

"Um..kasi po umalis yung babae–" napahinto ako dahil mas lumakas ang ingay parang nasa pinto na ito "nay sandali lang ho, tatawagan nalang ako ulit"

"Sige 'nak, mag-iingat ka d'yan ha.."

"Opo nay, kayo din po d'yan ni itay paki sabi nalang ho na tumawag ako"

"Sige 'nak.."pinatay ko na ang tawag dahil kumalabog ang pinto.

May narinig akong babae na nagsasalita tila ba nakikipag talo.

Marahan akong tumayo hindi na masyadong masakit pero mahapdi pa din ito pero pinilit ko para makita ang nangyayare sa labas.

Ika-ika akong naglakad hanggang sa makapunta ako sa pinto ng buksan ko ito ay bumungad sa'kin si lucas at...kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan niya ang kasama niya.

Hawak ni lucas ang kamay ng babae tila ba pinipigilan ito. Nakangiting bumaling sa'kin ang babae pero mas kita ko sa mata niya ang pagkamangha. Ganun din ang itsura ni lucas.

"H-hey..." usal ni lucas

"H-hi..." sabi naman nung babae. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kaibigan na sinasabi niya.

"U-um...pasok kayo" sabi ko at binuksan ko ang pinto.

"Omg thanks!" sabi ng kaibigan ni lucas at pumasok na ito sa loob si lucas naman ay lumapit sa'kin.

"Bakit tumayo kana?di'ba sabi ko sayo huwag kang aalis sa higaan mo" nagtiim ang bagang nito.

"Narinig ko kasing may maingay sa labas, tsaka medyo okay na ako mahapdi nalang ng unti" napabuntong hininga ito at bumaling sa kaibigan niya na nakaupo sa sofa.

 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon