CHAPTER 20

17.1K 203 67
                                    

■▪︎▪︎■

Kakahatid lang sa'kin ni lucas ngayon, ilang beses ko siyang tinanggihan dahil baka may makakita sa'min na magkasama kami. Lalo na ngayong marami ng nakakaalam tungkol sa relasyon namin. Alam kong hindi maiiwasan na palagi kaming magkasama dahil secretary niya ako at boss ko siya.

Tinawagan ko na din si Inay at Itay para kamustahin sila. Hindi ko sinabi na nahimatay ako dahil alam kong tudo ang pag-aalala nun. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay kumain na ako ng hapunan.

Nagshower na din ako at kumain saka humiga sa kama. Pakiramdam ko ay maubos ang energy ko buong maghapon kahit hindi na ako pinagtrabaho ni lucas. Hapon na din kasi ako nagising nahihiya pa nga ako sakanya dahil wala akong nagawa buong maghapon.


Kinaumagahan ay maaga akong nagising para hindi ko na maabutan ang mga marites na empleyado ni lucas. Iiwasan ko na sila ngayon sa abot ng aking makakaya masyado silang masakit magsalita at hindi ko makayanan iyon dahil sa mababaw masyado ang luha ko para dun. Pero kailangan ko atang masanay sa ganung salita kahit wala namang katuturan ang mga sinasabi nila.


Nangmalapit na akong makarating sa building ay inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Nakita ko ang mga empleyado na nagsisipasukan na, parang kahit maaga ako ay may mga mas maaga ding pumapasok. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap, binati ko ang guwardya tudo ngiti naman ito sa'kin.


"Hays, pati guwardya pinapatulan" rinig kong sabi ng babae mula sa'king likuran. Parang nag init ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang lingunin at sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayukong gumawa ng gulo dito. Hangga't kaya kong tiisin ay pipigilan ko.


Patuloy pa din ako sa paglakad hanggang sa makapasok ako sa elevator may mga sunod-sunod ding babae na pumasok. Nasa gilid ako ngayon at nakayuko nagulat ako ng may humablot sa braso ko ramdam ko ang kuko nito kaya humapdi iyon.


"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Mataray na sabi ng babae. Mapupula ang pisngi nito dahil sa make up at ang labi nito ay mapula na makintab.


Nangtumingin ako sa kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa braso ay kaagad niya iyong tinanggal na parang nandidiri.


"Alcohol nga nakalimutan kong malansa ka baka kumapit ang amoy mo sa'kin" maarteng sabi nito. Nagtawanan naman ang kasama niya sa kanyang sinabi.


"Anong kailangan niyo sa'kin?" Seryosong tanong ko habang hawak ko ang braso ko na mahapdi dahil sa talim ng kuko ng babae.


"Hmm itatanong sana namin kung paano lumandi ng amo?" Sabi ng babae at nagtawanan ulit sila.


Nangmatapos silang magtawanan ay tumingin ito sa'kin na parang nandidiri.


"Nagkamali ata kayo ng napagtanungan" sambit ko.


"Bakit naman kami magkakamali e, ikaw lang ang malandi dito, duh" Nag apir pa ang mga ito at malakas na nagtawanan na parang baliw. Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya. Mas magandang manahimik nalang ako.


"Oh bakit hindi ka makaimik dyan?" Sabi ng isang babae na hindi pantay ang pagkaka drawing ng kilay "Tinatanong ka namin bakit ayaw mong sumagot!" Sigaw niya pa dahilan para mapaigtad ako.


Kanina pa ako nagtitimpi sa mga sinasabi niya, hindi ko alam kung bakit mahilig silang mangialam ng buhay ng isang tao. Ganun nalang talaga ang tingin nila sa mahirap na katulad ko.


Oo sabihin na nating mahirap ako pero kailangan bang ganito nalang ang ituring nila sa'kin na malandi, gold digger at kung ano-ano pang masasakit na itawag nila sa'kin. Tao din naman ako katulad nila pero hindi ngalang ako kasing kitid ng utak nila na kung mag-isip ay parang walang pinag-aralan.


 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon