■▪︎▪︎■
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko kinuha ko iyon at sinagot ng hindi ko tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello" paos ang boses ko dahil kakagising ko lang.
"Sorry, naistorbo ba kita?" Napamulat ang mata ko ng marinig ko ang boses ni lucas!
Tinignan ko ang oras at 12 midnight na?!sinong matinong tao ang tatawag ng ganito oras!
"Oo" sarkastikong sabi ko.
Totoo naman eh, honest lang.
"I-im sorry, gusto ko lang sabihin na pupunta ako dyan sa bahay mo bukas" napaupo ako sa sinabi niya. Pwede naman siyang pumunta dito ng hindi nagpapaalam ah!tinawagan niya pa talaga ko!
Salubong ang kilay kong napatingin sa cellphone at binalik iyon sa tenga ko.
"Ano namang gagawin mo dito?" Kunot nuong tanong ko.
"Uh, syempre aalagaan kita–"
"Hindi na kailangan lucas..."
"Bakit–"
"Kaya kong alagaan ang sarili ko, tsaka hindi naman masyadong masama ang pakiramdam ko" napakagat ako sa aking labi "gusto ko lang magpahinga..."
"Kahit na, pupuntahan pa din kita" pagpupumilit nito.
Makulit talaga!
"Wag na!paano ang companya mo?mas kailangan ka nila dun" inis na sabi ko.
Argh!
"Dyan ako magtatrabaho sa bahay mo" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Parang wala naman akong laban dito.
"Fine!bahala ka" singhal ko sa cellphone at pinatay ko iyon.
Pasalampak akong humiga sa kama at pinawer off ko ang cellphone ko baka kasi tumawag na naman. Masyado siyang makulit!
Teka, bakit ang init ng ulo ko? Tanong ko sa'king sarili.
Hays!pa'nong hindi iinit ang ulo ko eh madaling araw na tumawag pa siya. Sagot ko sa'king sarili.
Humiga ako ng maayos at pinilit kong makatulog hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising bumili ako sa labas ng itlog at kape para mag almusal.
Nangmaluto ko iyon ay kumain na ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng marinig ko ang making ng sasakyan sa labas kaya napahinto ako sa pagsubo.
Si lucas na ba 'yon? Teka bakit ba hinihintay ko siya? Wala naman siyang sinabi kung anong oras siya dadating—
Tok-tok-tok
May kumakatok!
Napatayo ako at mabilis na naghugas ng kamay.
Tumingin muna ako sa salamin kong maayos ang itsura ko, inayos ko ang magulo kong buhok at mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ko iyon.
Napapikit ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.
Naamoy ko agad ang pabango ni lucas.
Parang mamamatay ako sa sobrang bango. Char!
"Hey, good morning" napamulat ako ng marinig ko ang boses niya.
