CHAPTER 5

43.4K 280 76
                                        

■▪︎▪︎■

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo, pag labas ko ay wala pa din si boss at kung bumalik na 'yun sana may iniwan siyang damit.

Nagpatuyo muna ako ng buhok habang tinatanaw ko ang napakagandang dagat, ilang araw palang akong wala pero namiss ko na ang tanawin na aking kinagisnan binuksan ko ang bintana kaya nalanghap ko ang amoy dagat na hangin napakasarap sa pakiramdam feeling ko ay nakabalik na ulit ako sa isla.

"Cassie.."napatalon ako ng magsalita si boss, hindi ko manlang namalayan na nandyan na pala siya, at may kasama din siyang tatlong babae na may mga dalang bag?

"Boss andito na pala kayo" nakita ko naman na may mga babaeng nakasunod sakanya "magandang araw po sainyo" bati ko sa tatlong babae nakangiti naman sila saakin

"Iwan niyo nalang lahat 'yan dito tatawagan ko nalang kayo kapag may hindi siya nagustuhan na damit" sabi ni boss sa tatlong babae "Pumili kana ng mga gusto mo dyan"

"Boss ang dami naman po nito, ilang araw po ba tayo dito?"

"Isang linggo, kaya pumili kana ng gusto mo dyan or 'wag na tutal matatagalan tayo dito si mom ang pinapili ko ng mga 'yan sana magustuhan mo"

Bakit ang tagal namin dito, ganito ba talaga pag a-attend ng kasal.

"Salamat po sa mga damit boss, sobra sobra na po ito"

"No worries, magbihis kana para makakain na tayo,"

"Sige po boss salamat po ulit" nakangiting sabi ko at pumasok na ako sa banyo, ang pinili kong damit ay dress na kita ang likod at sigurado akong fit ito saakin, halos lahat ay maiksi, kung hindi kita ang likod ay kita naman ang cleavage ko!bakit ganito?mommy niya ba talaga ang pumili nito?wala manlang pantalon?or t-shirt?nakakahiya kasi kapag haharap ako ng ganito kay boss at mas lalaong nakakahiya kong magrereklamo ako na bakit ganito ang mga damit na binigay nila saakin.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, bagay na bagay ito sa'kin dahil maganda naman ang katawan ko kahit papaano ay may shape naman ako.  Nakakahiya ngalang kung ganito akong haharap kay boss!

Ilang minuto pa akong nanatili sa banyo bago lumabas para kumuha ng lakas dahil ngayon ay hiyang hiya ako, pero ano pa ngaba ang magagawa ko andito na 'to hindi na ako pwedeng mag inarte.

Nang makalabas ako sa banyo ay nakita ko si boss na nakatingin sa karagatan, narinig niya siguro ang yabag ng paa ko kaya napatingin ito saakin.

"Bakit ang tagal–" napahinto ito sa pagsasalita at tinignan ang kabuuhan ko. hindi naman sa pagiging assuming pero kita ko ang pagkamangha sa mukha niya

"Sorry boss natagalan ako" sabi ko at humarap ako sasalamin para magsuklay ng buhok, nakatalikod ako mula sakanya nakikita ko naman siya sa salamin "bagay po ba sa'kin?" Ewan ko ba kung bakit ko tinanong iyon.

"Y-yeah..it looks good–I mean it's too revealing but yeah..bagay sayo" Patango tango na sabi ni boss, magsasalita palang sana ako ng tumunog ang Cellphone niya, pumunta muna ito sa terrace.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay tinali ko ito at naglagay ako ng kaonting buhok sa gilid ng mukha ko, kinuha ko na din ang heels na nakalagay sa box, medyo mataas ito pero kaya ko naman ilakad 3 inches lang naman.

Sakto namang natapos ako ay tapos na din si boss makipag usap.

"Bukas ng umaga ang kasal ng kaibigan ko, fuck akala ko naman ay ngayon na, pinagmadali pa'ko ng gagong yun, btw  let's go?nagugutom na'ko"

Nakasunod lang ako kay boss habang naglalakd siya, sumakay kami ng elevator tahimik lang kami parang nabibingi na ako sa sobrang katahimikan.

 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon