■▪︎▪︎■
Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw na lulutuan ko si cassie ng breakfast. Pumasok agad ako sa banyo para maligo.
Pagbaba ko ay natanaw ko agad si daddy na umiinom ng kape mula sa terrace at may hawak itong dyaryo. Sakto namang pagbaba sa hagdan ay lumabas si mommy mula sa kusina, may hawak itong plato at may nakalagay doon na bacon.
"Oh, good morning son–oh my god—what happened to your face?!" gulat pa napagkakasabi ni mom na halos umalingawngaw ang boses niya sa buong mansiyon.
"Mom, this is nothing"
"Anong nothing ka dyan!" Mabilis nitong nilapag ang bacon sa lamesa nakita kong marami ng nakahain na pagkain para sa almusal, kanina pa siguro sila gising ni dad— nagulat ako ng hawakan ni mommy ang dalawang pisngi ko kaya napadaing ako sa sakit ng pasa ko.
"Mom!don't touch it masakit!"
"Haynaku lucas ah! Bakit napapaaway ka? Ngayon lang kitang nakitang may ganyan!" Galit na sabi ni mom napahawak ito sa nuo sabay iling "what the hell is happen?" Malumanay na napagkakatanong ni mom.
"Wala...m-may nakaaway lang ako sa bar" pagsisinungaling ko kesa namang sabihin kong sinutok ko si luke dahil alam kong tatanungin niya 'yon kung bakit.
"Matanda kana lucas, alam mo na ang ginagawa mo pero bakit naman umaabot sa ganyan?paano kung napatay ka 'nun ha?!"
"Mom hindi ko naman hahayaang mangyare 'yon ako pa ba?" Mayabang na pagkakasabi ko para matigil na si mommy sa o.a niyang pag-aalala.
"Okay fine!May tiwala naman ako sayo pero SANA!" madiin na pagkakasabi niya dun "sana hindi na maulit 'yan"
Napabuntong hininga nalang ako at nagtimpla ng kape.
"Ang aga mo yata ngayon ah? Anong meron?" Nagtatakang sabi ni mom.
Kadalasan kasing gumigising ako ng seven thirty or eight thirty naman kung wala masyadong ginagawa sa office.
"Nothing..." kibit balikat na sabi ko. Nakita ko namang nagtaas ng kilay si mommy "What?" Natatawang sabi ko.
"Imposible na gumising ka ng ganito kaaga?" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni mom.
"Oh come on mom-"
"Kilala kita lucas, hindi ka gigising ng maaga kung hindi naman important ang gagawin mo?" Pagpuputol nito sa sasabihin ko "and look at your eyes they're look so happy hindi ka naman ganyan kasaya 'pag gumigising?" Kita ko ang kislap ng pang aasar ni mommy.
"Mom please...stop" napawi na ang ngiti ko sa labi dahil sa pang aasar ni mom.
"Oh ano naman ang pinagtatalunan niyo dyan?" Tanong ni dad habang naglalakad papunta kay mom.
"Ito kasing anak natin ang aga gumising" sabi ni mom kay dad at tumingin ito sa relo" look it's six twenty palang" pinakita ni mom ang relo niya kay dad kunot nuo namang tumingin sa'kin si dad.
Napahawak nalang ako sa nuo.
"Anong nangyare sa mukha mo?bakit may pasa ka?"tanong ni dad pero mahinahon lang iyon hindi tulad ni mommy na o.a.
"Napaaway lang dad"
"Oh, ayos lang 'yan hindi talaga maiiwasan ang mapaaway" sabi ni dad at tumango "lalo na sa mga gwapong tulad natin right son?" Natawa ako sa sinabi ni dad nakita ko namang siniko siya ni mom pero mahina lang iyon dahil hindi naman nasaktan si dad.