CHAPTER 7

40.7K 237 82
                                        


Enjoy reading:)

■▪︎▪︎■

Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng uhaw tinignan ko ang kabilang kama at wala pa din si boss, tumayo ako at kumuha ng isang basong tubig at ininom ko lahat 'yun.

Hihiga na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si boss! Bumagsak ito sa sahig!shit naman oh!ano bang trip nito sa buhay.

Nilapitan ko ito at lumuhod ako tinignan ko ng mabuti ang tyan niya kung humihinga pa ito,confirm!humihinga pa. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at nilagay ko iyon sa leeg ko at tinayo ko siya.

Amoy alak!

Bakit ba nagpaka lasing ito?alam niya namang mag a-atend kami ng kasal bukas tapos maglalasing siya, ang lakas din ng trip nito eh.

Infernes...ang bigat!

Muntik na kaming matumba buti nalang at nai-balance ko pa ang isang paa ko ng makalapit kami sa kama ay na out balance na ako kaya natumaba ito at tumama ang ulo niya sa headboard ng kama!

Shit!

"Oh my...boss sorry" natatarantang sabi ko at kinapa ko ang ulo niya "hindi ko sinasadya shit sorry.."

Nanlaki ang mata ko ng may makapa akong bukol , ano bang ginawa ko! Natataran akong kumuha ng ice cube at binalot iyon sa tela, kumuha din ako ng maliit ng towel at binasa ko 'yon para ipunas kay boss. Inayos ko ang pagkakahiga niya tinanggal ko ang suot niyang sapatos at damit dahil amoy alak siya, napalunok ako ng makita ko ang katawan niya 'shit may abs!' Nanginginig ang kamay kong nilapat iyon sa abs ni boss tinignan kong mabuti kung tulog na ba siya 'at confirm!malalim na ang tulog nito dahil mahina itong humihilik'  nang lumapat ang kamay ko ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko, sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka hawak ng abs! Sa isla kasi namin ay madami na akong nakita na maraming abs at ngayon nakahawak na ako!

'Masyado ko naman atang pinagnanasahan si boss, God!Cassandra Faye!kailan ka pa naging ganito!

Pinilig ko ang ulo ko.

Stop!stop!abs lang 'yan!

Sinimulan ko ng punasan ang katawan ni boss, ang una kong pinunasan ay ang mukha niya. Ang  perfect ang mukha nito, makapal ang kilay ganun din ang pilikmata nito, matangos ang ilong at...ang labi nito—stop!tama na!lord patawarin niyo po ako!hindi na po mauulit.

Mabilis kong pinunasan ang katawan nito at kumuha ako ng t-shirt para isuot sakanya. Inayos ko ang paghiga niya, binalik ko na din ang mga ginamit ko.

Ang kinuha ko naman ay ang ice cube na binalutan ko ng tela, bahagya kong dinampi ang ice cube sa ulo niya, napapadaing lang siya pero tulog pa din ito.

"Bakit ka ba kasi naglasing?" tanong ko kahit alam kong hindi niya ako sasagutin dahil mahimbing ang tulog nito "At bakit ako ang nag-aasikaso sayo ngayon di'ba may girlfriend ka?dapat siya ang kasama mo at hindi ako" napabuntong hininga nalang ako.

 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon