CHAPTER 15

23K 179 10
                                        

■▪︎▪︎■

Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni lucas sa harap ko ngayon, pati ang kinakain ko ay hindi ko magawang lunukin.


Ayuko naman maging assuming pero...seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya?Sabihin na nating gusto kong may kapatid pero hindi jbig sabihin nun ay gusto ko na din ng maraming anak, kasi kung ako ang tatanungin kung ilan ang gusto kong maging anak ay dipende iyon sa blessing na ibibigay sa'kin ni lord.


'Pagkatapos ng usapan naming 'yon ay tahimik na kaming kumain nahalat din siguro ni lucas na ayuko ng magsalita. Hindi na din siya nagtanong pa.


Parehas naming niligpit ang pinagkainan namin at siya ulit ang nagpresintang maghugas pero nagpumilit ako sabi ko sakanya ay ako nalang dahil maayos naman ang pakiramdam ko at tsaka gusto ko ding kumilos para ma exercise ko naman ang katawan ko. Uminom na din ako ng gamot kahit hindi na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.


Nakita ko namang umupo siya sa sofa at nilabas ang kanhang laptop siguro ay magtatrabaho na ito. Inabala ko nalang ang sarili ko sa kusina nilinis kong mabuti ang lababo at ng matapos ako ay tumabi ako kay lucas at tinignan ko ang kaniyang ginagawa.


Gumagawa ito ng power point siguro ay magpepresent ito hindi ko ngalang alam kung kailan.


Nakangiti itong tumingin sa'kin, hinawakan niya ang kamay ko at sumandal sa sofa. Pinatitigan niya ang mukha ko nakita ko namang bumaba ang tingin niya sa'kin labi kitang kita ko ang naglalarong ngiti sakanyang labi dahilan para mapalunok ako.


"Let's date" sabi niya kaya bumalik ang tingin ko sakanya.


"D-date...?" Tanong ko pa dahil baka nagi- illusion lang ang tenga ko.


"Yes...dinner date" nanunuyo ang mata niyang nakatingin sa'kin.


"K-kailan?" Tanong ko na halos pigilan ko ang ngiti saaking labi.


"Later baby, 7:30 p.m"


Ay wow agad-agad? Ni hindi ko nga alam kung anong susuotin ko tsaka wala din akong damut na pang date!


"S-sige...uh pero wala akong maayos na damit—I mean casual na pang date..." bumaba ang boses ko sa huling sinabi ko.


Ayuko naman kasing magmukha akong basura sa  harap niya mamaya dahil wala akong masyadong maayos na damit puro pantalon at t-shirt lang ang meron ako at iilang piraso lang iyon. Mas maganda ng sabihin ko sakanya na wala akong susuotin dahil ayukong mapahiya siya ang isang tulad ko lang ang ide-date niya. Kaya minsan ay hindi ako makapaniwalang may gusto siya sa'kin dahil madaming mas maganda sa'kin na mas babagay sakanya.


"Don't worry 'bout that baby, ako na ang bahala"


 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon