CHAPTER 3

55.6K 285 53
                                        

■▪︎▪︎■

Nandito na ako sa harap ng building na pagtatrabahuan ko, tiningala ko ang pagkataas-taas na building na'to grabe napakayaman siguro ng boss ko ang swerte naman ng mapapangasawa nito, bukod sa mayaman gwapo pa maganda siguro ang lahi nila, pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko hindi ko dapat iniisip ang mga ganung bagay dahil trabaho ang pinunta ko dito.

Huminga ako ng malalim at tuluyan na akong pumasok sa loob, nilibot ko ang tingin ko wala pa akong kakilala dito bukod kay sir mark, speaking of sir mark palapit siya saakin habang may malapad na ngiti.

"Good morning Faye" masayang bati niya hindi ko napansin na may kasama pala siyang babae, matangkad ito at maputi maamo din ang kanyang mukha lalo na ang pointed na ilong, mapapasana all nalang talaga ko.

"Good morning din sir mark" nakangiting sabi ko

"Diba sabi ko sayo mark nalang" nagtaas ito ng kilay saakin napatawa naman ako

"Oo nga pala, pasensya na mark nasanay kasi ako" tumingin naman ako sa babaeng kasama niya nginitian ko ito at ngumiti din siya saakin

"Hi I'm Danica, mark's girlfriend" sabi nito at nakita ko naman na nagulat si mark, malakas namang tumawa si danica "joke lang, nice to meet you..Faye?right?"

"Yes, nice to meet you too Danica" masayang sabi ko

"Oh siya mauna na muna kami Faye, kanina kapa hinihintay ng boss mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mark gosh! Late na ba ako?

"Sige mark, Danica nice to meet you ulit aalis na 'ko ito kasi ang unang pasok ko kay boss, sige bye" mabilis akong pumunta sa elevator nakipagsiksikan ako sa mga ibang employee hindi na 'ko mahihiya mas nakakahiya naman ito kay boss e,

Nanghuminto ang elevator ay akaagad akong lumabas halos para akong hinahabol ng kabayo hindi ko nga alam kong maayos pa ang itsura ko.

Huminga ako ng malalim bago kumatok pero bago kakatok palang sana ako ng bumukas ang pinto bumungad doon ang boss ko, seryoso ang mukha niya at parang galit! napayuko nalang ako

"Boss sorry po‐"

"Sa susunod na malilate ka tanggal kana" seryosong sabi nito

Grabe tanggal agad hindi ba pwedeng ibawas nalang sa sahod ko char lang, kasalanan ko din naman ito kaya dapat lang na sabihin niya iyon.

"Yes boss pasensya na po" sa totoo lang ay hiyang hiya na'ko sakto naman yung pagpasok ko pero bakit galit siya?

Pumasok na ulit ito at umupo sa table niya ako naman ay umupo sa sofa, namutawi ang katahimikan saaming dalawa halos mabingi na ko sa sobrang tahimik nakatingin lang ako sa pader na parang tanga pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saakin, sobrang akward naman nito lord.

Napaigtad ako ng magsalita siya "We have a meeting with Mr. Miller at exactly 8:30"

Naglakad ito papunta sa gilid ng table niya at may kinuha doon, lumapit siya saakin at inabot ang envelope.

"A-ano po ito boss?" Nauutal na tanong ko

"That's your allowance, iba pa ang sweldo mo dyan"

Napapanganga ako sa nakita ko allowance ko ba talaga ito?

"T-thank you po boss" nauutal na sabi ko

Napakalaking bagay na ito para makaipon ako, siguradong mabilis kong magagawan ng bahay si nay at itay, laking pasalamat ko talaga sa panginoon na natanggap ako dito hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala.

Nandito kami ngayon sa meeting room, nasa harap si boss at ako naman ay nasa gilid ng upuan nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

Sinusulat ko naman lahat ng schedule na sinasabi ni boss na kailangan naming puntahan at kung saan.

 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon