■▪︎▪︎■
"Oh my god!" Tili ng ginang "Your here na pala baby" lumapit ang ginang sa'min at niyakap si lucas nakita ko namang lumabas mula sa pinto ang isang lalake may pagkahawig ito kay lucas.
"Mom" may pagbabantang tawag ni lucas sa mommy niya. Humalakhak naman ang mommy niya at bumaling sa'kin.
"Oh, ikaw ba si cassie?" Namamanghang sabi nito.
"Opo" nakangiting sabi ko.
"Wow" hindi ko alam kung bakit ganito ang pagkagulat niya sa pagkakita sa'kin "What's your fullname?" Tanong ng ginang.
"Cassandra Faye Gonzales po, nice to meet po Mrs. Lewis, Mr. Lewis" pormal na pagkakasabi ko
"Nice to meet you too hija" sabay pang pagkakasabi nila.
"But you can call us tita Lacy and tito" nakangiting sabi ng ginang.
"Sige po" sagot ko
"Hindi ko akalaing ganito kaganda ang secretary ng anak na'tin Arthur!" Pagkakwan na sabi nito na para bang nanalo sa luto.
"Mana sa'kin ang anak natin magaling pumili" sabi naman ng daddy ni lucas kung hindi ako nagkakamali "...ng secretary" Pagtutuloy nito sakanyang sinabi.
"Ofcourse dad" sabi naman ni lucas kaya napatingin ako sakanya.
"Naku, d'yan kayo magaling eh" sabi ng ginang "Cassie 'wag mo nalang pansinin yang dalawa dahil mga babaero 'yan"
"Mom!" Inis na sabi ni lucas.
"Bakit hindi ba totoo?" Pang aasar ng ginang "Noong kabataan namin ng daddy mo ay marami ding naging babae 'yan, pero sa'kin pa din ang basag"
"Oh come on mom" sabi ni lucas para bang susuko na ito sa mga sinasabi ng mommy niya "si dad 'yon at hindi ako"
"Naku...ikaw pa?marami nga akong nababalitaan tungkol sayo" pang uuyam ng mommy ni lucas "by the way cassie let's go inside na, the dinner is ready" exited na pagkakasabi ni tita.
Pag pasok namin ay napatingin agad ako sa mataas na ceiling ng mansyon nila ang haba din ng kurtina para bang ang hirap labhan 'nun. May malaking chandelier din sa gitna pagpasok mo palang ay dalawang hagdan na ang bubungad sayo. May malaking frame din doon isang Family picture.
"Welcome to our mansion cassie" sabi ni tita Lacy.
Namangha ako sa sobrang laki ng bahay nila este– manyon na pala ito.
"Gusto mo bang libutin ang buong mansyon namin, medyo maaga pa naman"pagkakwan na sabi niya.
Parang na sabik ako sa sinabi ni tita Lacy kaya kaagad akong tumango.
"Great!" Masayang sabi nito at hinila na niya ako patungon sa second floor.
Paakyat pala mang ay bumungad na kaagad sa'kin ang mga naglalakihang paintings.
"Ito ang kwarto ni lucas" exited n turo ni tita Lacy.
Huminto kami sa isang malaking pinto, kulay baby blue iyon at ang ganda din ng design.
"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ni tita Lacy.
"Sige po" sagot ko.
Ngumiti ito sa'kin at pinihit niya ang doorknob marahan niya itong binuksan, pagpasok mo ay bubungad na ang isang malaking kama. Sobrang laki ng kwarto niya mas malaki pa ata ito kaysa sa bahay namin.
