■▪︎▪︎■
Dumiretso ako sa higaan ng maihatid ako ni lucas, medyo kumikirot pa din ang ulo dahil sa nangyare kanina. Nagtataka din ako dahil bakit nung makita ko ang larawan ay parang may nag flash na memory sa utak ko pero masyadong malabo iyon. Ng hindi ko kinaya ay nag block ang paningin ko kaya nahimatay ako. Ang pinagtataka ko ay kung anong meron sa larawan na iyon.
Huminga nalang ako ng malalim at hinilot ang sentido ko. Baka naman gutom lang talaga ako kanina kaya nangyare iyon.
Lumipas ang ilang araw sa awa ng diyos ay hindi na sumakit ang ulo ko bumalik na din ang sigla ng katawan ko. Palagi din akong binibisita ni lucas kahit busy siya sa companya, dinadalhan niya din ako ng mga masusustansiyang pagkain. Walang araw ang lumipas na hindi niya ginagawa iyon. Kahit todo tanggi ako ay mapumilit siya. Palagi niya ding tinatanong kung masakit ang ulo ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng may nag-aalaga sayo lalo na kung iyon ay ang taong mahal mo..yes I love him so much at sa bawat sigundo na lumilipas ay maslalong lumalamin ang pagmamahal ko sakanya.
Ngayon araw na ito na babalik na ako sa companya dahil gumaan na ang pakiramdaman ko.
'Pagpasok ko sa building ay ngumingiti ako sa mga empleyadong nadadaanan ko pero isa lang ang sinusukli nila sa'kin 'yon ay ang parang nandidiri sila. Meron pa yung iba ay nagbubulungan habang nakatingin sa'kin.
Hindi ko nalang iyon pinansin baka kasi panget ang suot kong damit kaya ganun?
Pumasok na ako sa elevator may mga ibang empleyado din doon yumuko ako at pumasok sa loob. Habang nakasakay ako doon ay may narinig na naman akong bulungan at may halong hagikgik.
"Akala niya naman seseryosohin siya" rinig kong sabi ng babae.
Nasa harap ako ngayon dahil ako ang huling pumasok. Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila kaya nakinig nalang ako.
"Ginagamit niya lang naman ang ganda niya kaya siya natanggap siya bilang secretary" rinig kong sabi ng babae kahit bulong iyon ay rinig na rinig ko dahil sobrang tahimik sa loob.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Iba na talaga ang tao ngayon bes ang dami ng gold digger" sabi ng babae at nagtawanan sila.
Hinawakan ko ang daliri ko para doon nalang ituon ang atensyon ko.
"Balita ko nga nag date sila ni sir lucas, landi no pinatulan kaagad porket mayaman"
Doon ko nakumpirma na ako talaga ang tinutukoy nila, talagang sinasadyan nilang iparinig sa'kin ang mga sinasabi nila.
Parang hindi ko makahinga ng mabuti dahil sa sinasabi nila sa'kin, para bang ang dumi kong tao kung husgahan nila ako. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na ititigil ko na ang nararamdaman ko pero ito ngayon pumatol pa din ako kahit alam kong mapang husga ang tao sa paligid ko.
Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas ang sakit ng mga sinabi nila, hindi ko na napigilan ang luha ko sunod-sunod na itong nalaglag.
Habang naglalakad ako ay pinapahid ko iyon wala akong pakialam kung may nakakakita sa'kin na umiiyak. Pumasok ako sa restroom may mga empleyado din doon. Kaagad akong pumasok sa loob ng banyo umupo ako doon at tahimik akong umiiyak.
Hindi ulit ako nakatakas sa mga masasakit nilang sinasabi tungkol sa'kin.
"Now she's crying" rinig kong sabi ng babae at nagtawanan pa ang mga ito. " buti nga sakanya she deserve it, malandi kasi" madiing pagkakasabi niyon.
