■▪︎▪︎■
Pagkatapos akong linisan ni lucas ay nakatulog dahil sa pagod.
Nagising nalang ako dahil mahapdi ang tyan ko dahil sa gutom pinalibot ko ang tingin ko at nakita ko si lucas na mahimbing na natutulog sa kabilang kama. Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili para kumain sa baba. Hindi ko na ginising si kucas dahil mahimbing ang tulog nito.
Nakasuot ako ng pajama, hindi na ako nagpalit ng damit dahil kakain lang naman ako.
Marahan kong sinara ang pinto at naglakad na ako papasok sa elevator hanggang sa mapunta ako sa ground floor pagbukas ng pinto ay bumungad sa'kin si shane. Nakasuot ito ng Robe parang kajatapos lang maligo.
"Hey cassandra!" May ngiti ito sa labi "Bakit bigla kayong nawala ni lucas ha?"tanong nito habang pilyong ngumiti sa'kin. Nag-init kaagad ang pisngi ko.
"Uh, ano kasi...hinanap ka namin kanina, saan ka pala nagpunta?"
"Bumalik kasi ako sa room ko, kinuha ko yung cellphone ko"
"Ah, ganun ba" tumango ako.
"Bakit nagbihis kana?ayaw mo ng maligo?" May naglalarong ngiti sa labi nito.
"U-um...ano kasi-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng humagikhik siya.
"I knew it cassandra!narinig ko kayo kanina" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Malakas itong tumawa, wala akong maramdaman ngayon kundi hiya!gusto ko ng magpakain sa lupa.
Narinig niya kami kanina?!ganun nalang ba kalakas ang ungol ko?!shit naman oh!nakakahiya!
Huminto ito sa pagtawa ngunit alam kong pinipigilan niya lang iyon.
"Sorry natawa lang kasi ako sa reaksyon mo, ang ibig kong sabihin ay narinig ko kayong nagsasagutan, ano bang nangyare?"
Nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya. Akala ko naman narinig niya yung...Hays!
"Uh, kasi...n-nagseselos si lucas kay luke" nauutal na sabi ko.
"For real?!"gulat na sabi nito na parang napaka big deal ng sinabi ko "Wait teka nga, wag tayo dito nakaharang tayo sa elevator"
"Sige, sa restaurant nalang tayo hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian"
"Oh, ganun ba...let's go" sabi niya.
Tumango naman ako.
Nangmakarating kami sa restaurant ay kaonti lang ang tao dahil hapon na. May mga nakatingin sa'kin ng pumasok ako, dahil siguro naka pajama lang ako? Hindi ko nalang sila pinansin.
Humanap na kami ng mauupuan at kinuwento ko na sakanya ang nangyare hindi kasama dun ang nangyare sa'min, biglang nag init ang pisngi ko shit!
"Oh god..grabe hindi ko alam ganun pala magselos si lucas, simula kasi ng magkakilala kami ay hindi ko pa siya nakitang nagselos dahil sa babae at wala din kasi siyang naging girlfriend siguro mga fling lang dahil wala naman siyang sineryuso noon, ewan ko lang ngayon"kibit balikat na sabi ni shane.
Hindi ko alam kung anong pinupunto niya tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Nasan pala siya ngayon?" Biglang tanong nito muntik na kong masamid.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.
"Uh, nagpapahinga" sabi ko.
"Ha?buti pumayag siyang mag isa mong kumain?"nagtatakang tanong nito "Bakit hindi ka niya sinamahan?"
