CHAPTER 11

32.3K 231 127
                                        

■▪︎▪︎■

Ako ang unang humiwalay sa pagyayakapan namin.


"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" kunot nuo siyang nakatingin saakin tila inaalala kung ano ang tinanong ko sakanya "bakit may pasa ka?"

"Uh-this" turo niya sakanyang mukha "wala 'to-"

"Liar" umirap ako sakanya "kukunin ko ang first aid kit, maupo ka dyan" seryosong sabi ko.

Pumunta na ako sa kabinet kinuha ang first aid kit ng humarap ako sakanya ay seryoso ang mukha nito at parang ang lalim ng iniisip.

"Nakipag suntukan ka ba?" Umupo ako sa tabi niya. Binalingan niya lang ako ng tingin at umiwas din ito "Huwag mong sabihing nauntog ka kaya dumudugo yang kilay mo?" Natatawang sabi ko pero sarkastiko iyon.


"Wala ka manlang bang sasabihin sa pinagtapat ko sayo?" Napakurap ako sa sinabi niya hindi ko akalaing sasabihin niya iyon. Nag-iwas kaagad ako ng tingin inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng bulak. "Cassie...please say something, hindi yung nanghuhula ako dito kung anong iniisip mo, wala lang ba sayo 'yon dahil ba may gusto kang iba?"

"Huwag mong ibahin ang usapan boss-"

"Stop calling that! Wala tayo sa trabaho ngayon so please don't call me that!" May pagkairitang sabi nito" At hind ko iniiba ang usapan, ikaw ang naglilihis ng topic!"

Tss.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?"humarap ako sakanya at nagtaas ng kilay.

"May gusto ka ba kay Luke?"diretsong tanong niya.


"Bakit ba-"


"Just answer my fucking question!" He glared at me nagtagis din ang bagang nito.


Hanggang ngayon 'yon pa din ang iniisip niya huh?


"Hindi ko siya gusto, Kaibigan lang ang tingin ko sakanya" sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka madagdag 'yang sugat niya dahil sa inis ko.


Napaka unfair niya! Gusto niya ay siya palagi ang masusunod! Ni hindi niya nga sinasagot ang tanong ko!bullshit.

"So hindi mo talaga siya gusto?" Tanong nito tila hindi pa naniwala sa sinabi ko.


"Hindi ka pa naniniwala?"


"I believe you.." tumayo ito at nakapamulsang humarap sakin "pero kung sakaling magkagusto ka sakanya...hindi ako papayag" may naglalarong ngiti sa mga labi nito.


"W-wala kang k-karapatan-"nauutal na sabi ko hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko, dahil siguro sa mga tingin niya sakin tila may kung anong bumabagabag sakalooban ko. Hindi ko alam kung ano yon!


Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko.


"Yeah, I know cassie but if you give me a right-"


"Tumigil kana lucas, hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan mo" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagprepare sa first aid kit. Nangmaayos ko ito ay humarap ako sakanya nagtagpo agad ang mga mata namin.


 My Boss [Spg!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon