■▪︎▪︎■
"Good morning dad, mom" bati ko
"Oh, baby gising kana-" hindi ko na pinatapos si mom sa sasabihin niya dahil sa pagtawag niya saakin
"Mom please, stop calling me baby I'm 27years old" inis na sabi ko
"No-uh baby pa din ang itatawag ko sayo hanggat hindi kapa nag-a-asawa" parang bata na sabi ni mom napailing nalang ako
Wala pa akong balak mag-asawa I'm fucking 27.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa Companya namin, ipinangalan na saakin ni mom at dad ang companya dahil ilang taon na akong nagsisilbi dito, nag-iisa din akong anak kaya ganun nalang kung magpumilit si mom na tawagin akong baby' para mag-asawa na 'ko tsk, bahala siya.
Ilang oras na akong nag i- interview kaso wala pa ding maayos yung iba puro paganda at dinadaan sa pang aakit, anong akala nila saakin basta-basta nalang pumapatol sa kahit sino?hindi na nahiya sa sarili, iba ata ang gusto nilang pasukan e, yung mga ganung tao ay hindi nararapat sa kompanya ko.
Natauhan ako ng magsalita ang assistant ko
"Boss next na po ba?" Tanong ni Michelle saakin, matagal na siyang nagtatrabaho dito pinagkakatiwalaan siya ng mga magulang ko noon pa man.
"Last na yan, tapos pauwiin mo na yung iba, wala namang matino" naiiritang sabi ko
Inabala ko muna ang sarili ko sa laptop dahil alam ko naman na hindi matino ang susunod dito pare-parehas lang naman mga walang hiya sa sarili, kahit sa sarili nalang nila kahit 'wag na sakin.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala yung susunod
"Tatayo ka nalang ba dyan?" Sarkastikong tanong ko nakatingin pa rin ako sa laptop ko inabot niya saakin ang requirements niya "Cassandra Faye Gonzales?" Nagtatakang tanong ko
Nag-angat ako ng tingin sakanya, hindi ko alam kung anong itsura ko pero nakakamangha ang ganda niya?the fuck!napaiwas nalang ako ng tingin nahalata niya kaya?fuck it!
"Ka ano-ano mo si tita Cass?"nagtatakang tanong ko
"H-ho?"
"Never mind, so bakit gusto mong mag-mag apply bilang secretary ko?" Alam kong ang engot ng tanong ko pero yun ang lumabas sa bibig ko.
"Mag-a-apply ako dahil...gusto kong patunayan na kaya kong gawin lahat ng aking makakaya para sa kompanyang ito at...dahil... dahil gusto ko ding tulungan ang mga magulang ko...sir.."
"Your hired"
WTF?!sinabi ko ba yun?sa dinami daming nag apply napa-oo niya ako?ano bang meron sa babaeng to! Sa simpleng sagot niya!
Nakita ko pa kung paano siya nagulat, Literal na nakabuka ang bibig niya, talagang magugulat siya dahil hindi ko alam kung bakit natanggap agad siya.
"Close your mouth, baka mapasukan ng langaw" I smirk
"Sir natanggap na ho ba ako?" Tanong niya
Hindi ba siya makapaniwala na tanggap na siya?ako din hindi ako makapaniwala na ganun ko siya kabilis natanggap sa trabahong ito, pero mukha naman siyang matino, sa lahat ng na interview ko siya lang ang tanging nagustuhan ko.
"Ayaw mo ba?madali lang naman akong kau-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kaagad siyang nagsalita
"No!no..sir masaya lang talaga ako" natatarantang sabi niya
"I can't see it" sarkastikong sabi ko "By the way you can start tomorrow" kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ang assistant ko " Michelle may Napili na ako, paalisin mo na sila, you can leave now prepare yourself tomorrow we have a big meeting"
