■▪︎▪︎■
"Mom what are you doing here?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ka umuwi sa mansyon kaya chineck ko kung nandito ka at andito din ako para silipin ang bahay ng baby ko" sabi ni mom sabay pisil sa pisngi ko.
Fuck!bakit ngayon pa!Kung kailan nandito si cassie tsaka niyang naisipan bumisita sa bahay ko. Ayuko namang mapressure si cassie, baka kung ano-anong itanong ni mom tungkol sakanya.
"Bakit pala hindi ka umuwi sa bahay kagabi? May ilang araw ka pa para manatili sa mansyon" seryosong sabi ni mom at tumitig ito sa'kin na para bang binabasa ang nasa isip ko.
Kakatapos lang kasing ipagawa itong bahay ko isang buwan na ang nakalipas, dito ko dinala si cassie dahil hindi naman pwede sa mansyon alam ko kasing mag o-over acting na naman si mom.
"Birthday ng isang kaibigan ko kaya hindi na ako nakauwi, mas malapit kasi dito kaya dito nalang ako natulog lagabi"pagsisinungaling ko.
"At hindi ka manlang tumawag?"
"Mom, I'm drunk sa tingin mo makakatawag pa ako" napairap ito at bumuntong hininga.
"Fine atlist maayos ang lagay mo ngayon, I'm just worried son baka kasi napahamak kana naman ni hindi pa nga gumagaling ang sugat mo"
Naiinitindihan ko naman si mom kung bakit siya masyadong nag aalala, ayaw niya kasi yung pinag aalala siya. Nag iisang anak lang kasi ako kaya tudo ang pag-aalala nila sa'kin.
"I'm fine mom, don't worry to much" ngumiti ako at niyakap ko siya.
"Ang sweet ata ng anak ko ngayon, 'pag pinagsasabihan kita noon ay nakasimangot ka ngayon niyayakap mo na ako" humiwalay ito sa pagkayakap at tumingin sa'kin na parang nang aasar "sino naman ang nagpapangiti sa baby ko ha"
"Mom, hanggang dito ba naman aasarin mo ako"
"Bakit wala namang tao ah" natatawang sabi niya.
"Kahit na mom nasasanay na kayo e"
"Oh siya hindi na, pwede na bang pumasok sa loob ng bahay mo 'nak gusto ko ng libutin ang loob" kaagad na tinambol ang puso ko.
Nung last na pumunta kasi dito sa mom ay hindi pa masyadong malinis dahil kakatapos lang ayusin at wala pang masyadong gamit kaya ngayon ay gusto na niyang makita, pero hindi pwede!damn it.
"Mom pwede bang next time nalang? Maalikabok pa sa loob dahil wala pa akong ina sign na maglinis-"
"It's okay son" nakita kong may kinuha ito sa bag " see may panyo akong dala"
Shit!
Akmang maglalakad na ito papasok ay nataranta akong pinigilan ko siya "M-mom hindi pa talaga pwede, g-gusto ko kayong i- surprise ni dad kaya dapat sabay niyong makita ang loob "nakahinga ako ng maluwag sa na isip kong palusot.
Bumagsak ang balikat ni mom at tumingin sa'kin " Hindi ba pwedeng mauna na akong masurprise"
"Hindi pwede mom it's unfair baka magtampo sa'kin si dad" mabilis na agap ko.
"Okay, tatawagan ko nalang ang dad mo ngayon para sabay naming makita" parang biglang nag ilaw ang ulo ni mom dahil sa ideyang iyon. Mabilis nitong nilabas ang cellphone at tinawagan si dad.
Fuck it!
Napahawak ako ng mahigpit sa buhok ko. Ano ng gagawin ko nito.
Kita ko ang dimayadong mukha ni mom.
"Hindi makakapunta ang dad mo, pupunta siya sa mga kaibigan niya" malungkot na sabi ni mom.
