NOL 31 (XXXI)

795 70 63
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

  

"Ang dami niyo namang biniling sitsirya," aniko sa mag-bestfriend na kasama kong tumambay rito sa bubong nila Lola. Kitang-kita nga namin 'yong kalsada, ang maraming bituin sa langit at maski na rin kami ng mga nagdadaan sa kalsada.

"Eh, masarap kasi itong Pritos ring, Cheese Rings at Tommy," anang namumuhalang si Patricia. "Marami naman akong iinuming tubig para hindi ako magkasakit sa bato. Kumuha lang kayo, oh!" alok nito sa amin.

"Ipaalala niyo nga sa akin na ibibili ko ng Kropek si Mama. Lobo biscuit at Marie naman kay Sidie," ani Nikki, abala ito sa pagpapahid ng kending lipstick sa labi niya. Siguradong napakalagkit ng labi niya. Huwag sana siyang langgamin.

Kumuha na lang ako sa bulsa ng short kong suot ng tatlong Chocobot. Binigyan ko silang mag-bestfriend. Kinain ko agad 'yong akin at pagkatapos ay ginawa kong brace 'yong silver na nakabalot sa Chocobot.

Nakangiti akong tumingin kay Patricia para ipakita 'yong kunwari kong brace. Ganoon din naman siya sa akin kaya natawa kaming parehas.

"Ayan na sila!" nagtitiling ani Nikki.

"Sino?" kunot-noong tanong ko.

Ipinihit ni Patricia ang ulo ko paharap sa gawing gilid ng kalsada, kung saan nakatayo roon sina Gian, John at Paul na may hawak na mga gitara. Sina Vivo, Jinggoy, Damian at Lance naman ay may hawak na iba't ibang kulay at uri ng bulaklak. Suot nila 'yong pinang-Field day nila. 

Anong meron?

"Magandang gabi po, Nana Bebe!" anila. "Magandang gabi rin, Jennica." Tumingala sila sa kinaroroonan namin.

Kinilig naman ang mag-bestfriend na katabi ko. Pati na rin sina Tita Thea at Kuya Macky na umakyat pa rito sa bubong para panoorin sila.

"Game na!" ani Gian. Inumpisahan na nitong kalabitin ang mga gitara nilang dala, kapagkuwan ay sumayaw at kumanta si Vivo ng...

"Oh, ang ngaling, ngaling ngong numayaw. Ngaling ngong ngumalaw. Ngaling ngong numayaw. Ngaling ngong ngumalaw. Ngaling ngong numayaw. Mimong-mimo ngu–"

"Wangak!" Batok ni Jinggoy kay Vivo nang hawak nitong isang bungkos ng bulaklak ng Kalabasa. Nagtawanan kami. "Ano ka ba, Pareng Vivo! Huwag kang aning! Paano ka patutuluyin niyan sa bahay ng hinaharana mo kung ang kinakanta mo Totoy Bibo! Gusto mo 'atang mabuhusan tayo ng inipong ihi sa arinola, eh!"

Nagtawanan ulit kami. Nadidinig ko ring tumatawa sina Lolo at Lola roon sa tindahan.

"Take two tayo mga pare!" ani Jinggoy kila Gian na tuwang-tuwa rin sa dalawa. "'Yong prinaktis namin ni Pareng Vivo! Iyong kanta ng Siakol mga pare!"

Kinalabit na ulit nila Gian ang gitara nila at saka nagsimulang kumanta si Jinggoy ng Lakas tama ng bandang Siakol na akala mong hinahamon kami ng away sa pagkanta niya. Galit kasi ang mukha at boses niya habang tinuturo-turo pa kaming mga nandito sa bubong. Kaya sila Kuya Macky tawang-tawa sa kaniya.

".. natatakot akong mawala ang isang katulad mo! Ikaw na Pareng Vivo! Lakas tama!" ani Jinggoy.

"Langas nama! Angoy nawawala! Nawawala ang isip ngo 'mag nangingina nga ninta! Langas nama angoy nawawala! Nawawala ang isip ngo 'mag nangingina nga ninta!" 

"Ukinnam! Huwag niyo sigawan si Jennica!" singhal sa kanila ni Lance.

"Hindi kami sumisigaw! Kumakanta kami!" sagot dito ni Jinggoy.

Gumitna si Damian sa pagitan nina Vivo at Jinggoy at saka ni Lance habang sinisimulan na ang pa-rap niyang pagkanta ng kanta ni Glock 9 na Simpleng tao. 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon