NOL 42 (XLII)

1.3K 161 363
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

Pagkahatid ko kay Jennica sa bahay nila. Sa Mansion kami ni Grandma dumiretso ni Ahbu dahil nandoon nga raw sa hideout namin ang masugid kong manliligaw na si Mother F*cker. Ang sagwa kasi pakinggan ng whole name niya kaya in-english ko na lang.

"Ohh, sh*t! Humihilab na naman ang tiyan ko. Ikaw na nga muna bahala rito, Fourth dude," bilin sa'kin ni Ahbu sa key ng Harley Davidson motorbike niya sabay karipas ng takbo palabas ng underground garage.

"Iinom mo na 'yan ng Diatabs!" pahabol na sigaw ko rito.

Nilibot ko ng tingin ang buong garage, wala ang service na white Mercedes-Benz ni Grandma. Wala rin ang black Porsche ni Kuya Aenon, hindi pa pala siya dumadating. Akala ko ba nauna na siya sa'kin?

Chineck ko ang bagong-bago kong gray Chevrolet SS, gift ito sa'kin ni Kuya Aenon nung pagka-graduate ko ng college. First time ko lang ito i-drive nang malayo kaya medyo worried ako. Nang wala naman akong nakitang anumang damage, lumabas na ko ng underground garage at automatic nagsara iyong rolling shutter door no'n.

Gusto ko pa sanang maglakad-lakad sa maaliwalas at napakalawak na patio nitong mansion kaso bigla akong kinilabutan nang maalala ko ang kwento sa'kin ni Mang Andoy about here before.

Noong minsan daw na hindi siya makatulog. Naglakad-lakad muna raw siya rito sa patio ng mansion. Then, he saw a lady in white across at the---

Someone holding my shoulder.

"Uwaaa!" sigaw ko. Natigilan lang ako nang lumipat sa harapan ko ang humawak sa shoulder ko. Si Brix lang pala. "You kid! You scared me!" Inakmaan ko siyang babatukan, pinigilan ko lang ang sarili ko. Baka lalong mangamote at mapuno ng palakol ang card.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga, Fafa Renren. Hahaha!"

"Tsk. Enough. Stop laughing." saway ko rito. "Why? Don't say you're coming out yet? Hindi pwede, manahimik ka na lang dito."

"Hindi naman ako lalabas, Fafa Renren, 'no. Dito lang ako sa courtyard, magMO-MOBA."

"If so, give me your motor key." Lahad ko ng palad ko sa harap niya.

"Ayy! Naku, Fafa Renren! Na kay Mirko motor key ko. Sandali, pahiram car mo, kukunin ko sa kaniya."

Napahawak ako sa sintido ko, bigla akong nagka-headache sa stupidity niya. "No need! Tsk. Sige na, go."

Pumuwesto na siya ng higa sa bermuda grass at nadinig ko na naman ang nakakasorang "Welcome to Mobile Legend!" mag-a-atacked na naman siya. Kabataan nga naman ngayon, imbis na mag-advanced reading, puro online games ang inaatupag.

Sabagay, noong 16 years old din ako, kung ano ano pinaggagagawa ko. Such as playing instruments, drawing, painting and what else to do with Music and Art. And syempre, 'di mawawala ang pag-stalk ko kay Jennica bubuwit. I witnessed her grow up, with the help of Gian and Constantine. Thanks to them.

I took my iPhone X into the pocket of my trouser, tinext ko sina Mirko and Cero na nasa hide out namin ngayon.

"Masyado ng late, diyan na lang kayo magpalipas ng gabi. Tomorrow morning na lang kayo umuwi rito. By the way, don't forget to eat dinner."
--Send to Trops Mirko & Cero

"Brix, before 10 PM, ha. Pumasok ka na sa loob then sleep. Lalo kang nangangayayat sa kakapuyat at kakalaro mo niyan. Baka isipin nina Tita at Tito pinapabayaan ko kayo rito," paalala ko.

"Yes po, Fafa Renren. I love yow." Flying kiss pa nito sa'kin.

Napailing na lang ako. Pumasok na ko sa mansion. Napasimangot ako nang makita ko ang mga kerengkeng maids ni Grandma.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon