NOL 22 (XXII)

1K 87 98
                                    

Jennica Monique Sanchez POV 

"Sa letra ng O! Si Nanay nagpahid ng StopPain! Amoy... woooh! Matanda! 75!" 

Tawanan kami nang marinig namin 'yong sinabi na iyon ng nag-a-announce sa bingo-han. Pero agad din akong tumigil sa pagtawa nang makita ko si Renz na seryoso pa rin at nakasimangot.

"Uy," mahinang dunggol sa braso ko ni Patricia. Hinila naman ni Nikki ang braso para sabihing bagalan ko lang ang paglakad at hayaan naming mauna ang mga kaibigan naming lalaki. "LQ ba kayo ni Renz?" tanong pa ni Patricia.

"LQ? Ano iyon?"

"Hindi mo iyon alam? Lover's Quarrel 'yon," si Nikki ang sumagot.

Madalas ko lang iyon madinig sa matatanda at sa TV pero hindi ko inaalam kung ano ang ibig sabihin no'n. Pero ngayon, alam ko na dahil sa mag-bestfriend na ito.

"Kanina pa nga namin kayo napapansin sa eskwelahan. Hindi kayo nag-uusap."

"Kinakausap ko kaya siya kaya lang puro siya yes, no, yeah, nothing, nevermind tapos tango at iling lang. Gusto ko nga tanungin kung ano problema niya pero baka sagutin lang ako ng nevermind."

At English-in pa niya ko, de nagdugo na naman ang ilong ko.

Naghagikgikan ang mag-bestfriend. Pagkatapos ay nagtinginan sila at umikyabit sa akin, saka hinila ako ng mga ito pasunod sa mga kaibigan naming lalaki.

"Boss, doon muna tayo sa hagisan ng benchingko," suhestiyon ni Gian. "Doon kami nakakuha nina John at Paul ng baso, plato at malaking Oishi, eh!"

"Okay," pakling sang-ayon ni Renz.

Napansin kong nagsikuhan sina Constantine at Gian, nagsenyasan sila, parang nahalata din nilang wala sa mood ang Señorito.

Tahimik na lang kaming nagtungo sa hagisan ng benchingko. Sa walang tao kami puwesto. Silang mga lalaki ay magkakatabi. Kami naman nina Patricia at Nikki ay sa kabilang banda pumuwesto kung saan ay masisilayan namin ang pagmumukha ng mga crush namin.

Kaso 'yong crush ko, nagsuot ng itim na face mask, salamin at sinuklob pa niya ang hoodie ng suot niyang pangginaw. Hindi ko na tuloy makita kung ano ang ekspresyon niya pero sigurado akong nakasimangot siya.

Samantalang si Mang Andoy naman ay nakaistambay lang sa isang gilid. Pasimple niyang binabantayan ang señorito habang tumataya siya sa kalapit naming tayaan ng mga may color tapos may magpapagulong ng bola. At kung saan matapat ang bola, iyon ang panalo.

"Oha! Mananging Manana! (Oha! Malaking Patata!)" tuwang-tuwang ani Vivo.

"Hindi, totoy, katol," pagtatama ng bangkero. Pinakita pa nito 'yong natapatan ng 25 sentimos na initsa ni Vivo.

Katol nga. Nagtawanan kami. 

"Buenas mo talaga, Vivo! Buena manong katol!" ani Gian. Nagtawanan ulit kami.

Nakasimangot na tinanggap ni Vivo 'yong katol na binigay ng bangkero. "Wana naman na mahay namin namok. (Wala naman sa bahay namin lamok.)

"E'di pagbabakasyonin namin 'yong mga lamok sa bahay namin sa inyo," tumatawa pa ring ani Gian.

"Nyeninga, ngusto mo nganol?"

"Jennica, gusto mo raw ba ng katol?" ani Constantine. Naghagalpakan sila ng tawa. Maliban kay Renz na nakatayo lang sa isang gilid.

Umiiling-iling na lang ako sa kanila. Meron kaming katol at marami nung tinda si Lola. Pero ang ginagamit namin 'yong usong pamatay ng lamok na parang pang badminton na de charge. Na kapag nakahuli ng lamok, umiilaw,  tumutunog at umaamoy sunog na lamok.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon