JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV
"Akin siya," ulit muli ni Renz."Hindi ko inaangkin! Sa'yong-sa'yo na! Isaksak mo sa---- Ano!" nandudumilat kong sabi. "Anong sabi mo? May rela---" Tinakpan nito ang bibig ko sabay hila sa'kin palayo sa mga tropang bagets niyang nakatingin sa'min. Pagkadating na pagkadating namin sa kusina, tinanggal nito ang pagkakatakip sa bibig ko. "May relasyon kayo ni Cicero not Ceryo?" patuloy ko pa.
"Oo, boy friend ko." Napanganga ako. Tatawa-tawa naman nitong ginulo buhok ko. "Kaibigang lalaki. Haha! Kumain ka na nga lang. Gutom lang 'yan. Haha!"
Umupo ako sa tabi niya. "Hindi nga, Renz? Isang tanong isang sagot. Bakla ka ba?" sabay takip ko sa bibig ko. Naalala ko kasi ang banta niyang iki-kiss niya ko sa lips kapag sinabihan ko ulit siyang bakla. "I'm just asking, not saying," pahabol ko pa.
"Sometimes. Haha!"
"Sometimes? So may pagka-bakla ka nga?"
Bahagya akong umusad sa pagkakaupo nang humarap ito sa akin. "Gusto mo ba talaga malaman?" Tumango ako. Umusad ulit ito ng upo papunta sa'kin. Wala na kong mausugan kaya sa nasa tapat na pagkain ko na lang ibinaling ang aking tingin. "Talagang-talaga?"
"O-oo nga. Muka ba kong nagbibiro?" Sumubo ako ng isang chicken pop.
"Crush ko si Cero." Naluwa ko yung chicken pop kong sinubo. Nandudumilat akong tumingin sa kaniya. "Pero hindi ako bakla, hanga lang ako sa tropang bagets kong 'yon. Idol ko siya."
"Iyon ang sabihin mo. Idol! Hindi crush. Malakas makabakla ang term mo, eh!"
Tumawa ito. Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain.
"Okay. Okay. Idol ko si Cero. Haha! Kaya tigil-tigilan mo na paghihinala mo sa'kin. Baka makalimutan kong kaibigan kita. I-kiss kita riyan."
Dinampot ko ang naluwa kong chicken pop at inakma ko 'yon sa kaniya. "Si-sige! Su-subukan mo lang na i-kiss ako! Hi- Hindi ka na makakabalik sa Bulacan ng buhay!"
"Goodluck kung mapatay mo ko gamit 'yan. Haha!" Turo nito sa hawak kong chicken pop. "Kumain ka na nga at nang makapagpahinga na tayo. Para bukas madami tayong energy."
Bukas. Napatingin ako sa nakapatong na cellphone sa may harapan ko. Tinignan ko ang petsa. "Bukas na pala kasal niya." Ang pinakahihintay niyang moment with Tracey. Best wishes na lang sa kanila.
"Iyan ka na naman, eh! Akin na nga 'yan!" Kinuha nito ang cellphone ko. "Bawal ka muna gumamit nito. I-enjoy mo itong regalo naming bakasyon para sa'yo."
"Eh, pa'no ko matatawagan si Nanay? Makapag-picture-picture? Soundtrip? Manuod ng K-Drama at sayaw? Saka maglaro ng Pou. Kung nasa iyo cellphone ko," nakanguso kong sabi. "Kawawa naman si Pou magugutom."
"Ako na lang bahala magpakain sa Pou mo na 'yan. Papahiramin na lang kita ng polaroid camera ko, doon ka na lang mag-picture-picture."
"Okay. Basta, pakainin at paliguan mo si Pou, ha! Kapag nagkasakit at wala ng energy, painumin mo ng potion. Patuligin mo rin at laruin," bilin ko pa.
"O-okay. Noted. Ikaw muna ang dapat kumain! Puro--"
Inakmaan ko itong susuntukin. "Sige! Ituloy mo lang! Makakatikim ka na talaga sa'kin."
"Hahaha. Sabi ko nga, kakain na rin ako," anito. Inagaw nito sa akin ang naluwa kong chicken pop. At walang kaarte-arteng kinain niya iyon. Napangiwi na lang ako. "Kumain ka na," dagdag pa nito.
"Okay." Kadiri siya. Nalawayan ko na 'yon, eh.
Pagkatapos namin kumain, pinakilala ako sandali ni Renz sa mga tropa niyang bagets. Una na ro'n ang mukang tuta sa sobrang kakyutan na si Brix Zeki Alicante, na kung tawagin ay Brix-- siya pala iyong sinasabi ni Gian na may crush kay Renz. Obvious naman, kung makatingin kasi siya sa'kin wagas tapos tinitirikan pa ko ng mata. Haha! Nakakatawa siya.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
RomanceSole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1) Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na l...