NOL 30 (XXX)

912 76 81
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Ang galing mo makipaglaban, Kumander!" bilib na bilib na sambit ni Wambu. "Ang dami-dami nating kalaban pero ni isa sa kanila, hindi ka natamaan. Kumander talaga kita!"

"Ikaw rin naman, Lieutenant! Ang galing mo sumalo ng suntok! Haha!" Nakitawa rin ako kay Renz. Napansin ko nga ang isang mata ni Wambu na mayroong black eye. "Pero mas magaling si Bubuwit, kinalaban si Tagnong Maligno!" tumatawang dagdag pa ni Renz. Natawa na rin si Wambu. Nginisuan ko na lang silang dalawa.

"Kumander, 'yong mga sumaklolo sa atin? Sino sila?" tanong ni Wambu.

"At paano nila nalaman na nasa bakanteng lote tayo?" tanong ko rin.

"Siyempre, ako pa ba? Madami kaya akong sources of information sa loob ng school. Mayroong nagbalita sa akin tungkol sa masamang plano ni Tagno sa akin. Mineeting ko sila Gian at sila Pareng Jinggoy..."

At sigurado akong hindi libre ang tulong nila kay Renz. Sigurado akong may kapalit na naman iyon.

"Señorito, saan ho ba kayo galing?!" nag-aalalang salubong ni Mang Andoy sa amin.

"Bumili po kami ng laruan." Pakita ko kay Mang Andoy ng hawak kong plastik.

Maniniwala na sana ito sa sinabi ko pero nakita niya ang mata ni Wambu na may black eye.

"Iho, bakit may black eye ka? Nakipag-away ho ba kayo, Señorito?" tanong ni Mang Andoy.

"Hindi po!" sagot ko agad. "Linagyan po namin ni Renz ng uling ang mata niya. Dumating na po kasi kayo kaagad kaya hindi rin namin nalagyan 'yung isa niyang mata."

Nagtawanan kami habang sumasang-ayon silang dalawa sa sinabi kong kasinungalingan. Sorry po, Papa Jesus, kung nagsinungaling po agad kami kahit na kasisimba pa lang po namin at nasa tapat pa kami ng tahanan niyo. Ayaw lang po kasi namin mapagalitan si Renz.

"Ganoon ba?" natatawang ani Mang Andoy. "Dito lang ho kayo, Señorito, kukunin ko lang ho 'yong pinabili niyo." Umalis na si Mang Andoy.

"Huwag muna kayong uuwi, Kumander. Sumaglit muna kayo kila Tiya Marta," ani Wambu.

"Oo naman! Akala mo ba nakalimutan ko? Happy 11th birthday my best of friends, Lieutenant!" masiglang bati ni Renz dito.

Nandudumilat kong tinignan si Wambu. "Talaga? Birthday mo ngayon, Wambu?"

"Oo, munting binibini," nakangiting sagot niya sa akin pero kay Renz siya nakatingin.

"Ngek! Ang ganda naman ng regalo sa'yo, black eye!" tumatawang aniko. Nakitawa na rin sila sa akin.

•••••

"Salamat sa inyong pagpunta, Kumander at Munting binibini," nakangiting ani Wambu sa amin. 

Kami lang ang bisita niya at saka ang matatanda naming kasama magsimba kanina.

"Sana magustuhan mo gift ko sa'yo, Lieutenant," nakangiti ring sabi ni Renz dito.

"'Tsaka na lang ako magreregalo sa'yo, Wambu, hindi ko naman kasi alam na birthday mo ngayon," nakangusong aniko.

"Ayos lang iyon, Munting binibini, ayos na sa aking ika'y dumalo sa aking kaarawan." Tumayo ito sa kinauupuan niya. "Sandali lamang, may sasabihin lang ako kay Tiya Marta," paalam nito sa amin ni Renz.

"Sige," tumatangong aniko.

Pagkaalis ni Wambu, tumabi sa akin si Renz. "Are you okay, Bubuwit? May masakit ba sa'yo?"

"W-wala. Bakit ako tinatanong mo? Kayo nga dapat ni Wambu ang tanungin ko niyan, eh."

"Kaya namin sarili namin, boys kami. But you–"

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon