NOL 55 (LV)

1.2K 131 180
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Clear lunch box na may lamang espateti with spoon and fork (Checked). Tumbler na may design na Hello kitty na may laman daw na Cold Milo (Checked). Tiki-Tiki and Cherifer (Checked) plus poging Oppa na katabi ko (Checked). Dahil sa mga iyan, pinagtitinginan ako ng mga dumadaang nilalang dito sa may park. Baka nga pinagtatawanan pa ko dahil sa pambatang vitamins sa may side ko.

"Kumain ka na. Hindi na ko tumitingin, ohh," sabi ulit ni Renz. Kanina pa kasi niya ko sapilitan na pinapakain pero kahit anong gawin kong titig do'n sa nakatangang espateti sa harapan ko. 'Di ako natatakam. Feeling ko nga, punong-puno ang tiyan ko. Ganito ba talaga pag-broken. "Grabe naman ang effort mo sa lalaking 'yon!" dagdag pa nito dahilan para mapatingin ako sa kaniya at napa-big eyes pa ko nang makita kong binabasa niya ang mga love letters ko for Sir Kersey. Kaya pala kanina pa tahimik ang bugok.

Tumayo ako. Hinablot ko rito ang binabasa niya, napunit tuloy. "Sabi ko sa'yo, 'wag mong babasahin, eh!" inis na sabi ko.

"Sorry naman," nakangusong anito. Pa-cute pa ang bugok. Tsk! "Sabi mo kasi hindi niya ito nabasa kaya naisip ko, ako na lang ang magbabasa para hindi sayang ang effort mo."

Kinuha nito ulit sa'kin yung kabiyak ng napunit na liham at nagpatuloy sa pagbabasa. Wala naman akong nagawa kundi maupo na lang ulit habang nakatingin sa kaniya. "Buti ka pa, marunong kang maka-appreciate ng effort. Samantalang siya---" Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa gusto ilabas. "Binabasura lang yu--" Tinakpan nito ng panyo ang buo kong mukha sabay hagod sa likod ko.

Akma ko itong tatanggalin pero pinigilan nito ang kamay ko. "No. 'Wag mong aalisin 'yan. Ayoko nang makita kang umiiyak dahil sa lalaking 'yon."

"Muka naman akong tanga!" reklamo ko sa gitna ng aking paghikbi't pag-iyak.

"Ayos lang 'yan. Sulitin mo na ang pagiging tanga mo. At siguraduhin mo rin na expired na rin 'yan ngayon dahil simula bukas--" Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko. "Hindi ko na hahayaang masaktan ka pa ng kahit na sino. Tandaan mo 'yan."

Sa sobrang touch, niyakap ko siya. Muli, sa pangalawang pagkakataon, sa kaniya ko ulit binuhos ang lahat-lahat ng sakit na nadarama ko. Sinabi ko rin sa kaniya ang mga katanungan ko na dapat kay Sir Kersey. Pero ni isa, wala siyang sinagot. Basta, nakikinig lang siya sa mga hinaing ko habang hinahagod ang buhok ko.

"Alam ko naman na wala akong karapatan dahil wala namang kami. Pero, ang akin lang---dapat sinabi niya sa'kin na sila na pala--- marunong naman ako makinig at umintindi, eh. Tapos ngayon, gusto niyang walang magbabago sa relasyon na meron kami? Ni hindi ba niya naisip na nasasaktan ako. Grabe siya sa'kin. Ganon ba talaga ko kapanget para ibasura na lang ang feelings ko!"

"'Wag mo sabihin 'yan. Hindi ka panget. Maganda ka kaya."

"Sinungaling ka, mga sinungaling kayong mga lalaki kayo. Mga wala kayong kuwenta, matapos niyo kaming pakinabangan. Basta-basta niyo na lang kami itatapon. Napakasama niyo. Who you kayo sa'kin kapag ako gumanda! Wala akong papansinin kahit isa sa inyo. At sinusumpa ko na-- hindi na ko mai-inlove kahit kanino. Ayoko nang umasa, maging panakip butas, mag-effort, maging second choice *sob* at magmahal nang walang hinihinging kapalit. Nakakapagod na-- nakakapagod na ang magbigay nang magbigay tapos in the end, maiiwan ka na naman mag- isa." Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa'kin. "Hindi ko pa man din nararanasan ang magka-boyfriend *sob* naranasan ko na ang maging sawi parang *sob* nakakatakot na."

"Pero paano kung dumating na ang taong para sa'yo? Yung handa kang saluhin? Yung handang mag-effort para sa'yo? Yung ipaparamdam sayo na maganda ka? Na espesyal ka? At mamahalin ka ng higit sa sarili niya. Ano ang gagawin mo?"

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon