Jennica Monique Sanchez POV
Buhat sa bahagyang nakabukas na bintana ng kotse ni Tito Pablo, tahimik kong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin habang patuloy kong iniisip 'yong sinabi ni Tito Pablo kanina. Na mayroong inilaan sa akin si Papa Jesus at hindi iyon ang crush kong si Renz.
Gusto ko sana itanong kung namatay na ba siya sandali at nakausap niya si Papa Jesus tapos sinabi ni Papa Jesus sa kaniya ang mga magaganap sa kasalukuyan. Kaya lang nahihiya ako magtanong sa kaniya. Parang gusto, na parang ayoko na tuloy samahan siya sa bahay niya. Mukang ayaw niya kasi sa crush kong si Renz.
Maya-maya pa, huminto kami sa arkong pinasukan ng isang batang kalbong nakayapak, ang tsinelas no'n ay nakasuot sa magkabila nitong braso. Ang kasama naman nitong batang naka-sumbrerong itim ay maayos ang pananamit, may hawak iyong libro. Lumingon iyon sa gawi namin, natakot ako dahil sa suot nitong maskarang kulay puti. Parang siya 'yong mga nagsasayaw na Jabbawockeez, siguro idol niya iyon.
Iniwas agad nito ang tingin niya sa amin, nagpatuloy na siya sa paglalakad papasok ng arkong may nakasulat na hindi ko maintindihan. Parang sinaunang alpabeto iyon ng mga ninuno. Nakalimutan ko na 'yong tawag, nabasa ko iyon sa silid-aklatan, eh.
"Anong masasabi mo sa kaniya?"
"Po?" Nabaling ang tingin ko kay Tito Pablo. "Saan po?"
"Sa batang lalaking iyon." Turo nito sa naglalakad na batang nakamaskara.
"Ah. W-wala naman po."
"Siya ang sinasabi kong ipapakilala ko sa'yo. Sigurado akong magkakasundo kayo, mahilig din siya magbasa tulad mo."
Tumango-tango na lang ako. Siya pala iyon pero mas gusto kong makilala 'yung batang kalbong humaharurot ng takbo. Naalala ko kasi sa kaniya si Wambu, ang bestfriend ng crush kong si Renz.
Nagpatuloy na ulit sa pagda-drive si Tito Pablo papasok ng arko. Nang matapat kami sa naglalakad na batang lalaking nakamaskara. Nagkasalubong ang mga mata namin, pero agad ko ring iniwas ang tingin ko rito dahil sa natatakot talaga ako sa suot niyang maskarang pang-Jabbawockeez.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga nadadaanan naming mga iba't-ibang halaman at puno. At sa 'di kalayuan ay ang napakalaking gate na pampalasyo ang disenyo. Pero hindi kami pumasok doon, bumaling kami pakanan at pumasok sa isang eskinita.
Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang puting gate na nakabukas at isang malaking swimming pool na hugis bilog, mayroon ding maliit na pambata sa isang gilid.
Nang makapasok kami sa nakabukas na puting gate, nakita ko sina Nanay, Tatay, Lola at Lolo na nakapuwesto sa isang bahay kubo, na parang cottage sa isang resort. Pero ang mas nakaagaw ng pansin sa akin ay 'yong dalawang palapag na puting bahay ni Tito Pablo. Maliit lang iyon pero maganda't mukang alaga sa linis.
"Nandito na tayo," ani Tito Pablo, nakababa na pala ito ng sasakyan niya, nai-park na niya ito sa tabi ng bahay kubo. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayan ako nito sa pagbaba ng sasakyan niya hanggang kila Lola. Nagmano agad ako sa mga ito.
"Ate! Hindi mo ko nakita mag-swimming! Marunong na ko lumangoy!" pagmamalaki ni Odessa. "Tinuruan kasi ko nila Kuya SayJan pati langoy ng palaka."
Napahagikgik na lang ako. Sayang, hindi ko sila nakitang tatlo maglangoy palaka habang nagkakarerahan.
"Huwag ka malikot! Sinusuklay pa kita," saway ni Lola kay Odessa.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
RomanceSole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1) Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na l...