NOL 25 (XXV)

1K 86 148
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Happy Birthday ulit, Bubuwit," nakangiting bati ulit sa akin ni Renz. Pasakay na ito sa service niyang van pero pumihit ulit siya pabalik sa akin. "May nalimutan pa pala akong ibigay." Mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ay may dinukot siyang cassette tape na nakabalot sa isang puting panyo. Inabot niya iyon sa akin na akin namang tinanggap nang nakakunot-noo. 

"Para saan ito?"

"May cassette player kayo 'di ba?" Tumango-tango ako. "Pakinggan mo na lang ang laman ng tape. One of my favorite song ko ang laman niyan and everytime na napapakinggan ko ang song na iyan... ikaw ang naaalala ko. Thank you, Bubuwit."

Akala ko ki-kiss na naman siya sa pisngi ko kaya ako umatras ng kaunti palayo sa kaniya. Pero lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"You are the best gift I ever received. Thank you for coming into my life, Bubuwit," bulong pa nito. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. "See you on Monday!"

Nagmamadali na itong sumakay ng van. Pagkatapos ay pinaandar na agad iyon ni Mang Andoy. 

"Salamat at happy birthday din ulit, Renz. Hihi. Mag-iingat kayo."

"Ate!" gulat sa akin ni Odessa. "Yiiii...si Ate... nakita ko kayo ni Kuya Artistang nagyakap," tukso nito sa akin.

Mabuti na nga lang nasa loob ng bahay sila Lola kundi nadinig nila 'yong sinabi ni Odessa. Mas lalong nakakahiya iyon.

"May binulong lang siya sa akin. Ang sabi niya, cute ka raw at huwag ka raw masyadong madaldal kasi... baka saksakin ni Papa Jesus ang dila mo," pananakot ko rito.

Tinakpan agad nito ang bibig niya't nagtatakbo papasok ng bahay ni lola. Napahagikgik na lang ako inakto niyang ka-cute-an. 

Pero sorry po, Papa Jesus kung nagsinungaling ako kay Odessa, ayoko lang po ipagkalat niya nakita niyang pagyakap sa akin ni Renz. Hihi.

Dear Mareng Diary,

      January 17, 2008. Araw ng Huwebes. Alas-siyete thirty nine ng gabi. Ika-labing isang kaarawan ko ngayon. Madami akong natanggap na regalo pero ang pag-kiss sa pisngi at pagyakap sa akin ng crush ko ang pinakamagandang natanggap kong regalo. Hihi! Kilig ako!
      Katatapos ko lang magsulat ng pasasalamat na liham para kila Ama at saka sa ire-request kong gawin niyang scholar si Kuya Gilbert at si Tita Thea kapag nag-college na siya. Para hindi na rin mahirapan sila Lola sa pagpapaaral sa kaniya. At sana nga lang pagbutihan ni Tita Thea ang pag-aaral para matuwa na si Lola sa kaniya at hindi na siya sabihan na makapal ang mukha.

Isinarado ko na ang diary ko. Hinarap ko na ulit ang cassette player na nasa kuwarto namin ni Tita Thea. Isinalang ko rito ang casette tape na binigay sa akin ni Renz kanina. Ang sabi niya, isa ito sa paborito niyang kanta at sa tuwing napapakinggan niya ito ay ako ang naaalala niya.

Pinlay ko na ang cassette player, saka ako pumalumbaba sa harap nito para pakinggan ang kanta.

Now playing: A smile in your heart by Ariel Rivera

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang liriko ng kanta. Pakiramdam ko naman ay pang may crush o may inspirasyon ang kantang ito. At parang boses ni Renz ang nadidinig kong kumakanta. Hihi.

•••••

(Monday, January 21, 2008)

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko nang tumunog ang school bell. Recess time na. Pero hindi pa rin lumalabas ng office si Renz. Hindi pa siguro siya tapos mag-exam.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon