NOL 17 (XVII)

1K 87 146
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Friday, October 26, 2007)

"Salamat po ulit sa paghatid, Impong Bituin," nakangiting aniko, pagkababa ko sa sasakyan nitong pulang kotseng kuba.

"Ang iyong baong meryenda?" Ipinakita ko rito ang paper bag kong bitbit na naglalaman ng hinanda niyang baon para sa akin. "Hahatidan na lamang kita ng pananghalian mamayang tanghalian. Ano ang iyong nais iulam?"

"Fried chicken po gusto niya.." sabat ng biglang sulpot sa likuran kong si Renz. "Na mayroon pong maraming pinya at patatas. Magandang umaga po."

"Pininyahan iyon!" pagtatama ko. Pinahirapan pa ang sarili, eh.

"Magandang umaga rin," natatawang bati pabalik ni Impong Bituin kay Renz. "Sige na, pumasok na kayo."

"Ingat po kayo," sabay pa naming sabi ni Renz.

Pependungan ko sana siya pero hindi ko abot ang ulo niya at parehas may bitbit ang kamay ko. 'Tsaka umikyabit na siya sa akin at hinila ako papasok ng aming eskwelahan.

"Bakit siya naghatid sa iyo? Nasaan Tito Pablo mo?"

"Maaga siya umalis kaya si Impong Bituin ang naghatid sa akin papasok dito sa eskwelahan at maghahatid ng tanghalian. Pero mamayang uwian ng hapon, si Tito Pablo na susundo sa akin."

"Oh I see. Sabay tayong mag-lunch, ha."

"Bakit? Hindi ka uuwi?"

"Hindi lang ako pati na rin sila." Turo ni Renz sa mga kaibigan naming nasa tapat na ng room.

Si Nikki na pinupusod ang mukang antok na antok pang si Patricia. Si Constantine na tahimik lang pinapanood ang pagpupusod ni Nikki kay Patricia. Si Vivo na panay ang wasiwas ng laruan nitong espadang umiilaw, animo itong may invisible na kalaban. Sina John at Paul na magkatabing kumakain ng lugaw na nasa basong styro foam, at ang nakikisalo sa kanilang si Gian na mukang hindi na naligo makapasok lang ng maaga.

"Ang aga naman nila." Tumingin ako sa suot kong relo na Hello Kitty. 5:32 AM pa lang ng umaga.

"Kanina pa kaming 5:00 AM dito."

"Talaga? Bakit? Anong meron?"

"Siyempre, huling pasok na natin ngayon. Magpapa-lunch and meryenda ko later. Dito tayo.." Hinila ako nito papasok ng pinto nang nakabukas na silid-aklatan.

Sinindihan ni Renz ang ilaw. Pumuwesto kami ng upo sa lamesang nasa bungad lang ng silid-aklatan at buhat sa bag niya ay may inilabas siyang bagong word hunt. Inilapag niya iyon sa harapan ko.

Woah! Isa ito sa gusto kong bilhin sa Pandayan pero sapat lang ang pambili ko o pera nila Lola para sa pinaka gusto kong babasahin.

"Nakita kong nagsasagot niyan si Nanny Yves. Nagpabili ko yesterday para sagutan natin. Paunahan tayo mamaya, ha. Ang matalo... pipitikin ng lima sa ilong at lima sa noo."

"Hoo.. Ayo---"

"Key. Locked. Throw the key in the Pacific ocean," aniya. "Let's try it now."

Ibinigay nito sa akin ang isa niyang magic pencil. Pinuwesto nito sa gitna namin ang word hunt. Tig-isang page kami. Akin ang nasa kaliwa, sa kaniya ang nasa kanan. Tig-beinteng English word ang hahanapin namin.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon